KABANATA 2

87 76 11
                                    

[Ikalawang Yugto]
[Te quiera Senorita 2023]

Napamulat ako ng maramdaman ang init na puma paso sa mga pisnge ko. Inilinga linga ko ang paningin ko at ng mapag tanto ko na nasa kwarto na pala ako ay napa kurap kurap na lamang ako ng mga mata. Mataas na ang sikat ng araw na siyang tuma tama sa mukha ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating rito gayong nawalan ako ng malay.

"Oh! Apo gising kana pala" Hindi ko napansin na narito pala sa loob ng kwarto ko si lola Melanie. Pinag masdan ko ang kaniyang ginagawa inaayos niya ang mga libro na sa book shelf ko.

"Kamusta na ang iyong pakiramdam apo?" Nag aalalang tanong sa akin ni lola. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya lumapit siya " Okay lang po ako lola" Maikling sagot ko at ngumiti para ipabatid sa kaniya na talagang okay lang naman ako.

Pumikit ako at muling inalala ang lahat ng nangyari kagabi. Wala akong ibang maalala kundi ang nakita ko lamang na relis ng train na iyon.

Muli akong tumingin kay lola Melanie para itanong kung sino ang nag dala sa akin rito, napansin naman niya siguro na may gusto akong itanong kaya umupo siya sa tabi ko " Ano iyon apo?"

"Ah! Lola s-sino po ang nag dala sa akin rito kagabi? " kunot noong tanong ko dahil hindi ko talaga maalala.

"Ang iyong lolo Rubin nakita ka niya kagabi sa daan na walang malay" wika ni lola. Mas lalong kumunot naman ang mga noo ko.

Daan?

"Eh lola... Yung Relis po at makalumang train? " Muli kung tanong sa kaniya na ikina kunot din ng noo ni lola Melanie.

"Relis wala namang relis sa ating lugar apo, ako ba ay iyong ni loloko" nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Napaka impossible nga naman na magkaroon ng relis ng train dito sa aming lugar. Pero kitang kita talaga ng mga mata ko ang train na iyon, hindi ako pwedeng mag kamali.

Joker siguro ito si lola. Eh hindi naman ako nag bibiro sa kaniya.

"Are you sure lola? Eh muntik na nga po akong ma pirat ng train kagabi!" Dagdag ko pa kaya naman piningot ako ni lola Melanie. Kaya napa bangon pa ako sa pagkakahiga.

"Aray naman lola!"

"Ikaw talagang bata ka ay pinag loloko mo nanaman ako! Sa tanda kung ito never pa akong nakakita ng relis ng train dito sa ating lugar! " Kunot noong ani lola Melanie. Unti nalang ay mag didikit na ang kaniyang mga kilay.

"Parehas talaga kayo ng iyong lolo kung ano ano nalang ang nakikita" wika ni lola Melanie na napa iling iling pa.

Teka si lolo? Hindi kaya alam iyon ni lolo.

"Oh! Saan ka pupunta apo hindi kapa yata okay?"

"Okay na po ako lola!" sabay takbo ko papalabas ng kwarto. Kailangan king makausap ngayon si lolo Rubin dahil alam kung may alam siya. Baka sakaling matulongan ako ni lolo Rubin. Naalala ko kasi na may ikinwento sa akin dati si lolo Rubin na nakasakay na daw siya sa isang train na kakaiba.

Hinanap ko si lolo Rubin sa buong bahay pero hindi ko ito makita kaya naman agad na naligo ako at nag bihis. Baka kasi nasa Palengke lang ngayon si lolo.

Dinaanan ko muna si zhinnea sa bahay nila para maisama ko. Mabuti na lamang at wala daw kaming pasok ngayon dahil sa malakas na ulan kahapon.

Papunta na kami ngayon sa palengke
Broom! Broom! Napatakip kami ni zhinnea ng ilong ng bugahan kami ng maitim na usok ng dumaang sasakyan. Siraulo yun ah!

Sa bawat kantong madadaanan namin ay may mga nag rarambulan.

Pumasok na kami sa loob ng palengke ng makita namin si lolo Rubin na kausap si Mang pedring " Lo!" pag tawag ko rito. Mukhang hindi kami narinig ni lolo dahil narin sa mahina na ang pan dinig nito. Kaya naman wala kaming nagawa ni zhinnea kundi ang lapitan nalang ito.

Te Quiero 3000 Donde viven las historias. Descúbrelo ahora