PANIMULA

7 1 0
                                    


                             *****************
MAYROON, akong kwento tungkol sa dalaga na ang pangalan ay Harem.Ang kaniyang kagandahan ay walang katumbas.Iniidulo ng mga tao.Ang paligid niya ay para nang kaniyang salamin t'wing pinauulanan siya ng mga papuri.Higit pa doon ang kaniyang natanggap.Ang kaniyang talento at mala-diyosa niyang kagandahan ay siyang nagpasikat sakaniya sa harapan ng madla.

Ang talento na 'yon ay sa galing niyang tumugtog ng violin.Nagmula sa puso dahilan ito ay malambot pakinggan,nagpapagaan sa pakiramdam at para kang hinahatak ng dahan-dahan sa paraiso tuwing naririnig ng madla ang kaniyang perpektong ritmo.

Ang madla na iyon ay ang kaniyang mga kaklase.Pumalakpak ang kaniyang mga kaklase at ang guro na nagpresenta sakaniya sa harapan na tumugtug ng violin.Nahihiyang ngumiti si Harem sakanila at nagbigay galang sa lahat.Para siyang isang dyosa dahil sa balat niyang kasing puti ng nyebe,perpektong mukha na kinahuhumalingan ng mga kalalakihan,hindi interestado si Harem.Ang inosenteng mga mata niya at sa tuwing hindi ka sadyang titignan kahit sandali lang iyon ay para ka nang hinihigop kahit walang ginawa si Harem ay para bang hindi maalis ang iyong paningin sa gandahang tinaglay na meron siya.Ang mahaba niyang maninipis na kulay itim na buhok, mayroong hibla ito na maiiwan kapag ito'y sa tuwing tinatanali.

Matapos ang kabuhay-buhay na araw iyon ay bukas na naman may lumapit sakaniya na isang propesyonalista,sa istado ni Harem ay hindi niya kaya magprotesta lalo na ang kaharap niya ay isang propesyonalista.Iginaya siya sa loob ng malaking stage kung saan gumaganap ang mga may talento, hindi niya nararanasan noon.

Nakakabang higpit yinakap ni Harem ang kaniyang violin.Ang naglinyahang mga upuan sa harapan niya ay biglang nilagyan iyon nang kaniyang imahinasyon ng nanonood na mga tao.Tila ba ay hindi siya komportable lalona't hindi niya ito naranasan noon pa man.Kunot noo siyang pinanood ng lalaking propesyonalista habang nilalaro ang kamay habang hinihintay ang kaniyang matagal niyang inaabangan makita.Dinadamdamin ni Harem na kaya niya ito ngunit sa isang iglap bigla nalang siyang tumakbo.

Sa pangyayari na iyon, walang nakakaalam na merong nakatingin sakanila.Isang hindi kilalang lalaki,itim ang buhok at nakasuot ng salamin habang nakapamulsa at walang ekspresyon silang pinagmasdan.Sa hindi maintindihan na nararamdaman ay para bang ang lakas nang kutob ng matipunong lalaki na puti ang buhok na propesyonalista para ilingon ang kaniyang walang ekspresyon tingin sa kaniyang likod.Sa pagitan ng nakapangilabot na nakatagpong tingin ng dalawang matipunong lalaki ay tila kinukwestyon ang tingin na iyon.

Wala'ng gana'ng nakatingin sa isat-isa.At para bang pinag-aralan ang mga kabuuan nito,hindi maiwasan maitaas ang kilay ng propesyonalista.Nanatiling masama ang tingin ng propesyonalista sa nakasalamin na lalaki.Ilang sandali pa ay nginisihan siya lang nito at agad ring bumalik sa walang kwentang blankong ekspresyon sa mukha tumalikod na ito at tinahak ang daan paalis sa lugar na iyon.

Ang nakakabinging katahimikan na bumalot sa propesyonalista.Ngunit kailanman sa oras na iyon ay hindi siya nag-abala magtanong sa sariling isip para bang kilala niya na ang misteryosong lalaki na iyon.Ibinalik niya ang tingin sa stage kung saan tumakbo si Harem.

Napabuntong hininga siya.Sa loob ng isip niya ay hindi niya mapigilan lumigaya.Ang babaeng iyon ay sinimulan siya na mas lalo pang maging interesado sa kaniya.Para bang unti-unti itong kilalanin pa ang buong pagkatao niya.

                     
NAGLALAKAD habang yakap ang case na naglalaman ng violin ngayon si Harem.Kakagaling lang ng practice na kaniyang pinapasukan Unibersidad.Sa kabila ng kahihiyan ginawa niya ay iniwasan niyang makita ang matipunong lalaki na puti ang buhok.Ayaw niya magkaroon ng koneksiyon lalona't pipilitin lang siya nito.Papauwi na siya ngayon sa kanilang tinitirhan habang naghuhumming.

My Missing Piece Where stories live. Discover now