KABANATA 5

4 0 0
                                    

[Kabanata 5]

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko nang dalhin niya ako sa labas hanggang sa malaking espayo na dinadaanan namin ngayon. Namamangha man ay nand'yan pa rin ang mahinhin kong kilos. Muli kong tiningala ang babae. Saan niya ba ako dadalhin?

Mayroong malaking bintana sa gilid namin kaya nakikita ko ang ilan sa mga kabukiran sa labas 'non. Gusto ko mang sumilip at mamangha ng lubusan ay hinihintay ko nalang bitawan niya ako.

Hawak niya ang kamay ko habang nakangiti naman siyang tinignan ang dinadaanan namin ngayon. Tila bang mayroon siyang ipapakita sa'kin. Kanina nung kasama ko pa ang dragon ay malaya akong nakapagsalita. Pero ngayon ay nagtataka akong kasama ko si binibining Heisha ay hindi na.

"Mahilig ka bang magbasa ng libro?" masayang tanong niya sa akin, umiling naman ako bilang sagot. Natigilan siyang tumingin sa akin at ngumuso. Hindi ko maiwasan magagandahan pa nang sobra sa kaniya. Alam kong mas matanda siya sa akin. But she's childish. How come this beautiful woman being a childish?

Kinutkot niya ang kaniyang kamay. Hinarap niya ako at ngumiti. "Mayroon ka bang gustong gawin?" Tanong niya habang nakangiti. Dahan-dahan ang naging pag-iling ko habang nakatitig sa kaniya.

Totoo, wala naman akong gustong gawin. Maliban ang lumabas at tumakas,hindi ang magbasa ng libro o kung ano-ano. Tiningnan ko lang siya at lumalaylay naman ang balikat niya.

"Alam mo mahilig kami sa musika, gusto mo ba 'yon?" umaasang tanong niya sa akin. Natigilan naman ako napatingin sa kaniya. Musika? Oo, mahilig ako, ngunit pakiramdam ko ay nawalan ako ng gana pagdating nasa musika. Naalala ko ang lahat habang dala ang biyolin ko. Hindi ko gustong gumamit ng kahit anong instrumento maliban sa biyolin na iyon.

Hindi ko alam kung nasaan na iyon ngayon. Pero gusto ko muli iyon mahawakan. Pakiramdam ko ay babalik ang dating lakas ko. At ngayon nawalan pa ako ng gana sa lahat pati na ang pakikipag-usap. Marahil ay dahil may kulang sa akin na hindi kayang pantayan ng kahit na anong uri. Umaasa akong mahawakan ko pa uli iyon dahil pakiramdam ko doon ko makuha ang aking lakas.

"Hindi na ako mahilig," mahinang sagot ko.  Natigilan siya at napakurap-kurap. "Gusto kong makita ang biyolin ko." Pakiramdam ko pati ang pagbanggit ng salita ay nahihirapan ako.

Natutop niya ang kaniyang bibig." Ang iyong biyolin ba ang tinutukoy mo?" gulat niyang tanong sa akin. Napatango ako. Bigla ay nasapo niya ang kaniyang noo.

"Problema ito," Hinarap niya ako, tuloy ay nagtataka akong napatingin sa kaniya.

"Ang ibig niyo pong sabihin ay nakita niyo ang aking biyolin?" Umaasang tanong ko sa kaniya. Natigilan siya at nilingon ang paligid. Kinuha niya ang aking kamay at dinala niya ako sa pinto at binuksan 'yon. Agad niya iyon sinara at bumuntong-hininga.

Nilingon ko ang paligid. Malaki ang kabuuan. Lahat ay estante ng mga libro. Hanggang sa tuktok ang dulo niyon. Sobrang dami ng mga libro. Tuloy ay hindi ko maiwasan humanga sa ganda ng pagkahilera. Ngunit wala akong hilig sa pagbabasa, hindi ko maiwasan manlumo.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit bigla akong nawalan ng gana?

"Hindi ka maari mawalan ng hilig dahil ikakamatay iyon," nasapo ni binibining Heisha ang kaniyang noo. Gulat akong napatingin sa kaniya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mag-kabilang braso ko."Nangyari ito sa aking asawa sapagkat nawalan siya ng interes sa kaniyang kakayahan bilang musikero simula nang gumising siya nang malunod siya sa ilog." patuloy niya at napakurap-kurap naman ako.

"Ang ilog na iyon ay may sumpa. Doon kong saan kita nakitang nakalutang." Dagdag niya at natigilan ako roon. Nakalutang? Ako ay nakalutang sa ilog na may sumpa kaya ako nawalan ng gana sa lahat?

My Missing Piece Where stories live. Discover now