KABANATA 4

76 71 5
                                    

[Ika apat na Yugto]
[Te quiera Senorita 1890]

Nandito kami ngayon sa loob ng Kumbento nakaupo kami sa mag kabilang gilid, hindi kami nag papansinan ni Ginoong Crisanto. Hanggang ngayon ay parang nahihiya parin ako sa mga nangyari. Kanina pa kakaiba ang tingin sa amin nila padre para bang may halong pang aasar. Ackk gusto ko nalang lumubog sa lupa sa pagkakataong ito.

Nalaman ko na kinuha pala ni Ginoong Andres ang hagdan kanina dahil tapos na daw si Ginoong Dencio mag decoration hindi niya daw napansin na nasa itaas pa ako, Dahil narin sa dilim.

Isa palang Sakristan Mayor si Ginoong Crisanto kung kaya't ganon na lamang ang kanilang pagkabigla ng makita nila ang eksena at position namin ni Ginoong Crisanto kanina. Hindi ko naman sinasadya at hindi ko rin naman alam na mangyayari iyon.

Humingi naman na ng tawad sa akin si Ginoong Andres na siyang nanguha sa hagdan. Siguro ay karma ko iyon dahil hindi rin ako nag paalam kay Ginoong Dencio na kukunin ko ang hagdan.Tama nga sila mabilis talaga bumalik ang karma at sa pag kakatong iyon ay ako ang tinablan.

"Maayos na po ba ang iyong pakiramdam Binibini?" Nag aalalang tanong sa akin ni Deseeree na inabot pa sa akin ang isang halamang dahon na mabisa raw sa pilay. Mukhang kailangan ko ito dahil parang nabalian yata ang likod ko sa pagkakabagsak.

"M-maraming salamat" Nahihiyang tugon ko sabay tapal ng dahon sa likuran ko na kanina pa kumikirot sa sakit. Para tuloy akong may rayuma. Dinaig ko pa si Lolo Rubin at Lola Melanie.

Ngayon ko lang napag tanto na Mabisa pala ang mga halamang gamot at mahalaga sa panahong ito. Dati kasi kapag pinapainom ako ng halamang gamot ni lola na " Sambong, Artamisa, Oregano at Dilaw na luya na pinakuluan " ay itinatapon ko lamang dahil sa mapait at hindi kaaya ayang lasa. Ngayon ko lang napag tanto na mahalaga pala iyon. Nasanay na kasi ang mga modernong tao ngayon sa capsule na gamot at mga machines narin ang ginagamit para maka survive sa sakit at kamatayan.

Bukod sa natutunan kong mag paalam muna bago manguha ng basta basta.Natutunan ko rin na pahalagahan ang mga halamang gamot na ibinibigay sa akin ni lola Melanie. Kinakarma na yata ako huhu.......

Nasa tahanan na kami ngayon ng Jacinto inalalayan ako ni Deseeree na makasampa sa hagdanan. Para akong nirarayuma sa sobrang sakit ng likod ko.

Nagpaiwan naman si Ginoong Crisanto sa simbahan para tulongan sila padre Felipe sa pag aayos at pag d-decoration ng mga puno, Si Charlito ay nasa tiya Lorena muna nila ngayong gabi matutulog. Nagpahinga narin kami ni Deseere , hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Masakit pa ba ang iyong katawan Binibini?" tanong sa akin ni Deseeree
nakaupo ako ngayon sa sala habang nakatulala. Shockks! Napakaripas ako ng takbo papasok sa kwarto ni Deseeree ng makita ko si Ginoong Crisanto na papalabas sa kabilang kwarto.

Mukhang hindi naman niya ako napansin dahil narin siguro sa kakagising niya lang. Gulo gulo pa ang kaniyang buhok ngunit kahit ganoon ay wala parin nag bago sa kaniya pogi parin siya.....

Don't get me wrong ha, a-ano lang gusto ko lang naman i ano yung nakikita ko eh. Walang ibang meaning iyon.

Buong araw kung iniwasan si Ginoong Crisanto, sa tuwing mag kakasalubong kami ay lumiliko ako. Minsan naman ay nag papalusot ako ng kung ano ano para hindi siya mag taka. Kanina pa kasi kami nagkaka salubong. Ang totoo ay nahihiya parin talaga ako sa lahat ng nangyari biruin mo iyon nakitira na nga ako sa kanila binalian ko pa ng buto.

Isa pa ay hindi parin kami nag kakausap mag mula kagabi. Ayoko rin kasi mapahiya dahil alam kung pag tatawanan niya lang ako.

Nasa labas ako ngayon nag papahangin. Iniisip ko rin kung paano ko mahahanap si leonora. Saan ko kaya siya hahanapin. Sa laki ng San Rafino hindi ko alam kung saan siya naroroon. Muli kung inaalala yung mga sinabi sa akin ni Gabriel Arkanghel.

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now