KABANATA 17

39 35 5
                                    




Nasa hapag kainan na kami ngayon, Narito din ngayon sina Tiya Lorena, Señor Lucas at Don Rafino, Nag umpisa na kaming mag dasal at kumain. Isang tao lamang ngayon ang hinahanap ng mga mata ko, Si Ginoong Crisanto...







Wala siya ngayon rito,  at iyon ang ipinag tataka ko. nasaan na ba si Ginoong Crisanto? Hindi ko tuloy mapigilang kabahang muli, habang nasa hapag kainan.








"Ayos ka lamang ba, Ate Clarita? " Nag aalalang tanong sa akin ni Deseeree, Mabuti na lamang at hindi iyon napansin ni Don Rafino.








Tumango ako bilang pag tugon, kahit ang totoo ay todo kaba talaga, Ang nasa dibdib ko.








Nag umpisa na kaming kumain, Ngunit hindi parin mawala sa isipan ko ang kanina pa bumabagabag sa akin, Nag aalala talaga ako ng husto kay Ginoong Crisanto.








Paskong... pasko.....ngunit tila, Hindi ko ito maramdaman...








Tahimik lamang ang hapag kainan, Hindi katulad ng normal na pasko, Hindi pa man sumasapit ang alas dose maingay, at ramdam agad ang kapaskohan.








Natapos na ang aming noche Buena, Ngayon ay narito ako sa balkonahe, Iniisip kong nasaan na nga ba ngayon, si Ginoong Crisanto. Dumagdag pa sa isipin ko ang mga nalaman ko kay Marcelo kanina.







Hindi ko akalain na kapatid ko pala si Marcelo, Ngunit ang hindi ko lamang mipaliwanag, Bakit tila may hawig ang dalawang batang nasa bintana sa amin?






Hindi kaya kami ang mga batang iyon?






Ito nanaman, Gulong gulo nanaman ang aking isipan! Ano ba talaga ang totoo??






Maya maya pa ay tinawag narin ako ni Deseeree, upang matulog na Ayo'ko pa nga sana dahil inaantay ko pa si Ginoong Crisanto, Ngunit pinilit na ako ni Deseeree.






@AkdaNiClara







Naalimpungatan ako ng may humaplos, sa mga mukha ko.Dahan dahan kong iminulat, ang mga mata ko upang silipin kung sino ito.

G-GINOONG CRISANTO?!

Agad na napabangon ako at niyakap siya ng mahigpit.

"Nag alala ako sa iyo, Ginoong Crisanto" Halos maluha  luha na ako, habang sinasambit, ang mga katagang iyan.

"Huwag ka ng umiyak mahal, narito na ako..." Bulong nito sa akin habang hinahaplos ang likod at buhok ko.

Tuluyan na ngang bumagsak ang aking mga luha, sa pag kakataong ito ayoko na siyang bitawan pa.

Dahil natatakot ako, na baka pag binitawan ko siya......

Tuluyan na siyang mawala..........


"Huwag mo na ako iiwang muli, ha? " Bulong ko sa kaniya. Habang humihikbi.

" Hinding hindi kita iiwan mahal, Palagi akong nasa tabi mo, pangako" Bulong nito sa akin, at hinalikan ang mga noo ko.

@AkdaNiClara

Narito kami ngayon sa hardin " May ibibigay akong regalo sa iyo ate Clarita! " Magiliw na tugon ni Deseeree, na inabot pa sa akin ang isang TEKA ANO ITO?

Isang hikaw na gawa sa ginto? Shocks! Totoo ba ito ginto ang hawak ko ngayon? Owemge!

"M-Maraming salamat, ngunit wala akon------" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng mag salita ito.

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now