CHAPTER FOURTEEN

49 8 0
                                    

YOUR POV

“Calvin ano ba, ang bigat mo!”

Wala parin response ang lalake.

Hila-hila mo itong pinunta sa kwarto.

Halos mapasubsob kana sa kanya kakahila dahil mabigat ito.

Hirap ka man ay pinilit mo parin itong idala sa kwarto ng parents mo.

“Putik, pasabi-sabi sakin ng baboy ako, sya naman yung napakabigat” —pagmamaktol na sambit mo

Pagkatapos mong madala sa kwarto ng parents mo ang lalake ay, iniwan mona ito, at pumunta kana rin pabalik sa kwarto mo kung saan ka natutulog.

Kahit pilit mong ipikit mga mata mo, ay di ka makatulog, bumangon ka at nanguha ng towel at tubig saka pumunta sa kwarto kung nasan ang kinaroroonan ng lalake.

Pagkapasok mo palang ay nakita mo ang lalakeng nakabaluktot sa higaan at nakayakap sa sarili, marahil ay giniginaw ito.

Kumuha ka ng kumot at kinumutan mo ito.

Saglit kang nagtungo sa lalake at pinagmasdan mo mahahabang pilik mata nito.

Bigla ka naman natauhan at kinuha mo ang towel na dala mo at binabad sa tubig pagkatapos ay piniga mo ito.

Marahan mong pinatong ang towel sa noo ng lalake.

Chineck mo ulit ang towel sa noo ng lalake at binabad mo ulit ito sa tubig, piniga mo ito at dahan-dahang pinunas sa braso ng lalake.

Nagising ang lalake habang pinupunasan mo ito,  seryoso lang itong nakatingin sa iyo na ikinailang mo.

“Veena!”—Calvin

Napatingin ka sa kanya.

“Bakit?”

“Sinasakit ka pa ba?”—alalang tanong ni Calvin

Hind ka makaimik dahil may sinat ka parin.

Lumapit ang lalake at pinatong ulit nito kamay nya sa noo at leeg mo para I check kung meron pa o wala.

“May sinat ka parin, tas inaalagaan moko?”—Calvin

“Ipagluluto kita ng pagkain mo!” —wika ni Calvin sayo

Akmang tatayo na ito ng hawakan mo ito sa kamay.

“Okay nako, ikaw dyan ang umaapoy sa lagnat”—Calvin

“Bakit basang-basa kang pumunta dito?” —pagtatakang tanong mo sa lalake pero di lang ito umimik

“Ako na magluluto dyan ka lang!”

“Humiga ka muna dyan intayin mo ko babalik ako!”

Sinunod naman ng lalake ang sinabi mo at bumaba kana para magluto.

Lugaw nalang niluto mo dahil malakas ulan sa labas at maginaw.

Natapos muna itong lutuin at nagdala ka narin ng gamot sa lagnat at inumin.

“Calvin!”

“Kainin mo toh, hangga't mainit pa!”

Agad naman umupo ang lalaki sa kama at kinain ang lugaw mong niluto.

“So, bakit nga, basang-basa kang pumunta dito?”—tanong mo ulit sa lalaki habang kumakain ito

Napatingin muna ito, bago kaya nya sinagot sa tanong mo.

“Pinagalitan ako ni Mom, dahil na late kami ng tropa ko sa klase sa Teacher natin sa English!” —Calvin

“Tapos?”

“Pagka-tapos non, kinuha nya cp ko pati na mga susi ng sasakyan ko at ang malala pa eh, ayaw nya akong palabasin sa kwarto ko, pinabantayan nya ako sa guard kaya walang takas”—mahabang paliwanag nito

“Ehh? Pano ka nakalabas?”—takang tanong mo pa dito

“Sa bintana ako dumaan hehe!”—tawang sambit nito

“Inabutan nako ng ulan sa labas, kaya basang-basa ako kanina!” —Calvin

“Ahh, kaya naman pala”

“Salamat ahh, pinayagan mo kong tumuloy dito!”
—pagpapasalamat na wika nito

“Wala yon, pangbawi ko lang sa tulong mo sakin”

“Pero!”

“Pero?”—tanong ni Calvin sayo

“Ang bigat ang mo, halos mapasubsob nako kakahila sayo”

“HAHAHAH, sorry nakatulog ako kanina!”

“Kaya pala andito nako sa kwarto pag gising ko, wala akong matandaan hehe! —sabay kamot ng lalake sa ulo

Napalunok ka ng laway, dahil di nya tanda ang nangyari kanina.

Dahil hinawakan nya kamay mo kanina at pinatong sa dibdib nya.

“S-Sige, magpahinga kana dyan!”—utal mong sambit

“Balik nako sa kwarto ko may pasok pa bukas!”

“Sige, Good night Veena, Salamat!”

“Good night, Calvin!”

Nginitian mo ito at nagpaalam kana pabalik sa kwarto mo.

~•Kinaumagahan•~

Nagising ka ng 5:00am at nagluto ng pagkain inihanda mo narin ang mga gagamitin mong gamit papasok ng school.

Napatingin ka sa may bintana at rinig na rinig mo ang bawat pag patak ng ulan sa sobrang lakas.

Pumunta ka sa kwarto kung saan naroon ang lalake at tinawag mo ito para kumain.

TOK! TOK! TOK!

Katok mo sa pinto.

“Calvin! Sabay kana kumain sakin papasok nako maya-maya” —wika mo dito

TOK! TOK! TOK!

Katok mo ulit sa pinto.

“Huy, Calvin! tara na kumain nakahanda na sa lamesa.”

Walang nagsasalita kaya dali-dali kang nagtungo papasok sa kwarto nito.

Nakita mo itong nakabaluktot na nakahiga kahit may kumot ay kitang kita mong ginaw na ginaw ito.

Agad ka naman lumapit at hinipo ang leeg nito.

“Shit! hindi bumababa lagnat mo!”

Pagkawika mo nito'y bigla ka nitong hinila patabi sa kanya, nakakumot kayo pareho at nakayakap sya sayo ng mahigpit.

“Veena! payakap muna hindi kuna kaya ang lamig.”
—putol-putol na sambit ni Calvin sayo

Habang ikaw ay naging istatwa at di makapaniwala sa mga nangyayari.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now