CHAPTER NINETEEN

44 7 0
                                    

CALVIN POV

Hinatid ka na ni Kahel sa bahay nyo, pinagamit mo nalang ulit ang iyong sasakyan sa iyong tropa dahil wala itong sasakayan pauwi.

Pagkapasok na pagkapasok mo sa loob ng bahay ay nakita mo ang iyong Dad sa kusina at ang tatlo mong kapatid.

“Dad, Bea, Tyron, Mateo?”—tawag mo sa kanila

Napalingon naman ang mga ito sayo.

Nag-tatakbo ang tatlo mong kapatid papalapit sayo.

“Kuya!”—Bea

“Big brother!”—Tyron

“Big bro!”—Mateo

Tawag ng tatlo mong kapatid sayo.

“Hep-hep, wag kayong mag-tatakbo, madadapa kayo nyan!” —wika mo sa tatlo mong kapatid

Ginawaran ka ng yakap ng tatlo mong, nakababatang kapatid.

Binuhat mo ang pinaka bunso na si Bea.

“Lumalaki na ang, bunso namin!”—wika mo

“Namiss ka namin kuya”—utal na wika ni Bea sayo

“Big brother, napaihi si Bea sa bed”—sumbong ni Tyron sayo

Natawa ka naman sa sinabi ni Tyron at nag-iyak si Bea.

“Kaya nga Big bro, malaki na yan wag muna buhatin”
—Mateo

Mas lalong lumakas iyak ni Bea.

“Shh..shh tahan na, bunso!”—pag-papaamong sabi mo kay Bea

“Susumbong natin sila kay Mom ni Dad”—pagpapatahan na wika mo

Tumigil na sa pag-iyak ang bunso mong kapatid.

“Big bro, sakay ako car mo!”—Mateo

“Laro, tayong video games, Big brother!”—Tyron

“Kuya, kain tayo cake!”—Bea

“Isa-isa lang, gagawin natin yan lahat” Hahaha —wika mo

“Pagod kuya nyo, bukas nyo na akitin!”—Dad

“Okay lang Dad, bonding narin namin”—wika mo sa Dad mo

Natapos mo ng gawin lahat ng gusto, ng mga kapatid mo, ngayon ay nasa hapag kainan na kayo para kumain.

“Dad, si Mom nasan po pala?”—takang tanong mo sa Dad mo

“Ang sabi ng Mom mo, may pupuntahan daw sya, pero di nya sinabi kung saan”—sambit ng dad mo

“Bat po pala napa-aga pag uwi nyo?”—takang tanong mo pa habang kumakain kayo

“Saka ko nalang sasabihin Anak!”—Dad

“Sige po, Dad”

Natapos na kayong kumain kaya pumunta na kayo sa kani-kaniyang kwarto nyo.

TOK! TOK! TOK!

Narinig mong may kumakatok sa may pintuan ng kwarto mo kaya agad mo itong pinagbuksan.

“Mateo, Bea, Tyron?”

Gulat mo itong nakita na may kani-kaniyang dalang unan at kumot.

“Big brother, dito kami tutulog”—Tyron

“Kuya, pwede kami dito?”—tanong din ni Bea sayo

“Big bro, pwede makitulog kami”—Mateo

Sabay-sabay nitong wika, sabay hawak sa kamay mo.

“Makakatanggi pa ba ako!”—nakangiting wika mo

“Yehey!”—wika ng tatlo

Pumasok na sila sa loob ng kwarto mo at nag tatalon sa kama mo.

Lumapit sa iyo si Mateo at hiniram CP mo.

Huminto ang dalawa sa paglalaro at tumabi sa kuya nilang si Mateo.

Napatingin ang tatlo sayo at lumipat din tingin sa cp mo, tumingin ulit ang tatlo sayo at lumipat ulit tingin ng mga ito sa hawak ni Mateo na CP.

Nagtatakang napatingin ka sa tatlo mong kapatid habang nakamasid ang mga ito sa cellphone mo.

“Ano bang tinitingnan nyo?”—nagtatakang tanong mo

“Big bro, sino po itong katabi nyo sa picture?”—wika ni Mateo

“Kuya, sino sya?” —Bea

“Big brother jowa mo po ba toh, si ate ganda?”—Tyron

Sabay-sabay nilang sabi.

“Ha?”—takang tanong mo sa tatlo

Lumapit ka sa tatlo at tiningnan din ang picture na  tinitingnan nila sa Cp mo.

Napalunok ka ng bahagya ng makita mo ang kanilang tinitingnan sa Cellphone mo.

“Ahh, si Ate Veena nyo yan!”—sambit mo

Biglang umiyak si Bea.

“Kuya, di muna Mahal si ate Natasha”—umiiyak na sambit ni Bea

“Bunso, ayaw mo ba maging masaya kuya mo”

“Gusto po”—umiiyak na sabi parin ni Bea

Di kana nagtaka kung bakit umiiyak si Bea ngayon, dahil malapit loob nito sa ex kong si Natasha, dahil narin sya ang madalas na nag-aalaga sa bunso kong kapatid.

Habang ang dalawa kong lalakeng kapatid ay masaya.

“Big bro talaga, may Ate na kami ulit!”—masayang wika ni Mateo

“Ahh oo”—sabay kamot mo ng ulo

“Yey!”—sabay nilang wika

“Big brother isama mo po si Ate Veena sa bahay, lalaro kami ng Video games!”—masayang sambit ni Tyron

“Oo, pag kami na ni Ate Veena nyo”—tanging sambit mo dito

“Matulog na tayo!”

Pinatay muna ilaw sa kwarto mo at tumabi na sa tatlo mong kapatid sa kama.

Yakap yakap mong kasiping ang bunso mong si Bea samantalang ang dalawang lalake ay magkayakap din.

~•Kinaumagahan•~

TOK! TOK! TOK!

“Sir Calvin, pinapababa na po kayo ng mga kapatid mo, nakahanda na po pagkain sa hapag” —wika ng maid

“Sige papunta na kami!”—wika mo dito

Masaya kayong pamilyang kumakain sa hapag.

“Mom, Dad, may jowa na po si Big bro!”—masayang sambit ni Mateo sa parents nyo habang kumakain

Napatingin naman ang parents mo sayo.

“Totoo ba, Anak?”—wika ng Mom mo

“Paano na si Natasha, CK? —wika ng Dad

“Matagal na po kaming wala ni Natasha, tapos na yon Dad”

“Mauna na po akong pumasok!”

Nagpaalam kana sa inis dahil sa pagpapaalala ng Dad mo sa ex mong si Natasha.

MR.COLD GUY IS INLOVE Where stories live. Discover now