KABANATA 6

70 64 5
                                    

[Ika anim na Yugto]
[Te quiera Senorita 1890]

Pag patak pa lamang ng alas sais ay may mga panauhin na agad ang naroroon upang makisaya. May mga  musika rin na nag mumula sa bulwagan ng Hacienda Rafino. Napakagandang himig ng violin ang siyang maririnig sa buong Hacienda Rafino.

Narito kami ngayon ni Deseeree sa aming silid. Katatapos lamang naming mag ayos ng buhok nilagyan din ako ni tiya Lorena ng kolorete sa mukha, May ribbon din na nakatali sa aking mga buhok.

Tumingin ako sa salamin
Parang hindi ako komportable sa aking kasuotan feeling ko kasi ay hindi ito bagay sa akin. Masyado kasi itong  pambabae.

Nakaupo ako ngayon sa isang chair na gawa sa kahoy sa balkonahe ng aming silid. Habang si Deseeree naman ay kausap si Tiya lorena.

"Psst!" Sino iyon? May sumitsit kasi sa ibaba hindi ko naman makita kung sino ito dahil sa dilim at nahaharangan pa ito ng mga puno.

"Psst!" Muli nitong pag sitsit kaya naman napa tayo na ako dahil narin sa takot. Baka mamaya ay may balak iyon sa akin. Kinakabahan na ako sa kaka isip ng kung ano ano.

Agad na napahakbang ako upang mag tungo na sana loob. Tatlo palang ang nahahakbang ko ng may tumama sa batok ko.

Malakas ang impak niyon kaya naman napa aray pa ako sa sakit.
"Aray! Sino iyon!" Sabay himas sa batok ko na tinamaan.

Napalingon ako sa likuran ko ngunit wala namang tao roon.

TEKA? Ano ito? Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa paanan.

Agad na dinampot ko sa sahig ang gawa sa papel na tulips. Sino naman kaya ang nag bato nit-----Aiisshh.

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin ng maalala ang isang tao na nag bigay ng tulips sa akin kanina.

Si Ginoong Lucas!

Siya lang naman kasi ang nag bigay sa akin ng ganito kanina, Owemgeeee! Dahil sa sobrang kilig ay sininghot singhot at hinalik halikan ko pa ang gawa sa papel na tulips.

Bakit hindi niya na lang ibinigay sa akin ng personal may pa bato bato pa siyang nalalaman! Ackkk! Napaka romantic naman ni Lucas! .... Muli kong sinulyapan ang balkonahe bag pumasok sa loob.

"Binibining Clarita tayo na sa bulwagan nag hihintay na ang aking irog..." Pabulong na tugon sa akin ni Deseeree dahil baka marinig kami ni Tiya Lorena.

Shocks!! Oo nga pala mabuti pa si Deseeree ay may ka date ngayong gabi. Tumango ako sa kaniya bilang pag tugon.

Lumabas na kami ni Deseeree ng silid, Nakita  namin si Hasmina na nag aantay sa amin sa may hagdanan.

Owemge! ang ganda rin ngayon ni Hasmina panigurado ay inlababu nanaman iyon si Ginoong Andres!

Shockss! Ako ang kinikilig para sa kanilang dalawa, Nakaka delulu pala itey!

Nag tungo na kami sa bulwagan kung saan ginaganap ang selebrasyon ng Kaarawan ni Lucas. WOW! Halos mapanganga pa ako sa sobrang pag kamangha.

Talaga namang napakayaman ng Pamilya Rafino. Halos lahat kasi ng kagamitang narito ngayon ay pawang gawa sa ginto at diamante. May mga mamahalin din na baso at plato na nakakagay sa bawat lamesa.

Para akong first timer haha! totoo naman first time ko lang maka attend sa mga ganitong okasyon.

Wala naman kasing ganito sa modernong panahon mga mayayaman lang naman ang nakaka apak sa mga ganitong okasyon.

Umupo kami ni Deseeree sa pangatlong line, habang si Hasmina naman ay isinama ni Aling Aida sa kusina upang ihanda ang mga pagkain.

Si Tiya Lorena naman ay kausap si Don Rafino Kasama na din ang iba at mukhang nagkakasiyahan sila.

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now