KABANATA 4

6 0 0
                                    

[Kabanata 4]

SA HALIP na magulat ay kumunot ang noo ko sa wika niya sa isip ko. Marahan niyang sinalubong ang tingin ko. Gusto ko pang magtanong pero parang kurap lang ang naigawa ko dahil pakiramdam ko simula pagmulat ko sa malaking kama hanggang sa masaksihan ko ang malaking dragon, at hanggang napunta ako sa malaking balcony upang makausap kami ng maayos ay nanumbalik ang lahat na dapat kanina ko pa ito maramdaman. Tila ba na ito ang katotohanang nagmulat ako sa mundo ito. Hindi na ako pwedeng babalik pa sa mundong nakilala ko.

Napatawa ako. Iyong tawa na dinuro siya. Ang dragon ay mismong tinuro ko habang tumatawa. Napatunghay ako sa kaniya na ngayon ay nagtataka akong tiningnan. "This is crazy!" Iyon agad aking nasabi." Sa tanang buhay ko ay gusto ko nang ganitong uri ng mundo kasama ang lola ko."

"At ang matagal ko nang pinaginip ay nagkatotoo na ngayon."namamanghang dagdag ko pa.

"Harem,"wika niya tila ba na iba ang aking inakala.

"I feel like I'm on the wonderland pero iba lang yung kay Alice. Nahulog siya sa bangin na hindi sinasadya pero ako. Ako mismo ang lumapit sa dagat para lang masunod ang sinabi ng lola ko." Mapait kong sinabi na ikinatigil niya. Lumapit ako sa dulo at hinawakan niyon. Tuloy ay hindi ko maiwasan mamangha sa paligid.

"Hindi ko man maintindihan ang iyong ibang sinasabi ay naintindihan kita ngunit hindi ito ang tamang panahon," nakatungong aniya, mahina, magalang."Batid ko na ang dahilan kung bakit madalang akong binababagabag. Ikinalungkot ko ang nangyari at nakiramay ako sa iyong pagdadalamhati."

Hindi ko siya nilingon sa halip ay mas itinuon ko pa ang magandang paligid."Iyong taga rito ba ay may magandang kalooban?" Inosente kong tanong sa kaniya." Iyong hindi katulad na ginawang pagpaslang sa lola ko?"

Inaasahan kong matigilan siya sa sinabi ko. Hindi niya nagawang sumagot dahil sa pagkabigla na tanongin ko siya ng deretso na gano'n kapait. Maya-maya may narinig akong malakas na kalabog papunta sa gawi namin dahilan sabay kaming napalingon dalawa sa ingay na 'yon. Nabigla man ay mas nagulat pa akong iharang ni Felia ang malaking pakpak niya sa akin upang protektahan ako.

"Ang sino man ay may masamang balak na manakit ay hanggang d'yan lang kayo!"galit na utos niya, ngunit hindi ko makita ang kinakausap niya. Hindi ko mapigilan mamangha sa pagkakasabi niya na hindi ginalaw ang labi, iyong utos na mahinhin ngunit nanlilisik na tumingin sa kung saan. Pakiramdam ko ay wala sino man ang gagalaw sa akin hanggat nand'yan siya sa tabi ko.

"Patawarin mo kami sa aming kilos ngunit hindi namin hangad ang gulo dito." Tinig iyon ng isang babae. Naririnig rin nila?  Mahinhin rin at hindi nawawala sa tuno niya ang galang."Felia? Ano ang iyong pakay at nasaan ang dalaga?"

"Ipangako mo sa akin na wala kayong gagawing masama sa kaniya." tugon ni Felia, natigilan naman akong napatingin sa kaniya. Kinabahan agad ako nang bahagya niyang ibaba ang pakpak niya ngunit agad niya iyon ibinalik nang may sasabihin pa siya."Ibaba niyo ang inyong mga sandata at ibaba ko ang aking pakpak."

"Ibaba niyo ang inyong mga sandata!"maya-maya sumigaw ang isang lalake. Maya-maya ay may narinig ako malakas at sabay-sabay na kalasog. Iyon ay hudyat na ibaba na ni Felia ang kaniyang pakpak.

Dahang-dahan niyang ibinaba ang kaniyang malaking pakpak upang makita nila ako. Bumibilis tuloy ang paghinga ko dahil sa nararamdaman na kaba. Nang makita nila ako ay hindi ko na naman sila matingnan nang deretso. Nakikita kong natigilan sila, pakiramdam ko ay namangha sila sa akin. Napakamot ako sa leeg dahil sa ilang na nararamdaman.

Hindi ko maiwasan mainis ni Felia, sa lahat ng nangyayari ay wala akong maintindihan sa halip sinabayan ko nalang siya.

"Napakagandang Binibini," anang ng isang lalake na may dalang palaso. Napatingin ako sa kaniya dahilan upang ngumiti siya. Napalunok ako nang masulyapan ko pa ang iba na ganon rin ang kanilang reaksyon.

My Missing Piece On viuen les histories. Descobreix ara