KABANATA 3

78 74 30
                                    

[Ikatlong Yugto]
[Te quiera Senorita 1890]

Isang batang lalaki ang nakatayo sa may tapat ng isang malaking bintana malungkot itong nakatingin sa labas ng mansyon habang pinag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa di kalayuan lumapit naman sa kaniya ang isang batang babae at sinamahan siya sa pag mamasid nakalikod sila parehas kung kaya hindi ko makita ang kanilang mga wangis nakasuot ang batang babae ng mahabang kasuotan habang nakalugay ang kanuyang mga buhok at ang batang lalaki naman ay naka suot ng puting may mangas at puting pang ibaba ngunit kapansin pansin na parang may kakaiba sa dalawang batang nakatayo sa may tapat ng bintana.
Mga anak kakain na tayo!" tawag ng isang ina sa ibaba aakyat sana ang ina.Isang imahe ang nakatayo naman sa tapat ng bintana. Itinutok nito ang hawak hawak na baril sa mag kapatid na nakadungaw sa bintana. Nagulat ang dalawang bata ng makita na nakatutok ito sakanila. Umalingaw ngaw ang isang putok kasabay nito ang pag pagbagsak ng batang lalaki.

"Binibini ano po ang nangyayari sa iyo?" Isang boses ng babae ang naririnig ko " Binibini gumising na po kayo ano po ang nangyayari sa iyo?" Muli kung narinig na sambit ng babae. Teka sino ba iyon ang ingay ingay natutulog yung tao eh.

Teka Binibini?? Pati ba naman pag tawag sa akin ni zhinnea ay kakaiba narin hyst. Siguro nanaginip nanaman ako ng masama.

"Ano ba zhinnea ang aga aga pa at isa pa inaantok pa ako shupii!" Sabay talukbong ng kumot.

"Binibini ayos lang po ba kayo?" Muling sambit ni zhinnea. Pinag titripan yata ako ni zhinnea masyado na rin siyang nahawa kay lola at lolo Rubin napaka makaluma at formal mag salita.

"Ano ang nangyayari dito Deseeree?" Tanong ng isang lalaki. TEKA! Wala naman lalaki sa bahay namin ah bukod kay lolo Rubin. Isa pa sino si Deseeree? Agad na napabalikwas ako ng upo. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung nasaan ako ngayon. TEKA nasaan nga ba ako?

Agad na napatayo ako habang pinag mamasdan ang kwarto na kinaroroonan ko ngayon, Bakit ganito? " Pasensya na po Binibini mukhang naabala ko yata ang iyong pag tulog" wika ng isang babaeng nasa harapan ko na nakasuot ng mahabang kasuotan habang naka tali ang mga buhok. Nakita ko din ang isang bintana na sa isang gilid. Maliit lamang ito at unting sinag lamang ng araw ang pumapasok rito.

Isang lalaki rin ang nakatayo sa pinto nakasuot ito ng mahabang Kasuotan at nakatingin lamang sa akin na para bang may pagtataka. Pinag masdan ko ang sarili ko shockss! Sino ang nag palit ng saya sakin?

Baka mamaya na rape na ako o kaya shocksss! Napatakip pa ako ng katawan habang tinitingnan ang sarili " Anong po ang nangyayari sa iyo Binibini?" Muling tanong ng babaeng nasa harap ko.

Ilang ulit pa akong kumurap kurap para tingnan kung namamalik mata lang ba ako. Pero wala parin nag bago.
"Ahhhhhhhhhhh!!" sigaw ko late "reaction" yata ako dahilan para mag si pasokan ang mga madre. TEKA MADRE? Ahhhhhhhhhh! Bigla na lamang nanlumo ang mga tuhod ko at muling nanlabo ang mga mata ko.

"Muli siyang nawalan ng malay padre" narinig kung wika ng isang babae " Ipa inom mo ang halamang gamot na ito sa kaniya pagka gising niya Deseeree" Wika naman ng isang may edad na lalaki.

"Ikaw na muna ang bahala anak at mag sisimula na ang misa" wika ng matandang lalaki " Opo padre" ani naman ng babaeng nasa gilid ko.

Kanina pa ako gising sinasadya ko lang talagang hindi imulat ang mga mata ko dahil sa takot na baka pag mulat ko ay hindi parin ako nakaka balik sa dati.

Narinig ko na ang kampana ng simbahan na tumunog " Sandali lamang po Binibini at ako'y kukuha ng maligamgam na tubig" Pag papaalam ni Deseeree kahit pa man hindi ko minumulat pa ang mga mata ko.

Te Quiero 3000 Where stories live. Discover now