KABANATA 1

3 0 0
                                    

[Kabanata 1]

Masayang naglalaro ng habulan ang mga batang hamak sa gilid ng ilog. Ang mga ina naman nila ay naglalaba at nag-iigib ng tubig ang mga nakatandang kapatid. Ngunit,sa masayang pag-uusap ng mga binibini ay may isang binibini na tahimik lang nakikinig, ang nakaagaw sa atensyon mula doon sa lumulutang.

Tumayo siya upang tingnan iyon. Nagtatanong na tingin ang ibinigay naman ng mga kasama niya sa kaniya.Itinuro niya ang ilog at nagsitinginan naman sila doon,tumayo sila at lumapit.Nauna ang binibini saka walang alinlangan lumusong sa tubig.Sumunod ang mga kasama niya upang tulungan siya.May nakakita sa nakalutang na biyolin galing sa batang babae kanina.Kinuha niya ito at sumunod sa kanila.

Pagdating sa kubo na malapit sa ilog ay dahan-dahan nilang ibinaba ang babae sa higaan.Nagpaiwan ang babae nung nakasaksi sa manggagamot sapagkat umalis na ang mga kasama niya upang ipagpatuloy ang paglalaba at pag-iigib ng tubig.Nag-uusap naman sila at nagtatanong sa mga kasamahan kung sino iyon at saan iyon nanggaling,pero walang sino man ang may ideya.

Sa kubo.

Nag-uusap ang babae at ang manggagamot.Ang sabi ng manggagamot ay hindi maaring magpalaboy-laboy ang babae dahil hindi ito kailanman kabisado sa kanilang lugar.Nalaman ng manggagamot na ang nakahiga ngayon sa higaan ay hindi basta-basta napadpad lang kundi ay ipinadala siya sa hindi malaman ang dahilan.Iyon ang sabi.

Napatango naman ang babae at nilingon ang dalaga na ngayon ay mahimbing natutulog sa higaan.Hindi niya maiwasan mamangha sa angkin kagandahan ng dalaga at nakakaawa naman kung pababayaan niya ito.

Nagsalita ang babae na pangalan pala ay Heisha. Isang napakagandang babae. Mahaba ang buhok at kasing puti ng nyebe ang balat, mapungay ang mga mata,may kaedaran na subalit nangibabaw pa rin ang kagandahan taglay.

"Ako na po ang bahala sakaniya.Huwag po kayong mag-alala. Aking ipangako na hindi siya magiging pabigat rito sa kaharian," Porsigido na ani Heisha.

"Siguradohin mo lang Heisha sapagkat hindi natin alam kung saan siya nagmula at ano ang pakay ng dayo niyan dito"Seryosong tugon ng manggagamot sa kaniya na si Ginoong Helandro.

"Opo punong guro,"Magalang na tugon naman ni Heisha at yumuko.Tumango ang manggagamot sakaniya at tinapik siya sa balikat at naglakad na ito sa labas.

Napahinga naman ng malalim si Heisha,umupo siya sa tabi ng dalaga, pinagmasdan niya ito. Naaawa siya sa kalagayan. Hindi niya maiwasan maalaala ang anak niya sa babaeng natutulog. Nandoon parin ang sakit at dalamhati sa kaniyang pinakamamahal na anak.

Ngunit ang alaala ng nakaraan ay pagababag sa kaniya. Ang anak niyang si Lita ay nadamay sa nangyaring sunog nang ito ay sinaloob at sinunog ang lahat nilang ari-arian. At nadamay ito habang mahimbing natutulog.

Ang pagkawala ng kaniyang anak ay parang isang mahalagang bagay narin ang nawala sa pagkatao niya.Walang makapaglalarawan sa dalamhati ng isang ina.

MABILIS,kong pinunasan ang aking luha na tumulo sa kabilang pisngi ko. Bumukas ang pinto sa bandang harap ko dahilan para pumasok ang liwanag galing sa labas.Isang maliit lang na lumang pagamutan ang kubo na ito, "Heisha anong ginagawa mo pa rito?"mahinahon tanong sa akin ni Georgia.

"A-ahh wala naman,B-bakit?"pinunasan ko ang aking mukha at nagkunwari parang walang nangyari.

Tuluyan siyang pumasok.Sinuri niya ang mukha ko ng tingin at saka napatingin sa tabi ko.Tinignan muli niya ako,"Huhulaan ko.."Hindi na natapos ang pag-isip isip niya nang magsalita ako.

"Tama ka.." Malungkot kong tugon at napatango-tango.Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya, umupo siya sa tabi ko."Nakakaawa siya.Ang sama ng ginawa nila.Ano kaya ang ginawa nila sa kaniya..itinapon? Inabandon? Kanino?" Tuloy ko pa ngunit hindi ko natapos ang sasabihin ko nang hinawakan niya ng marahan ang kamay ko para pakalmahin.

My Missing Piece Where stories live. Discover now