CHAPTER EIGHTEEN

39 6 0
                                    

YOUR POV

“Nakakainis ka! Humanda ka sakin mamaya.”—inis na wika mo pa

“Saan? Sa kama ba? HAHAHAH”—sabay tawa nito ng nakakaloko

“Magtigil ka, Calvin!”—seryosong wika mo

Agad naman itong tumigil sa pang-aasar sayo, at umupo ng maayos sa sofa.

“Yes! Madam baby”—sabay salute ni Calvin sayo

“Hoy, Calvin namimilosopo ka ba?”—inis na wika mo dito

“Tama na nga yan”—Kahel

“Ipaliwanag nyo nalang, kung ano nangyari, at kung bakit napunta dito tropa kong si Calvin, Veena!”—seryosong sambit ni Kahel sa inyong dalawa ni Calvin

“Kaya nga, sang-ayon ako sa tanong ni Kahel!”—dugtong na wika ni Liah sabay tango-tango nito

Ipinaliwanag nyo ng dalawa ni Calvin, kung ano nangyari, at naliwanagan naman ang dalawa nyong kaibigan.

Napagpasyahan nyong tumayong dalawa, at sila naman ang ipalit sa inyong pwesto.

Nakaupo si Kahel at Liah sa sofa at kayo naman ang magtatanong sa kanila, kung bakit magkasama silang pumunta sa bahay namin.

“At kayo! Paano kayo nagkakilala ng bestfriend kong si Liah Kahel?”—tanong mo kay Kahel

“Oo nga, bat magkasama kayong pumunta ni Kahel dito Liah”—tanong ni Calvin sa bestfriend mo

“Simple lang, dahil sa inyo!”—Kahel

“Nilapitan ko si Liah sa canteen, habang kumakain sya at tinanong kung may alam sya, kung nasaan ka pre”—Kahel

“Malakas kutob ko na magkasama kayo Calvin ng bestfriend ko, kaya napagpasyahan namin na, sabay kaming pumunta sa bahay mo Sis”—Liah

Naliwanagan na kayo kaya, tumango-tango nalang kayo ni Calvin.

“Pero pre, tanda mo pa ba, sinabi mo sakin na nagagandahan ka kay Liah, ang kaso di mo pa alam pangalan ng bestfriend ni Veena noon, kaya sabi mo sakin tatanungin mo nalang pagkapasok natin sa room, kaso pinarusahan tayo ng teacher sa English diba?”
—natatawang tanong ni Calvin sa kanyang tropa

Di naka imik si Kahel sa tanong ni Calvin at si Liah ay mukhang nagulat sa sinabi ni Calvin.

“Hahahah, nice move pre!”—sabi pa ni Calvin sabay halakhak ng malakas

~•Phone ringing•~

KAHEL POV

Napansin mong cp mo ang tumutunog, at nakita mong Mom ni Calvin ang tumatawag, kaya lumabas ka muna sa bahay nila Veena para kausapin Tita Jane mo, na Mom ni Calvin.

“Ahh, saglit lang ah, may kakausapin lang ako”

Nagpaalam ka sa tatlo para sagutin ang tawag ng Tita Jane mo.

“Hello po, Tita?”

“Hello Kahel, baka may balita kana, kung nasan anak ko?”

“Ahh, Tita nakita kuna po si Calvin”—wika mo sa kabilang linya

“Nasan sya?”—alalang tanong ng Mom ni Calvin

“Nasa kaibigan nya po sya, nakitulog”—sagot mo dito

“Kaibigan? Lalake ba?”—takang tanong ng Mom ni Calvin

“Babae po, Tita”—sagot mo dito

“Paki send, sakin address ng bahay, nung babae salamat”

“Sige po Tita, send ko po sa inyo address nya”

Agad mong sinend sa Mom ni Calvin address ng bahay ng babae at bumalik kana loob.

Naabutan mo ang tatlo na nag mi meryenda kaya lumapit ka at nakihingi ng pagkain sa tatlo.

“Pre, tumawag sakin si Tita, tinatanong nya kung nasan ka, nagaalala na si Tita, umuwi kana muna kaya Pre”—wika mo sa tropa mong si Calvin

“Sige pre, sabay nako sayo”—Calvin

Pagkatapos nyong mag meryenda ay napagpasyahan nyo ng umuwi sa kani-kaniyang bahay niyo.

Hinatid muna si Liah sa bahay nila at kayo nalang naiwan ni Calvin sa loob ng kotse.

Ikaw narin nagmaneho ng kotse ni Calvin dahil binanggit nya kanina na may sinat pa sya.

“CK pre, mukhang tinamaan kana kay Veena?”—tanong mo sa tropa mong si Calvin habang nasa byahe kayo

“Ewan pre, siguro nga!”—Calvin

“Hahahah, nako pre!”

“Alam mo ba pre, si Veena nung time na sinakit ako, sobrang alagado ako don, kahit na inaasar ko sya palagi, di nya ko magawang pabayaan.” HAHAHAH ang cute nya! —kwento nito sayo

“Alagang Veena Naks!”—kumento mo

“HAHAHAH”—Calvin

“Kinikilig ampota, tangina mo pre, Inlove kana!” —wika mo sa tropa

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now