CHAPTER TWELVE

40 5 0
                                    

CALVIN POV


~•Canteen•~

“Pre!”—Kahel

“Ohh?”

“Bat naman ni reject mo, yung cute chix”—tanong ng tropa mo

“Tsk. cute na yon, para sayo?” HAHAHA!—natatawang sambit mo

“Oo pre, ang cute kaya!”—Kahel

“Patulan muna kung type mo” —wika mo sa tropa

“Pass, sayo may gusto eh” —Kahel

Nag ring na ang bell kaya bumalik na kayo sa classroom.

Bagot na bagot ka, habang nakikinig sa tinuturo ng guro.

Maya maya lang ay natapos na rin ang klase nyo.

Napag pasyahan nyo ng tropa na sa canteen nalang kumain ng tanghalian, dahil natatakot kang mapagalitan ng Mom mo.

Buong maghapon din ang klase nyo, hinintay mo nalang itong matapos.

~•Bell ringing•~

Tumunog na bell, senyas ng uwian, kaya agad kang nagtungo sa pinag paradahan nyo ng sasakyan ng tropa mo.

Habang nasa paradahan kayo ng sasakyan ay kinausap mo ang tropa.

“Pre, wag muna-munang iuwi sa bahay kotse ko, dun muna lang sa inyo ideretso, sigurado ako kapag nakita ka ni Mom, mayayare ka don”

“Sige Pre, wag kang mag-alala, di maga-gasgasan sasakyan mo sakin” —Kahel

“Sige pre, aasahan ko yan, mauna nako pre”—pagpapaalam mo sa tropa mo

Sumakay kana sa sport's car mo at pinaharurot ito ng takbo.

Maya maya lang ay nakarating kana sa bahay nyo, pinarada mo ang kotse at papasok kana sana sa loob ng bahay ng madatnan mo sa pintuan, ang Mom mong nakapamewang.

“M-Mom!”—nauutal mong wika sa Mom mo

“Buti naman at nakauwi kana!” —galit na sabi nito

“O-Opo”—kinakabahan mong sagot sa Mom mo dahil alam mong wala ito sa mood.

“Pasok sa loob, magusap tayo!”

Pumasok kana sa loob at naupo sa sofa nyo.

Nakatitig lang sayo ang Mom mo.

“Sinabi sakin ng teacher mo sa English, na nalate ka daw sa klase nya, kasama ang tropa? —galit na tanong ng Mom mo

“Opo Mom, nalate po kami sa klase, sorry po!”
—pagpapaumanhin mong sabi dito

“This is the second time Calvin.”—galit na sigaw nito

“Diba sinabi ko na sayo, kung ano mangyayari pag di ka sumunod”

“Opo, alam ko Mom pasensya na po”—wika mo sa Mom mo

Ngayon tanggapin mo ang parusa ko.

“Sakin na phone mo, pati susi ng mga sasakyan mo, bawal karin lumabas ng bahay, magtino ka sa kwarto mo!”—galit na sabi ng Mom mo

Papabantayan kita sa labas ng kwarto mo, sa guard para siguradong di ka makakalabas ng bahay.

“Pero Mom!”—tutol na sabi mo

“No more but's, Calvin!”—sigaw nito

Wala kang nagawa kundi ibigay nalang phone at mga susi ng sasakyan mo at pumunta nalang sa kwarto mo.

Boring na boring ka sa kwarto mo dahil wala kang mapag-libangan na kahit ano.

Wala karing phone para may mapaglaruan.

At bawal karing lumabas kase grounded ka.

Kahit gustuhin mong lumabas ay di mo magawa, dahil naka bantay ang guard sa labas, ng kwarto mo.

Nakatitig ka lang sa kamay ng orasan habang umiikot ito ng mapatingin ka sa may bintana ng kwarto mo.

“Nice, di nako mababagot dito”—nakangiti mong sabi sa isip

Agad kang nagtungo sa bintana ay dahan dahan na tumalon dito.

“Tsk. Basic”—sabi mo sa isip

Dahan dahan kang nagtungo sa gate at lumabas, mabuti nalang ay di ka napansin ng guard na nagbabantay.

Habang naglalakad ka sa kalsada ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan.

“Kung minamalas ka nga naman oh!”

“Hayss!”

Naglakad ka lang ng naglakad at sinundanan mo nalang kung saan ka dadalhin ng mga paa mo.


YOUR POV

Nakahiga ka sa iyong kwarto dahil may sinat ka parin.

TOK! TOK! TOK! —rinig mo sa labas ng pintuan ng bahay nyo.

Hinayaan mo lang ito, ngunit kumatok na naman ulit ito sa pinto.

TOK! TOK! TOK!

Kinakabahan kang tumayo sa kama at nagtataka, dahil wala namang taong, mag–aabalang pumunta sa bahay nyo, ng dis-oras ng gabi.

Na-isip mong magnanakaw ito kaya kumuha ka ng walis tambo, bago nagtungo sa pintuan ng bahay nyo.

Naka handa ang walis tambo mo, bago mo haras na binuksan ang doorknob.

Pag ka bukas ng pinto ay pinag-hahampas mo ito.

“Ahh, aray!” —wika nito

Natauhan ka ng mabosesan mo ito.

“C-Calvin?” —nagtataka kang nakatingin dito

“Anong ginagawa mo dito ng, dis-oras ng gabi?”
—naguguluhan mong tanong sa lalake.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now