KABANATA 1

159 75 22
                                    

Book Cover   by   ItsMeNinzkie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Book Cover   by   ItsMeNinzkie







[Te quiera Senorita 2023]

Isang batang lalaki ang nakatayo sa may tapat ng isang malaking bintana malungkot itong nakatingin sa labas ng mansyon habang pinag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa di kalayuan lumapit naman sa kaniya ang isang batang babae at sinamahan siya sa pag mamasid nakalikod sila parehas kung kaya hindi ko makita ang kanilang mga wangis nakasuot ang batang babae ng mahabang kasuotan habang nakalugay ang kaniyang nga buhok at ang batang lalaki naman ay naka suot ng puting may mangas at puting pang ibaba ngunit kapansin pansin na parang may kakaiba sa dalawang batang nakatayo sa may tapat ng bintana.

Kring! Kring!

Naalimpungatan ako ng tumunog ang alarm clock na nasa gilid lamang ng kama na hinihigaan ko. Panaginip lang pala, Nito kasing mga nakaraang araw ay palagi ko nalang napapanaginipan ang mga eksenang iyon, malabo nga lang kung kayat hindi ko makita kung sino ang dalawang batang iyon. Agad na napabalikwas ako ng makita ang tirik na tirik ng araw na tumatama sa mukha ko dahil sa nakabukas na bintana sa tapat ko. Mukhang late nanaman yata akong nagising malalagot nanaman ako nito kay lolo.

May kasalanan pa nga pala ako sa kaniya kagabi, dahil nakatakas ang kalabaw ng painomin ko ito. Tumayo ako at iniligpit na ang higaan. Sinilip ko ang pintuan ng kwarto ni lolo Rubin at lola Melanie ngunit wala na ito roon si lolo at lola, saan naman kaya ngayon nag tungo si lolo Rubin? Agad na isinara ko ang pinto at nag lakad papunta sa may kusina naabutan ko na nag luluto roon si lola Melanie.

"Oh. Iha halika at kumain kana muna rito ng agahan" wika ni lola melanie na abala sa pag luluto. Tumango ako at umupo sa tapat ng lamesa. Inihanda naman ni lola melanie ang sinangag na kanina pa nakasalang sa may pugon with matching piniritong talong at Isda. Ewan ko ba rito kay lola at masyadong makaluma. Lalo na si lolo Rubin na kung ano ano na lamang ang ikini kwento sa akin kya naman halos nitong mga nakalipas nalang na mga araw ay palagi ko na lamang napapanaginipan ang dalawang batang iyon.

"Oh siya paki bantay ng niluluto kung halamang gamot apo" wika ni lola Melanie napatingin naman ako sa isang pugon kung saan may nakasalang na malaking banga. Halamang gamot pala iyon akala ko pa naman ay agahan. Impit na napatawa pa ako ng dahil sa mali kung pag aakala.


"Ano ang itong tinatawanan riyan apo?" napahinto ako ng marinig ang boses ni lolo Rubin na kararating lamang. Hala si lolo Rubin! Agad na nagtago ako sa ilalim ng lamesa pero huli na dahil nasa tapat ko na ngayon si lolo Rubin na nakatayo" Apo lumabas ka riyan at may itatanong ako sa iyo" pag tawag nito sa akin kaya naman dahan dahan akong napalabas mula sa pinag tataguan ko.

Kinakabahan ako alam ko kasing may kasalanan ako kay lolo Rubin " L-lolo" nakayukong wika ko. Hindi ako makatingin ng deritso sa kaniya dahil sa kaba " Apo bakit mo pinakawalan ang kalabaw natin mabuti na lamang at nakita ito ni Albert doon sa daan" Sermon sa akin ni lolo Rubin napayuko naman ako at napakamot sa ulo.


Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now