KABANATA 5

74 72 5
                                    

[Ikalimang Yugto]
[Te quiera Senorita 1890]

kapag hindi mo nagawa ang iyong Misyon Buhay mo ang siyang kapalit!

Hanggang ngayon naririnig ko parin ang boses ni Gabriel Arkanghel! Hindi ko makalimutan ang kaniyang mga sinabi. Ang ibig sabihin ba nun kapag hindi ko nagawa ang aking Misyon. Maaaring Hindi na nga ako tuluyang makabalik at Maaari din akong mamatay?

Hindi maaari! Kailangan kong makabalik sa panahon kung saan masaya at walang misyon, Miss na miss ko na si Lolo Rubin at Lola Melanie iniisip ko nga ngayon kung kamusta na ba sila... Nakakakain kaya sila ng maayos..... Maayos kaya ang kalagayan nila ngayon... Iniisip ko kung na mimiss kaya nila ako.

Narito ako ngayon sa Balcony ng Hacienda Rafino Kararating lamang namin kanina, Bukas kasi ang kaarawan ni Ginoong Lucas kaya naman dito kami matutulog ngayong gabi. Kasalukuyan namang tumutulong sa pag luluto sa kusina si Deseeree habang kausap naman ni Ginoong Crisanto si Don Rafino at Ginoong Andres.

Ngayon ko lamang nga nalaman na pinsan rin pala nila si Ginoong Crisanto si Ginoong Andres. Grabe halos lahat pala sila na nandito ay mag kakamag anak. Bukas pa naman daw darating ang ibang panauhin.

"Binibining Clarita kamusta ang iyong pakiramdam?" Lumapit sa akin si Ginoong Lucas na kanina lamang ay kasama ni Tiya Lorena. Grabe napaka pogi niya talaga! Owemgeee Hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ngayon!

Mabuti na lamang at wala rito si Ginoong Crisanto, sa wakas
ay masosolo ko narin si Ginoong Lucas! Madilim narin pero kitang kita ko parin ang kaniyang mga mukha. Gasera lamang kasi ang ilaw rito.

"Ayos lang!" Masiglang sagot ko rito na napangisi pa ng malawak " Tila ika'y kakaiba nga tama nga si Crisanto" Tugon nito na nakatingin ng deritso sa mga mata ko. Kyaahhh! Kikiligin na ba ako. Ikaw ba naman titigan ng crush mo!

TEKA ano daw yung sabi ni sugar plum? Tama si Crisanto? Ibig sabihin namarites na pala ako ni Crisanto sa kaniya. Owemgeee mamaya kung ano anong paninira ang isinumbong niya kay Ginoong lucas.

Nagulat ako ng Sumulpot sa harapan namin si Ginoong Crisanto at nag salita"Si Binibining Clarita ay isang pilya at mabigat na Binibini kung kaya aking payo lamang sa iyo Lucas na mag iingat ka at huwag mag papalinlang sa isang tulad niya! " Tumingin sa akin si Lucas at umatras.

"Hindi iyan totoo Ginoong Lucas naninira lamang iyang si Ginoong Crisanto!" Sabay lapit kay Ginoong Lucas. Ngunit muli itong umatras.

"Isa din siyang kabayo Dahil napaka lakas niyang Binibini! Bukod sa palagi niya akong sinusungitan, Nahulog siya sa puno ng mangga ng dalawang beses! "

"Tigilan mo ako Ginoong Crisanto! mali ang iyong bintanggggggg-----"

"Binibining Clarita ano ang iyong iniisip? " Nabalik ako sa realidad ng makita ko ang mukha ni Ginoong Lucas na malapit sa akin. Kanina pa siguro siya nakatingin sa akin habang nag iimagine ako.

Owemge! Ang lapit ng mukha niya sa akin, feeling ko unting galaw ko na lamang ay mag didikit na aming mga labi. Kahit pala sa malapitan ay napaka ganda ng kaniyang mga mata. Juskoo tukso layuan mo ako!! Baka matuka charizz.

"A-ah w-wala n-naman akong i-iniisip Sugar plu---Ginoong Lucas.... " Muntik na ako dun ah. Mabuti na lamang at hindi ito narinig ni Ginoong lucas. Natawa lamang ito ng bahagya. Hindi ko nga alam kung kakabahan ako o Kikiligin sa mga oras na ito.

"May nais nga pala akong ibigay sa iyo Binibini" Tugon nito sabay abot sa akin ng isang Bulaklak gawa sa papel
galing sa kaniyang bulsa. TEKA? Paano naman niya nalaman na mahilig ako sa mga ganitong bulaklak!

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now