CHAPTER TWENTY FOUR

40 6 0
                                    

CALVIN POV

Nasa bahay ka ngayon ng tropa mong si Kahel.

“Pre, mukhang wala ka ata sa mood”—wika ni Kahel

“Badtrip pre! may karibal nako kay Veena”—inis na wika mo

“Akala ko pa naman, madali lang mapapasakin si Veena, yun pala may sagabal pa”

“Nako! sinasabi kona sayo pre, dapat noon mo pa inamin yan, kilalang kita pre nung nakita kong tinali mo bag ni Veena, ibang ngiti meron ka non”—Kahel

“Hanep, kabadrip!”

“Tara, shot!”—natatawang sambit ni Kahel

“Geh! Tara”

Naginom kayo ni Kahel hanggang sa malasing ka.

Hinatid ka ni Kahel sa bahay kung saan, wala kang kamalay-malay sa mga nangyayari sa paligid mo.

“Ikaw na muna bahala sa tropa ko ah”

“Bawal kase yan umuwi sa kanila ng patay sa lasing malalagot yan kay Tita ni Tito”

“Hoy Kahel, wag mong iwan sakin toh!”

Tanging narinig mo sa usapan nila.

YOUR POV

“Sino yan?”—wika mo habang pababa ka sa hagdan

Agad mong binuksan ang pintuan at nakita mo si Kahel kasama si Calvin na patay sa lasing.

“Veena! pwede dito muna tropa ko?”—pakikiusap na wika ni Kahel sayo

“Yoko makita pagmumukha nyan!”—inis na wika mo

“Sige na Veena, please!”—paawang wika ni Kahel

“Ikaw na muna bahala sa tropa ko ah” —sabay pasok kay Calvin sa sofa nyo

“Bawal kase yan umuwi sa kanila ng patay sa lasing malalagot yan kay Tita ni Tito”—wika pa nito sabay lumabas sa bahay nyo

“Hoy Kahel, wag mong iwan sakin toh!”—malakas na sigaw mo ngunit balewala lang sa kanya

“Hoy, Calvin gising”—sabay yugyog mo kay Calvin

Agad naman itong umupo na ikinagulat mo.

“Kaboses mo, si Veena!”—sabay turo nito sayo

“Pero mas maganda si Veena kesa sayo!”—dagdag na sambit ni Calvin

Napalunok ka ng bahagya sa sinabi nito

“Hahahah sira, ako si Veena!”—natatawang sambit mo kay Calvin

Nagulat ka ng biglang pumatak luha sa mga mata ni Calvin.

“Anyare sayo, huy Calvin”—sabay tapik sa braso ng lalake

“Bakit ka umiiyak, okay ka lang?”—nagulat ka ng maging emosyonal si Calvin sa harapan mo

“Ikaw ba talaga si Veena?”—sabay turo ng lalake sayo habang ito ay patuloy parin sa pag-iyak

“Oo nga ako toh, si Veena!”—natatawang sambit mo

Nagulat ka ng bigla kang yakapin ni Calvin ng mahigpit.

“Veena, Mahal kita!”

“Pwedeng ako nalang piliin mo, please Veena!”

“Hindi ko kayang mapunta ka sa iba, ako lang please”

“Veena, Mahal na Mahal kita”

“Handa akong ibigay sayo lahat ng naisin mo mapasakin ka lang at mapasaya”

“Di ba Mahal mo rin ako?”

Umiiyak na nakayakap si Calvin sayo habang binibitawan mga salitang yan.

Kumalas sa pagkayakap si Calvin sayo at huminto sa pag-iyak.

Tinitigan ka ni Calvin sa mukha at maya maya pa ay napunta sa labi mo ang tingin ng lalake.

Palunok-lunok ito ng laway kasabay ng pag-alon ng kanyang Adams apple at seryosong nakatingin sa manipis mong pulang labi.

“Hoy Calvin, natahimik ka?”—wika mo pa

“Calvin!”

Seryoso lang itong nakatingin sa labi mo habang nagsasalita ka.

Mamaya-maya pa ay sinunggaban kana nito ng isang mainit na halik sa labi.

Gulat ka man sa ginawa ng lalake ay tumugon kana rin sa halik nito.

Tumagal ang halikan nyo at palalim ito ng palalim.

Hindi mo magawang pigilan ang lalake dahil habang tumatagal ay nasisiyahan kana rin kasalo ang lalake habang kayo ay naghahalikan.

Inalis ng lalake ang kanyang damit at puma-ibabaw sa harap mo.

Nagpatuloy ang halikan nyo ng lalake at pababa ng pababa ang halik nito sa iyong leeg patungo sa iyong dibdib.

Marahan kang napailing at nakiliti sa likot ng kamay ng lalake sa dibdib mo pati na ang kanyang labi na nagiiwan ng marka sa iyong leeg.

Dahan dahan nitong inaalis ang butones ng iyong blouse.

Huminto ito bigla at sumuka sa dibdib mo.

“Wtf! Calvin!”—inis na sigaw mo

Dali-dali mong inalalayan ang lalake patungo sa Cr at pinasuka ito.

Wala kang nagawa kundi alisin ang blouse mo dahil puno ito ng suka at maligo ulit kasama si Calvin.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now