CHAPTER SIXTEEN

50 7 0
                                    

“Hoy, Veena!”—malakas na wika nito

"Shhh!”

“Bakit?”—Calvin

Tinakpan mo ang bibig ng lalake gamit ang kamay mo.

“Wag kang maingay”—mahinang wika mo sa lalake.

Naguguluhang-nakatingin lang ang lalake sayo.

“Calvin, may sumusunod sakin, nung papauwi ako dito sa bahay!” —mahinang wika mo sa lalake

“Huh! Sino?” —naguguluhang tanong ni Calvin

“Hindi ko rin alam”


KAHEL POV

“Liah!”

“Ohh?” —Liah

“Sigurado ka bang nasa bahay nila Veena, tropa ko?”
—tanong mo kay Liah habang nagmamaneho ka

“Hindi ko din, alam pero malakas kutob ko na, magkasama sila ni Calvin” —Liah

“Pano mo, nasisigurado yan?” —tanong mo pa

“Hayss! tingnan nalang natin!”

Nagmaneho ka nalang at di na nagsalita pa.

“Dito na, i-park muna kotse!”—Liah

Agad mo naman pinarada ang kotse at bumaba na kayo.

Nasa tapat kayo ng pintuan nila Veena.

“Liah, parang wala naman tao dito.“

Nakita mo kasing sarado ang pinto kaya mo ito sinabi.

“Wait, tawagan ko si Sis”—Liah

Tinawagan ni Liah ang bestfriend nya at narinig nyong nag ri-ring ang phone nito sa loob ng bahay nila.

“Nandito si Sis!”—Liah

“Pero bakit naka-lock pintuan?”—takang tanong mo sa babae

Nagkatinginan kayong dalawa ni Liah.

CALVIN POV

Pawis-pawisan na kayo sa loob ng kabinet dahil hindi kayo makalabas at natatakot si Veena.

Hinubad mo ang pang-itaas mong damit, dahil sa init sa loob.

Habang si Veena ay nakatulala lang habang nakatitig sa ginagawa mo.

“Hoy Calvin! anong ginagawa mo?”—mahinang wika nito

“Tsk. Ikaw ba naman makulong sa loob ng kabinet, napaka-init!” —nakangisi mong sagot sa babae

Pagkahubad mo ng damit ay inabot mo ito, sa babaeng kasama mo.

“Ohh!”—sabay abot mo ng damit mo

“A-Anong gagawin ko dyan?” —Veena

“Pawis-pawisan kana, gamitin mo munang, pamunas sa pawis mo” —nakakaloko kang ngumiti dito

Napansin mong nakatingin lang ito sayo at naka titig sa katawan mo.

“Bat tulala ka, hot bako?” —nakakaloko mong tanong sa babae

“Feelingero!” —Veena

“Tsk. Kukunin mo ba oh, ako na magpupunas ng pawis mo?”
—nakangising tanong mo dito

Kaagad naman nya itong hinablot sa kamay mo at pinunas sa kanyang mukha.

“HAHAHAH” —mahinang tawa mo

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now