KABANATA 7

3 0 0
                                    

Author's note: Kung naguguluhan po kayo kung bakit may halo'ng ingles at malalim na tagalog. Ngunit ang tanging mayroon na Ingles ay  P.O.V ni Harem lamang, sapagkat siya ay nagmula sa modernong mundo kaya gumagamit siya nang ibang lengguwahe. Sa susunod pang mga Kabanata,  P.O.V ni Harem na lamang. (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

[Kabanata 7]

"BUKAS ng umaga ay ihanda mo ang iyong sarili sapagkat ikaw ay sasakay sa'kin lilipad." Basag ni Felia pagkatapos ang mahabang sandali. Agad naman akong napalingon sa kaniya mula kakatitig sa kalangitan. Kasalukuyan kaming naiwang dalawa sa balcony matapos iutos na iwan muna kaming dalawa dahil may pag-uusapan kami. Pero sabay naming pinanood ang araw na lumubog. Naakit kami sa ganda ng kalangitan. At ngayon ay pinanood naman namin ni Felia ang magandang buwan sa kalangitan at mga hindi mabilang na bituin. Para kaming nasa kalawakan. Bagaman hindi pa rin nakalimutan ang tensyon na nangyari kanina sa reyna ng kadiliman. Hindi ko pa rin nakalimutan ang nangyari kanina kaya ganon na lang ang gulat kong napatingin kay Felia.

"Ayoko nga!" Agad kong tanggi at bahagyang lumayo sa kaniya.

"Sasakay, Harem, hindi sasabay." Giit at pagtatama ni Felia sa'kin saka napapailing tumingin uli sa kalangitan. Sabi ko nga sasakay.. Umayos ako ng upo. Hindi ko alam pero lihim akong napangiti dahil ang cute niya tignan dahil umupo talaga siya sa hagdan na inuupuan namin ngayon. Kanina pa ako nakakatwang sa kaniya.

Biglang dumilim ang mukha ni Felia at nilingon ako. Nagulat ako nang masalubong ko ang tingin niya. Hala! Oo nga pala nababasa niya pala ang isip ko!"Huwag mong gawin katuwaan ang posisyon ko baka ikaw ay mahihiya kung pagtawanan kita sa tangkad mo na kinulang na sa dangkal." Deretso'ng saad niya sa'kin at agad naman akong natiklop sa binato niyang salita. Arawch! ༎ຶ⁠‿⁠༎ຶ
"Sanayin mo ang iyong sarili gumamit ng salitang PO o maggalang na salita. Sinasabi ko lang ito sayo dahil mahalaga ang respeto para sa'kin." istriktong dagdag pa niya sa'kin. Nakakatakot niyang magalit!

"Opo,"sabi ko, nauutal.. at tinignan siya."Saan po tayo pupunta?"

Malalim siyang bumuntong-hininga at tinanaw ang nagkakislapang mga bituin sa kalangitan. "Hanggang sa loob lang ng Formania ipasyal ka ni Binibining Heisha. Sapagkat bawal na sa kanila ang lumabas pagkatapos ang nangyari sa bayan ng Espera." Sagot ni Felia. Ang ibig niyang sabihin ay ipapasyal niya ako? Yehey! Tapos sasakay ako sa likod niya. Hmmm! Gusto ko na tuloy dumating agad ang bukas. Pero...

"Ano po ang nangyari sa panahon na iyon, po?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Tumamlay ang mukha ni Felia at malungkot niya akong nilingon. "Niloob ang kanilang bayan sa masasama, nabubulag na sa tindi ng kadiliman." sagot niya sa seryosong paraan. Napalunok naman ako.

"Ang mga mangkukulam po?"

Umiiling siya, saka tinignan ako deretso sa mga mata. Natigilan ako sa titig niya na para bang huwag akong kampante dahil kakaiba ang kanilang mga lakas. "Iba at mas malakas kumpara sa mangkukulam. Isa-isa nilang nilusob ang tatlong nakakaawang bayan. Namarkahan si binibining Heisha at binibining Flores sa kanila."dagdag pa niya at malungkot umiwas saka muli tiningala ang kalangitan. Mayroon pa palang mas malakas sa mangkukulam? Akala ko ay yun na ang pinakatakot na nakilala ko pero meron pa pala. Nakakatakot naman pala ditu!

"Ano po ang namarkahan?" Biglang nakangiwing tanong ko sa kaniya.

Nilingon ako ni Feila at nalulungkot tumungo."Matinding kaparusahan at si Heisha lang ang hindi mas malala sapagkat ang mas malala ay si binibining Flores. Huwag mo na itanong kung ano iyon sapagkat hindi naaayon sa iyong edad ang sagot na ibibigay ko."

"I'm eighteen," bigla akong napanguso, gusto nang magalit.

"Isalin mo sa tagalog, Harem." bigla siyang sumeryoso."Paalala ko sayo, na kahit saan o sino ang iyong makikita at makakasalamuha ay huwag kang gagamit ng ibang wika sapagkat pagkakaalaman kang mangkukulam. Alam mo na ang ibig kong sabihin kaya maghinay-hinay ka sa iyong pananalita lalo na dito sa Kaharian ng Formania. Maaaring mag-isip ka muna bago mo sabihin sapagkat makakatulong iyon upang hindi malaman nila ang iyong pagkatao o...plano." seryosong sabi niya sa'kin at natigilan naman ako. Pasiring niyang iniwas ang paningin sa'kin. Muntik na rin mangyari 'yun na magsalita ako ng ibang lengguwahe. Gano'n pala ang mangyayari kapag nagawa ko iyon? Buti na lang talaga at hindi ko nagawa 'yon. Baka itatapon nila ako o  baka naman sunugin sa harap ng lahat. Ayoko 'non! Niyakap ko ang aking sarili at umiiling nang napakaraming beses.

My Missing Piece Where stories live. Discover now