KABANATA 12

36 36 5
                                    

[Te quiera Senorita 1890]

Te quiera........

Ano ba ang ibig sabihin ng salitang iyon? Kanina pa kase iyon bumabagabag sa akin mag mula ng umuwi ako rito sa Hacienda Rafino. Tinanong ko si Ginoong Dencio kung ano ang Te quiera pero tila nahiya ito sa akin, at hindi na nakapag salita pa.

Malapit na mag madaling araw tulog na tulog narin si Deseeree, samantalang ako ay narito padin ako sa balkonahe, nakatayo at iniisip kong ano ang meaning ng salitang iyon!

Kung may Cellphone lamang ako ay na search ko na iyon sa Google!

Napatalon ako ng bumukas ang pinto, pumasok pala si Tiya Lorena. Mabuti na lamang at hindi niya ako rito nakita. Gasera lamang kase ang ilaw na kaniyang dala dala, kung kaya hindi iyon abot rito sa balkonahe.

Napasinghap pa ako ng umihip ang malamig na hangin na dumampi sa mga balat ko. SHOCKS!  Ang lamig!

Maya maya pa ay nagising narin si Deseeree na tila magang maga parin, ang mga mata hanggang ngayon, Ako ang nag aalala sa kaniya. Ilang araw na din kase siyang ganiyan mag mula noong gabing makita namin si Marcelo na may kasamang ibang Binibini.

Sa tuwing maalala ko ang gabing iyon ako ang nasasaktan para kay Deseeree,  naging malapit kase sa akin si Deseeree at batid kong sobra siyang nahihirapan ngayon.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Namimiss ko na ang dating Deseeree iyong masigla at magiliw....

Nakakapanibago lamang, dahil napaka lungkot ng kaniyang mga mata, at tila bagsak ang kaniyang pangangatawan.

" Bakit tila hindi ka nakatulog Binibini?" Tanong nito at humarap sa akin. Pasimple naman akong humikab, mabuti na lamang at hindi niya iyon nakita.

"P-paano mo nalaman?" Nag tatakang tanong ko naman, dahil tulog na tulog naman siya kagabi at hindi naman niya alam na hindi ako nakatulog.

" Kapansin pansin sa iyong mga mata, Ano ba ang bumabagabag sa iyo?" May pang aasar na tanong nito. SHOCKS!  Bigla ko tuloy naalala iyong word na Te quiera!

Itanong ko kaya kay deseeree..... Baka sakaling malaman ko na kung ano ang meaning nun...

"A-Ah eh m-may itatanong lang sana ako......" Owemge!  Sana sagutin niya ng tama ang itatanong ko sa kaniya
"Ano iyon Binibini?" Kunot noong tanong nito na ngayon ay nakatingin na sa akin ng diretso.

"A-Ah alam mo ba kung ano iyong Te quiera?" Diretsang tanong ko rito. Shocks! Kinakabahan ako.....

Bigla namang napanganga ito sabay takip sa kaniyang bibig na tila ba kinikilig, Ngayon ko lamang muling nasilayan na kiligin si Deseeree, Owemge sa palagay ko ay nakatulong ang pag tatanong ko ng word na Te quiera para manumbalik ang kaniyang saya!

"Sino ang nag sabi sa iyo Binibini? Ang aking kuya santo ba?" Kilig na kilig na tugon nito.

Sasabihin ko bang oo? Baka kase kung ano pala ang meaning ng Te quiera na iyon! Tapos malaman ni Ginoong Crisanto na i chinismis ko siya! Pero sige na nga hindi naman siguro niya malalaman!

Tumango ako ng dalawang beses, Na lalong ikina ngiti ng malawak ni Deseeree. Ano ba kaseng meaning nun? Takang tiningnan ko naman ito habang nakataas kilay.

" Mahal kita ang ibig sabihin ng Te quiera sa wikang kastila" Bigla akong napatayo sa kama, dahilan para mauntog ako sa dingding na nasa gilid ko lang.

Mahal kita.....  Mahal kita.......

Mahal kita.....  Mahal kita........

"Ackkkk!" Pigil na sigaw ko.

Nag pagulong gulong pa ako sa kama habang nakapikit, Kanina pa kase iyon hindi mawala sa isipan ko.
Hanggang ngayon tuloy ay gising na gising parin ako!

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now