CHAPTER THIRTY ONE

72 8 0
                                    

CALVIN POV

Calvin! Natasha!

Tawag sa inyong dalawa ng Dad mo.

“Pumasok na kayo sa loob, kakain na!”—wika ng Dad mo

Sumunod na kayo sa loob ng bahay.

Habang nasa hapag kainan kayo ay nagsalita ang Dad mo.

“Bagay na bagay kayo ni Natasha, Anak”

“Oo nga Calvin, bat di natin pag planuhan kasal nyo pag naka graduate na kayo!”—wika ng Mom mo

“Mom, Dad! matagal na kaming tapos ni Nat!”—malakas na wika mo sa magulang mo

“Siya ang may kasalanan kung bakit wala na kami”—mariin na wika mo

“Hindi ko papakasalan yan, si Veena ang Mahal ko!”

“Calvin!”—malakas na wika ng Mom mo ngunit di mo lang ito pinansin

Tumayo kana sa upuan mo at iniwan sila habang kumakain.

“Badtrip, lagi nalang nilang pina-pangunahan desisyon ko!”—wika mo sa sarili habang naglalakad ka

Napagdesisyonan mong pumunta sa bahay ni Veena dahil naalala mo ang sinabi ng dalaga.

VEENA POV

TOK!  TOK! TOK!

“Sandali lang!”

Naglakad kana patungong pintuan at pinagbuksan ang kumakatok sa pintuan.

“Calvin!”

Lumapit ito sayo at niyapos ka ng mahigpit.

“Calvin! Huy may problem ba?”

“Baby namiss kita!”—wika nito habang nakayakap parin

Nakita mo lang ako kanina sa school.

“Ayoko sa iba Baby ikaw lang gusto ko, I love you Veena!”
—bulong ni Calvin sa tainga mo

“Pinagsasabi mo dyan, halika na sa loob malapit na dumating parents ko!”

Pumasok na kayo sa loob at naupo sa Sofa, muli na naman yumakap si Calvin sayo ng mahigpit.

“Calvin, maabutan tayo ni Mama sa gantong posisyon sa ginagawa mo!”

Kumalas sa pagkayakap sayo si Calvin.

“Sorry Baby!”—malungkot na wika ni Calvin

Ilang minuto lang ay dumating ng ang parents mo.

“Mama, Papa!”

Lumapit ka sa parents mo at niyakap mo sila ng mahigpit.

“Namiss din kita princess”—wika ng Papa mo

“Anak, namiss kadin ng Mama!”—wika ng Mama mo

Napatingin naman ang parents mo sa lalake sa sofa.

Agad itong tumayo at lumapit sa pwesto nyo.

“Magandang Gabi po!”—nakangiting wika ni Calvin

“Magandang gabi rin iho!”—wika ng Papa mo

“Iho, magusap tayo sa labas!”—dagdag na wika ng Papa mo kay Calvin

“Anak tulungan mo ko maghanda ng kakainin natin!”—utos ng Mama mo

“Pero Mama sila—

“Hayaan mo sila ng Papa mo, usapang lalake yon!”
—pagpapaliwanag na wika ng Mama mo

MR.COLD GUY IS INLOVE Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt