KABANATA 8

48 49 5
                                    

[Ika walong yugto]
[Te quiera Senorita 1890]

Bumalik na kami sa kalesa dahil may mga sibilyan ang papalabas at hindi namin sila kakayanin kung lalaban kami " Nakita ko ang iyong pag akyat sa puno kanina Binibining Clarita" Bulong sa akin ni Ginoong Crisanto ng may halong pang aasar.

"Tila isa kang-----" Agad na tinakpan ko ang bibig niya, Ayokong marinig ang kasunod na sasabihin niya baka kainin ako ng lupa sa sobrang hiya....

Mukhang nagulat siya sa ginawa ko  "Nakakailan kana Binibini, Batid kong batid mo rin na hindi maaring hawakan ng isang ginoo ang isang Binibini hanggat hindi pa sila mag mag nobya nobyo" Nanlaki naman ang mga mata ko, Agag na matanggal ko ang mga kamay ko na nalapat sa kaniyang mga labi.

Shocks!

"Kung ganon  ay nobya na pala kita, bukod sa makailang ulit mo na rin akong pinag tangkaang yakapin, Batid kung iniibig mo rin ako" Sabay kindat nito dahilan para mapa usod ako ng upo sa tabi. Ano ba itong pinag sasabi ni Ginoong Crisanto! Lasing ba siya? O-o kaya naman nananaginip?

Iniibig mo rin ako.....

Iniibig mo rin ako....

Iniibig mo rin ako....

Dugg! Dugg! 

Dugg!  Dugg!

Dugg!  Dugg!

Napahawak ako sa puso kung hindi magkamayaw sa kabog. Nininerbyos ako sa mga pinag sasabi ni Ginoong crisanto. Hindi ko alam kung nag bibiro pa siya o nag aadik lang talaga!

Hindi ako mapakali kanina pa nakatitig sa akin si Ginoong Crisanto, Ngunit sa tuwing lilingon naman ako ay iiwas siya ng tingin, Shalala!

"Anong amoy iyon?" Sabay singhot ko ng may maamoy akong mabaho, Napatingin naman sa akin si Ginoong Crisanto ng nag tataka.

"Mabaho? Wala naman akong nalalanghap Binibining Clarita" Sabay singhot singhot din nito. Hindi niya ba iyon naaamoy! Ang baho kaya!

O beke nemen si Ginoong Crisanto iyong naaamoy ko?

"Ano bang klaseng amoy iyon!" Reklamo ko pa. Napatingin muli sa akin si Ginoong Crisanto kahit si Dencio ay napasilip narin sa amin.

"Ano ang nangyayari Binibini?" Tanong ni Dencio ng nagtataka.

Baka si Dencio iyon!

Sinamaan ko pa ng tingin si Dencio na ikina kunot naman ng mga noo nito.

Samantalang nahagip naman ng mga mata ko si Ginoong Crisanto na pinipigilan ang tawa, habang nakatingin sa amin ni Dencio. Sino ba kase ang umutot!

"Wala naman akong ibang naaamoy kundi amoy rosas!" Tugon ni Dencio na mas lalong ikina kunot ng noo ko. Paanong ako lamang ang nakakaamoy ng masangsang na amoy na iyon!

Anong brand ba ng ilong ang meron sila ni Ginoong Crisanto! Hyst!

Kasusundo lamang namin kay Tiya Lorena, Deseeree at Charlito, patungo kami ngayon sa Hacienda Rafino doon muna daw kami tutuloy pan samantala hanggat hindi pa nahuhuli ang mga sibilyan. Ikinwento rin sa amin ni Ginoong Crisanto na isinama siya ni Padre Felipe sa bayan ay ng dumating sila ay papaalis na ang mga sibilyan kung kaya nag pasama siya kay Joshua para sundan ang mga ito.

So ang ibig sabihin iyong Kalesa na nakita ko kanina na huling sumunod ay kanila?

Kaya naman pala mabilis ang pag papatakbo ng kalesang iyon, Bakit kaya hindi ko naisip na posibleng si Ginoong Crisanto ang lulan ng Kalesang iyon! Napaka shunga talaga!
Ang buong akala ko kase ay na una ng na bihag si Ginoong Crisanto.

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now