KABANATA 6

7 1 0
                                    

[Kabanata 6]

"BAKIT po walang ginawa ang manggagamot sa kaniya? Diba po manggagamot kayo?" Tanong ko kay binibining Heisha pagkatapos niya akong ipinainom ng tubig at pinakain na masarap na pagkain na dala ng dalawang tagapagsilbi. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ngayon kung saan ako gumising kanina at hawak ko ang tasa habang nakatingin sa kaniya.

"Isa nga ako ngunit na kay Flores pa rin ang desisyon," malungkot na sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ano po ang ibig sabihin 'non?" nagtatakang tanong ko. Na kay binibining Flores ang desisyon? Hindi kaya si binibining Flores ang nag desisyon na huwag siyang ipagamot? Impossible. Sino naman ang papayag 'non. Bakit sinunod ang kaniyang desisyon?

"Sapagkat... May nangyari hindi maganda."mapait siyang bumuntong-hininga at tiningnan ako ni binibining Heisha. "Hindi niya kaya pang muling bumangon sapagkat hindi siya makalimot sa alaala ng nangyari nung nakaraan." Patuloy niya pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Kung gano'n may nangyari pala kaya nagkasakit si binibining Flores. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may ideya na ako. Ngunit hindi ako sigurado kung tama ba ako.

"Ano po iyon?" Tanong ko sa kaniya.

"Mahabang kwento, Harem," Nagpilit siya ng ngiti sa akin at hinaplos ang buhok ko at tinitigan ako na parang may naalala sa'kin, "Malaki ang nawala sa kaniya.. Ginawa nang lahat ng manggagamot bukod na sa akin upang maibalik muli ang kaniyang lakas. Bagaman hindi namin magamot ang labis niyang pighati sa kaniyang kalooban." Malungkot na patuloy niya at nakatingin naman akong nakapalumbaba sa kaniya.

Gano'n pala ang nangyari. Pero ano naman ang malaking nawala sa kaniya. Napatingin ako uli ni binibining Heisha bagaman nasa malayo ang kaniyang paningin. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung ano iyon. Pero mukhang pagod na siya. Bigla siyang tumayo saka kinuha ang kumot sa malaking kama at ilagay sa katawan ko.

Kinuha niya ang baso sa kamay ko at inilagay sa mesa. Muli niyang akong hinarap at tinulungan akong ihiga sa kama."Magpahinga ka muna, babalik ako mamaya dito kaya huwag kang aalis. Mamayang hapon ay ipasyal kita, gusto mo bang makita ang buong Formania." Nakangiting tanong ni binibining Heisha sa'kin.

"Opo," sagot ko at napatitig naman siya sa akin at ngumiti.

Hinaplos niya pa ang aking noo at umalis ng kama. Pinanood ko siyang isara ang pinto. Nakita ko siyang ngumiti sa akin ng malungkot bago matunog isinara ang pinto.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko, komportable ako sa kaniyang presensya. Kakaiba ang kaniyang presensya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman. Bumangon ako,bagaman kahit anong gawin kong kumilos ay mahinhin iyon. Ganon nalang ang buntong-hininga ko pagkatapos kong bumangon. Matapos ang sandali ay kinuha ko ang kumot saka umalis ng kama.

Ngunit napatigil ako sa sandaling iyon nang hindi ko maitukod ang paa ko sa sahig. Bahagya akong napatalon at nagtataka nilingon ang kama. Nakahabaghabag dahil hanggang baywang ko nalang ang taas ng kama. Lumayo ako at mabilis humanap ng salamin.

Bagaman malinis na silid ang aking nakita. Maliban sa malaking aparador sa malayo. Puti ang kulay habang ginto naman ang gitna niyon. Lumapit ako sa aparador at gamit ang dalawang kamay ay binuksan ko iyon. Rumerihistro ang paghanga sa aking mukha nang makita ang iba't-ibang mga damit. Bagaman wala sa kanila ang kailangan ko. Napatigil ako nang makita sa ilalim ng mga damit ang kulay kayumanggi na kahon na may simbolo na ibon sa gitna.

Umupo ako at nilingon ang paligid. Muli kong hinarap ang kahon at marahan iyon kinuha. Nilagay ko ang kahon sa sahig at hinanap ang lock. Nang mahanap ay matunog iyon bumukas. Binuksan ko ang kahon pero napatigil at napatitig ako sa laman ng kahon.

My Missing Piece Where stories live. Discover now