KABANATA 2

5 1 0
                                    

[Kabanata 2]

Pagkatapos ang trahedya sa bayan ng Espera ay nakabalik kami ng walang nasaktan dito sa bayan ng Formania.Dumating si Felip at ang grupo ni mang Simon upang iligtas kami laban sa mga tulisan pala,nagkunwari lang ng mga kawal para siguro ibintang ang kasalanan nila sa ibang kaharian.

Pagdating ni Felip at ni mang Simon doon agad nila pinaulanan gamit ang matutulis nilang palaso dahilan hindi matuloy ang pagtapos sa amin.Marami ang nasawi sa mga dumakip sa'min at kalahati naman ang walang hiyang nakatakas.

Ang dalawa nami'ng magaling sa pakikipaglaban--si Felip na isang musikero sa isang teyetra dito sa Formania.Si mang Simon na magaling sa pagtira ng palaso at ang nagtuturo sa mga kalalakihan para lumaban at ipagtanggol ang Formania.

Nagpapasalamat ako dahil wala sakanila ni mang Simon ang napuruhan.Ganoon sila kagaling.Nakakamangha.Kahit ako ay hindi ko maiwasan mamangha lalo na kay Felip na isang matutulis na espada lang ang gamit na hinango sa kaniyang ama,ang pinuno namin.Ang namamahala sa buong Formania na hinango ni Ginoong Orlando Formania ang kapatid ng aming Punong guro na si Ginoong Helandro Formania.

NANDITO,kami ngayon sa isang malaking sala dito sa loob ng Mansiyon Formania.Kasama ang mag-asawa na sina Flores at mang Carlos na nakaupo sa huli habang kami naman ang magkatapat ni Georgia at nakayuko pa kami dahil sa kaba lalo na ang sa sermon ng dalawang kinatatakutan ay nasa harap namin.Si Orland at Helandro na magkatabi at wala na sa wisyo makatitig.Alam kong nag-alala sila at isa na doon ang pagkadismaya nila sa amin ni Georgia.

"Ano satingin niyong dalawa ang ginagawa niyo?!"sigaw ni Orland dahil sa pag-alala."Pinapahamak niyo ang sarili niyo! Paano kung may nangyari sa inyo,ha? Hindi kayo nag-iisip! Pumunta sana kayo dito at ihatid ang balita upang matulungan natin sila aasahan natin yun sa ating tat---dalawang manlalaban natin! Hindi kayo ang pumunta pa doon at ialay ang sarili niyo,kaya ba isa kayong manggagamot hahamakin niyo ang sarili niyo sa kapahamakan basta matulungan niyo lang sila? Pasensya kana mang Carlos ngunit itong dalawang binibini na ito na gusto ko ng kutusan, umalis lang na walang permiso sa akin"Pilit niyang hindi tumaas ang boses niya kay mang Carlos,naiyuko ko agad ang ulo ko nang bumaling siya sakin.

Napatingin ako ni Helandro nang magsalita siya,"Ang mahalaga ay wala sa inyo ang nasugatan,ngunit, iyang tinango mo sa leeg Heisha ay hindi ko na palagpasin."sabi niya habang nakatingin sa akin ng serysoso."Heisha,huwag mo ng uulitin ito, nagkaintindihan ba tayo Georgia at Heisha??"dagdag pa niya at sa pagkakataon ito alam kong pinigilan niya lang ang magalit upang hindi kami masigawan, napatango kami ni Georgia.

"O-opo punong guro" Nakayuko parin kami ni Georgia,naingat lang namin nang tumayo si Orland mula sa pagkakaupo at nagsalita,"Paumanhin mang Carlos,naabutan niyo pa ang ganitong sitwasyon pagkatapos ng trahedyang nangyari sa inyong bayan.Nababatid kong ikaw ay aking matagal na kaibigan, para na rin kitang kapatid..nais ko kayong tulungan, hangad ko ang kaligayahan niyo dito sa Formania kahit papaano ay may maitutulong ako sa inyo,"sabi niya dahilan maliwanagan ang mag-asawa.Gusto kong ngumiti dahil magkasama na kaming tatlo nina Georgia,ngunit hindi ko magawa sapagkat alam kong may kahantungan ito."Nakikiramay ako binibining Flores ang nangyari sa inyong anak..."Nabahid ng lungkot ang lahat nandito sa sala pati rin ang mga kawal at mga kasambahay nabahid rin ang mukha nila ng lungkot.Ilang sandali pa nagsalita muli si Orland,"Bilang isang malapit na kaibigan aking ipagawa ang inyong magiging tirahan sa aming manggagawa sa ngayon ay dumito muna kayo sa mansiyon ng Formania"

"Ginoong Orlando napakabuti niyo ngunit ayaw ko sanang dagdagan ang iyong problema.."

"Hindi iyon mahalaga sa akin--wala iyon sa akin.Ang mahalaga ay mabigyan ng pansin ang sino man ang nangangailangan, isa kana doon mang Carlos, sabay natin aayusin ang gulo upang maibalik ang inyong bayan" Napangiti ako pagkatapos marinig iyon,nakita ko si Georgia na napangiti rin kahit nakatikom ang bibig.Umayos kami nang marinig ang pagtikhim ni Helandro sa harap namin.

My Missing Piece Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu