KABANATA 15

43 37 5
                                    

[Kinse]

[Te quiera  Senorita 1890]

" Ayos lang po ba  ang aking nobya Doktor Enrico? " Dahan dahan kung iminulat ang  mga mata ko ng marinig ang boses ni Ginoong Crisanto.May bahid ng pag aalala ang tono ng pag tatanong niya sa Doktor.

"Ayos lamang ang kaniyang pakiramdam, nawalan lamang siya ng malay  sa labis na pag tangis, Ipapayo ko lamang sa iyo na huwag mo siyang hahayaang gawin ang mga bagay na hindi dapat niya ginagawa, lalo na at nag dadalang tao ang iyong nobya" Tugon ng Doktor.

Nakatingin lamang ako ngayon sa kawalan habang pinakikinggan ang kanilang pag uusap.

" Oh siya, at mauuna na ako, tandaan mo ang aking bilin, kailangan niya ng lubos na pag aalaga mo Señor Crisanto" Paalam ng Doktor.

"Maraming salamat po Doktor Enrico, Mag iingat ho kayo" Paalam rito ni Ginoong Crisanto na inihatid pa sa labas ang Doktor.

Hindi niya siguro napansin na gising na ako, Dahil dumiretso ito sa isang gilid at umupo habang inaayos ang mga gamot na nasa lamesa.

Bigla naman akong napangiti habang pinag mamasdan siya sa kaniyang ginagawa.

Kung iisipin Isang Gwapong Sakristan ang nag aalaga sa akin ngayon. Kahit sa pag sasalansan ng mga gamit ay maamo at malakas ang dating ni Ginoong Crisanto.

Muntik pa akong natawa ng maapakan niya yung bulaklak na gawa sa papel, Nahulog siguro iyon, kanina ng mawalan ako ng malay.

Dahilan para madulas siya, at automatic na napatayo.

Hindi ko alam kung maaawa ako sa itsura niyang naka kunot noo, habang nakatingin sa  bulaklak na papel na nasa paanan niya.

Napakamot pa ito sa ulo, habang pinupulot ito.

Muli kong sinundan ng tingin ito, Naroon naman siya ngayon sa balkonahe, inaayos ang mga bulaklak na naroon. Ngayon ko lang napagtanto na mahilig pala siya sa mga bulaklak, bwahaha!

Pero unfairness ang pogi ng lalaking ito!

Muli akong natawa ng mauntog siya, roon sa nakabukas na bintana ng balkonahe, At sa pag kakataong ito, hindi ko na mapigilan ang pag tawa.

Napalingon ito sa akin, habang hinihimas ang noo niya. Shocks! 
Ang cute niya!

Para siyang batang nagulat roon, habang inosenteng nakatingin sa akin. Kamot ulong natatawa itong lumapit sa akin ngayon, rito sa kinahihigaan ko.

"Gising kana pala mahal, Kamusta na ang iyong pakiramdam?" Nag aalalang tanong nito at hinawakan ang mga kamay ko ng ka'y higpit.

" Ayos lang ako, ikaw kamusta ang iyong noo?" Natatawang tugon ko na hinawakan pa ang kaniyang noo.

" Huwag mo nga akong pag tawanan" Nahihiyang tugon nito na namumula pa ang mga pisnge. Ashiiii ang cute niya pala mahiya!

Tila asar na asar naman ito sa akin ng ipag patuloy ko ang  pag tawa. Grabe ang cute niya pala mapikon! Bwahaha ngayon ko lamang iyon napansin.

"Kumain kana nga lang muna pilyang Binibini" Sabay subo nito sa akin ng hawak niyang mangga. Hanggang ngayon kase ay hindi ko siya tinatantanan sa pag tawa.

Paanong hindi ako matatawa, kong unti na lamang ay mag didikit nanaman ang kaniyang mga kilay.

"Mahal?" Pag tawag ko rito ng wala sa sarili.

Shocks! Agad na napatakip ako sa bibig ng mapagtanto ang aking sinabi.
Bakit ko ba iyon sinabi!

"Ano iyon Binibining mabigat?" Pag tatanong nito habang abala sa pag susuklay ng buhok ko.

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now