CHAPTER TWENTY THREE

37 6 0
                                    

Ilang minuto lang ay nag ring na ang bell at nagsimula ng maglabasan ang mga estudyante.

Umuwi kana rin sa bahay nyo para mag pahinga.

~•Kinaumagahan•~

Nagising ka at mabilis na naggayak dahil male-late kana, nagmamadali kang lumabas ng bahay nyo.

Naabutan mo sa labas ang dalawang lalake na nakasandal sa kanilang sariling kotse habang hinihintay ang pag labas mo sa inyong bahay.

Isang kulay pula at asul na sports car ang kanilang gamit.

“Veena! sakay na!”—Calvin

“Veena! hatid na kita, tara?”—Jadrix

Gulat kang napatingin sa dalawang lalake at umiba ng direksyon saka naglakad, hindi muna pinroblema pa kung male-late ka man sa pag pasok, at naglakad nalang para makaiwas sa dalawang lalake.

Agad na bumalik sa kotse ang dalawang lalake at pinaandar ang sasakyan.

“Veena! male-late ka, pag naglakad ka papasok!”—malakas na wika ni Calvin

“Veena! Sakay na, mapapagod ka lang maglakad”—wika rin ni Jaydrix

“Tantanan nyo nga ako!”—sigaw mo sa dalawang lalake

Umalis ang dalawa sa daanan mo.

Akala mo ay di kana nila guguluhin ngunit nakita mong pinarada nila ang kanilang sasakyan sa tapat ng bahay nyo.

Tanging kinuha lang nila ay ang kanilang mga bag pati na ang kanilang susi ng sasakyan at nagtatakbong bumalik sa kinaroroonan mo.

“Veena intayin mo ko!”—sigaw ni Calvin

“Veena, wait pasabay ako!”—Jadrix

Huminto ka sa paglalakad at inintay nalang sila na mapalapit sa kinaroroonan mo dahil alam mong di ka tatantanan ng dalawang lalake.

“Ang lakas din ng trip nyo noh!”—wika mo sa dalawa

“May mga sasakyan kayo, pero mas ginusto nyong maglakad”—dagdag mong wika

“Ikaw eh, ayaw mo kasing sumakay sakin”—malungkot na wika ni Calvin

“Hehehe, okay narin atleast kasabay kita Veena!”—wika ni Jaydrix sabay kamot ng ulo

“Madadamay lang kayo malate nyan!”—wika mo sa dalawa

“Okay lang sakin ma-late, Ewan ko nalang sa isang yan”
—sabay turo ni Calvin kay Jadrix

“Sakin, ayus lang baka umiyak isang yan, kapag nalate”
—wika ni Jaydrix habang nakatingin kay Calvin

Nagtitigan ang dalawa ng masama.

Napatingin ka sa dalawang lalake.

“Sige magtitigan lang kayo, bahala nga kayo!”

Naglakad kana ulit at dina nilingon ang dalawa.

Nakarating kayo ng school at naabutan ang mga estudyante na nag f–flag ceremony na, habang kayo ay nakatayo malapit sa gate.

Natapos na ang flag at kayo ay tinawag ng principal sa harapan.

“Pangalawang kaparusahan sa tatlong estudyante na ito”
—wika ng principal

Kung dati ay sa buong school lang ang lilinisan ngayon ay kasama na pati CR.

“Kung pinaubaya mo lang sana sakin si Veena at sakin muna pina sakay edi sana, di na sya nadamay”—inis na wika ni Calvin sabay kwelyo kay Jadrix

“Brad, sabi mo di ka iyakin, bat ngayon ka pumuputak?”
—kinwelyohan din ni Jaydrix si Calvin

“Ano ba, magsitigil nga kayo!”—malakas na wika mo habang nagwawalis ng mga dahon

Ngunit ang dalawa ay patuloy parin ang sumbatan.

“Sorry!”—sabay nilang sambit sayo

Agad naman nilang dinampot walis at daspan at patuloy na nagdakot.

“Veena! ito panyo pagod kana”—wika ni Jaydrix

“Baka gusto mo ng tubig Veena, bili kita sa Canteen?”
—alalang tanong ni Calvin sayo

Mamaya na, kapag recess tapusin nalang natin tong linisin.

Ilang minuto lang ay natapos nyo na ang, linisin kasabay nito ang, pagtunog ng bell hudyat ng recess.

Pumunta kana sa canteen at habang naglalakad ka ay nakabuntot parin ang dalawang lalake sayo.

Halos pag tinginan na kayo ng mga estudyante sa ginagawa ng dalawa.

Umupo ka saglit sa may bakanteng lamesa at nagpahinga muna bago bumili ng pagkain.

Napansin mong biglang naglaho ang dalawang lalakeng kanina pa naka buntot sayo.

Sabay na naglapag ng pagkain sa lamesa ang dalawang lalake, kaya napatingin ka sa kanila.

“Veena! ito oh pagkain mo!”—sambit ni Calvin sayo

“Ito sakin Veena kainin mo, masarap yan!”—wika ni Jaydrix

“Mahal tong binili ko Veena, kainin muna!”—mariin na wika ni Calvin habang nakatingin kay Jadrix

“Tsk. Halatang di bukal sa loob!”—mahinang kumento ni Jaydrix

“May sinasabi ka bro?”—inis na tanong ni Calvin kay Jadrix sabay kwelyo sa lalake

“Ahh kako, halatang di bukal sa loob!”—malakas na wika ni Jaydrix sabay kwelyo kay Calvin

Napatingin ka sa dalawang lalake.

“Pwede ba! Kahit ngayon lang, mag kasundo kayo!”—galit mong wika

“Fine, kakainin ko yang binili nyong pagkain!”

Hinawakan mo kamay ng dalawang lalake at pinaghiwalay, saka pinag shake hands.

Nagtatalo parin ang mga mata ng lalake at di mapaghiwalay ang mahigpit na hawak nila, sa mga kamay nila habang nagkakamayan.

Calvin! Jadrix!

Pareho mong binanggit ang pangalan nila, saka lang sila natauhan at umupo na sa harapan mo ng magkatabi.

Di parin nagsasalita ang dalawa, at nakatitig lang sayo, habang kumakain ka ng binili nilang pagkain.

Pinilit mong kainin ang mga binili nilang pagkain kahit na ilang na ilang kana sa mga titig nila sayo.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now