KABANATA 9

3 0 0
                                    

Author's Note: Ang kahulugan sa salitang 'sapagkat' ay 'dahil' .Samantalang ang kahulugan ng 'batid' ay 'alam' sa madaling salita. Heheh...(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠❤

Kabanata 9]

"Hindi magandang asal ang makinig sa pribadong usapan, Harem, at sapagkat sa ginawa mo ay naapektuhan ka rin sa pinag-usapan nila," rinig kong ani Prinsipe Felip at ibinabad ang mushroom sa apoy na nakatusok sa dala niyang kahoy.

Gabi na pero hindi pa rin sila lumabas mula roon sa tahanan ni Mang Carlos kaya kami na lang ni Prinsipe Felip ang magkasama ngayon. Alam kong mayroon silang hindi pagkakaunawaan dahil sa biglang pag desisyon ni Binibining Heisha na baguhin ang nakasulat sa libro. Nakita ko sa ilang kilometro ang mga kalalakihan at kababaihan na magkasama at may sarili ring apoy sa harapan nila. Kami lang ang naiiba ni Prinsipe Felip marahil ay hinihintay nila ang pagdating ni Ginoong Orlando.

At ayun nga sila, tumayo sila dahil may paparating na dalawang kalesa at sa likod nun ay ang mga kawal. Inalis ko ang kamay ko sa aking pisngi at tiningala sila. Tinanguan ni Ginoong Orlando ang mga likas na Alas na mga taga Espera nang makalabas siya sa kalesa. Nakita kong tanging si Ginoong Helandro ang kasama niya at wala si mang Simon, marahil ay nanatili ito sa palasyo.

Inilagay ni Prinsipe Felip ang dala niya sa tabi at sinalubong ang ama niya pero nanatili lang ako sa inuupuan ko at pinagmasdan sila.

Ano kaya ang pakiramdam magkaroon ng totoong magulang? Masaya rin ba silang kapiling? Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam magkaroon ng magulang dahil buong buhay ko ay kasama ko lang ang aking Lola. Prinotektahan nila ako laban sa
masasama. At ngayon ay wala ng natira sa akin. Pakiramdam ko ay si Binibining Heisha lang ang tanging nagparamdam sa akin ng matinding pagmamahal at pag-alaaga kahit ang totoo ay naawa lang siya sa'kin dahil naalala niya ang anak niyang si Lita.

Kailan kaya ulit ako makaramdam ng totoong pagmamahal?

"Sa akin.." Bigla anas ng kung sino malapit sa pandinig ko kaya mabilis akong lumingon pero wala na naman akong nakita na may kasama ako dito. At pamilyar sa'kin ang boses na iyon! at alam kong siya yung multo nakita ko sa kwarto!

Nilingon ko sina Prinsipe Felip na halatang may seryosong silang pinag-usapan at nakita ko naman ang gulat na mukha ni Ginoong Orlando at mabilis tinalikuran ang anak niya upang pumasok sa loob ng tahanan ni mang Carlos at dali-dali namang sumunod si Prinsipe Felip sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang ako at parang nakalimutan nila akong nandito pa ako. Binalik ko na lang ang kamay ko sa pisngi at napatulala sa apoy.

"Ang lungkot mo naman.." Sumulpot na naman siya at hindi ko alam kung saan. Napabuntong-hininga na lang ako dahil pagod na akong matakot sa kaniya. Echoesero tong lalaki 'to. At kahit saan ay susulpot na lang basta-basta!

"Kailan mo ba ako titigilan, ha?" Inis anas sa kaniya, nauubos na ang pasensya ko sa kaniya. Isa pa siya! Dagdag siya sa sakit ng ulo ko! Umupo siya ng maayos sa tabi ko at pinagkrus ang mga hita at kamay niya at tumingin rin sa tinitignan ko.

Para akong lalaki dahil nakayuko ako at ang kamao ko ay nasa magkabilang pisngi habang nakatukod sa aking tuhod at masama ang paningin sa kawalan. Habang siya naman ay.... ewan ko sa kaniya!

"Sino ka ba talaga? Bakit ka ba sulpot nang sulpot at bakit palagi mo na lang ako ginugulo?!" Inis na sabi ko sa kaniya at hinarap siya pero ang langya kaswal niya lang ako nilingon. Nagulat ako nang inilapit niya ang mukha sa akin habang ang mga kamay niya ay cross-arm pa rin.

"Ginugulo o ikaw ang gumugulo sa isip mo?" Tanong niya sa akin at ngumisi. Natigilan naman ako pero agad ko siya sinamaan ng tingin ngunit hindi niya na ako tinignan pa dahil muli siyang tumingin sa harapan.

My Missing Piece Where stories live. Discover now