KABANATA 11

34 36 7
                                    

[ Ika Onse]
[Te quiera Senorita 1890]

"Binibining Deseeree Kumain na po kayo" Kanina pa nakatayo si Hasmina sa pinto ng aming silid.

Ilang araw narin ang nakalilipas hanggang ngayon ay sariwa parin ang lahat ng nangyari.

Lumapit ako kay Hasmina na hindi parin pinag bubuksan ni Deseeree, kung kaya ako na mismo ang kumatok sa pinto ng silid, Mabuti na lamang at pinag buksan niya ako.

"Iwan mo na muna kami Hasmina" Tumango naman si Hasmina at Agad na umalis. Pumasok na ako sa loob. Nakatalikod sa akin si Deseeree kung kaya naman umupo ako sa kama, rinig ko ang mahihinang pag hikbi niya, ramdam ko ang sakit at bigat ng kaniyang dibdib.

"Paumanhin Binibini ngunit nais ko na munang mapag isa" May lungkot na tugon nito.

"Binibining Deseeree, Alam ko ang iyong pinag dadaanan hayaan mong samahan at damayan kita.... "

"M-maraming salamat Binibini ngunit ayos lamang talaga ako, maaari ka ng lumabas" Seryosong tugon nito.
Lumapit ako sa kaniya at tinap ang kaniyang balikat bago tuluyang lumabas ng silid. Gusto ko man siyang damayan, ngunit alam kong nais niya ang mapag isa at iyon ang ibibigay ko muna sa kaniya.

Ibinilin ko kay Hasmina na tingnan tingnan niya si Deseeree. Narito ako ngayon sa simbahan upang mag dumalo sa simbang gabi, Ako lamang mag isa ngayon. Isinama ko lamang si Mang Romano na kutsero ng Hacienda Rafino.

Papasok na ako ng simbahan ng biglang bumuhos ang ulan. Malapit narin mag simula ang misa ni padre Felipe, ngunit mukhang dugyot na ako pag dating ko roon.

Patakbo akong nag tungo roon, malayo layo rin kase ang simbahan sa pinag talian ng kalesa ni Mang Romano.

Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pag takbo ng mapahinto ako dahil naapakan ko ang aking saya. Ano ba naman kase ang saya na ito at ayaw makisama sa akin! Hawak hawak ko ang mag kabilang gilid nito habang iniaangat. Kung bakit naman kase ay hindi ko naisipan ang mag dala ng balabal.

Naramdaman kong tila huminto na ang ulan. Huminto na ba ang ulan? Napakunot pa ang mga noo ko ng makitang patuloy parin ang pag buhos nito sa aking harapan. Bakit ganon? Tila hindi yata ako nababasa gayong hindi pa naman tumitila ang ulan.

Luminga linga ako para tingnan kung bakit hindi ako nababasa ng ulan. Agad na napihit ko pabalik ang leeg ko ng makita si Ginoong Crisanto na nakatayo sa likuran ko lamang habang hawak hawak ang Balabal na tumatabing bilang panangga sa ulan.

"Ingatan mo ang iyong sarili, hindi sa lahat ng oras ay narito ako para sa iyo" Seryosong tugon nito habang nakatingin ng diretso sa simbahan. Tsee! Parang ang sama pa yata ng dating ng pag tulong niya sa akin.Hindi ko naman kailangan ang kaniyang tulong! Tsaka isa pa ako ang kausap niya pero lampas naman ang tingin niya sa akin.

Umirap ako at pinasadahan ng tingin ang kaniyang mga maaamong mukha.
Kahit saang anggulo tingnan perpekto talaga ang kaniyang gwapong mga mukha. Ewan ko nga ba kung bakit hindi na lang siya ang taong nagustohan ko.....May pag ka hawig rin naman siya kay Señor lucas... Mas simple nga lang si Ginoong Crisanto.

"Huwag mo akong masyadong pakatitigan, baka hindi mo makalimutan ang aking wangis" Assuming talaga itong si Ginoong Crisanto. Akala naman niya ay pinag papantasyahan ko siya. Iniisip ko lang naman kung bakit hindi ko siya nagustohan gayong perpekto ang lahat sa kaniya. Bukod sa pagiging pilingero!

Tang!

Tang!

Napatalon pa ako ng marinig ang tunog ng kampana. Nahagip naman ng gilid ng mga mata ko ang pag ngisi ni Ginoong Crisanto. Labas nanaman ang kaniyang mapuputing ngipin. Nakakainis talaga ang lalaking ito!

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now