KABANATA 3

8 0 0
                                    

[Kabanata 3]

"Harem,bumangon ka! Hindi ka dapat matulog.Ang iyong mga katanungan ay hindi nasasagot kung hindi ka kikilos.Bumangon ka,bago pa mahuli ang lahat!"

"Harem, naririnig mo ba ako? Gumising ka!"

KUMUNOT ang noo ko sabay mulat ng dahan-dahan sa aking mga mata.Bumangon ako at hinawakan ang aking ulo,ilang sandali pa ay may naramdaman akong maliit na bukol doon.Tiningnan ko ito kung may bahid ba ng dugo.Naalala ko ang batang lalaki na gumawa sa akin nito.Hinawakan ko uli ang ulo ko kasabay nun ang pagtingin ko sa paligid.

This room is so freaking big at may sarili pang malaking balcony sa labas. Merong nagkakakintaban na mga white roses at buhay na buhay na green vines sa bawat gilid ng dalawang bintana kung saan ang nasa gitna ng mga ito ang daan papunta sa veranda.Talagang napakagandang tignan ang mga iyon.Napatingin ako sa sarili.Ang suot kong school uniform ay napalitan ng puting pampatulog.

Nasa langit na'ba ako?

Sinampal ko ang mukha ko ng isang beses.Yung sampal na dapat magising ako sa katotohan.Mukhang hindi tumalab iyon dahil nandito parin ako sa loob ng silid na ito.Hinahaplos ko ang aking pisngi dahil sa hapdi.Baka ito na nga yung katotohan.At bakit pa nga ba ako babalik kung lulunurin ako ng mga katanungan doon.

Kung ito ang langit, baka nandito rin si lola!

Umalis ako sa gilid ng kama dahil naisip kong hanapin si lola at sakto pagdikit ng mga paa ko sa sahig ay napansin ko ang anino na parang lumilipad dahil sa bilis nitong gumalaw pababa at paitas.Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko papunta sa anino na iyon.

Pagtingin ko,bumungad sa akin ang matutulis na ngipin at ang kaniyang m-mukha na nakadikit pa sa bintana,ngumiti ito na para bang nasiyahan nakitang gising na ako.

Kakaibang kaba ang bumalot sa pagkatao ko nang maharap sa totoong buhay ang isang malaking halimaw.Napaatras ako nang mapaatras.Tatakbo sana ako malapit na pinto ng binanggit niya ang aking pangalan at doon nalang ako natigilan.Napalingon ako at humakbang palapit.Hindi ko alam saan nakuha ang aking lakas na loob bagaman gusto kong usisahin kung bakit paano niya nalaman ang aking pangalan.

"Sino ka?"tanong ko.

"Ako si Felia, isa akong dragon. Huwag kang matakot hindi kita sasaktan.Nandito ako upang ipabatid sa'yo ang kailangan mong malaman."

"Anong dapat kong malaman? Ano itong lugar na ito? Nasan ako?"sunod-sunod kong katanungan.

"Huminahon ka..Isa-isa kong sasabihin sayo ang bawat katanungan mo kaya makinig ka."ani ng dragon." Ikaw ay hindi tao, Harem." Napabuntong ani ng dragon, huli na ako para magulat.Sa halip ay mataman ko siyang tinignan."Ipinanganak ka sa mundong ito." paninimula niya,hindi ko kayang handa ko ba siyang pakinggan,naikuyom ko ang dalawang kamao ko at pilit na makinig sa kaniya.Nabuhay ang aking kakaibang pakiramdam kasabay ang luha na namumuo sa mata ko nang magsalita siya."Nagkataon na pulang buwan ang panahon na iyon nang ipinanganak ka.Tumakas ang iyong pamilya sa malayong lugar ngunit dito sa kaharian lamang kaya mabilis nahanap.Nahuli ang iyong mga magulang sa kaharian ng kadiliman at pinaslang doon.Dahil..hindi sila nagsalita kung nasaan ang sanggol na ang kanilang sariling anak.Ayaw nilang mapahamak ka kaya.Isang matandang babae ang kumupkup sa iyo na iyong napagkamaalangang lola.Itinakas ka sa malayong lugar, doon sa modernong mundo kung saan hindi ka mabibilang sa tunay mong mundo."

"Bakit sinasabi mo ito sa'kin? Kung ang mga magulang ko ay pinaslang ng sinasabi mong kadiliman.Bakit hindi mo sila niligtas? Isa kang dragon.Pero lahat nang nakikita mo ay sinasabi mo sa akin.Ang batang matagal na nilang hinahanap pero nasa ibang mundo na nangungulila sa mga magulang.Nasaan ka noong mga panahon iyon?"pinigilan kong lumampas sa limitasyon ko, gayo'ng isa itong dragon ang nasa harap ko.

Masyadong mabigat kainin ang sinasabi niya.Ayaw kong tanggapin ngunit iyon ay katutuhanan.Isang katotohanan sa isang tanong mo lang.At sa huli magsisi ka na nagtanong kapa at tanongin ang sarili kung bakit? Bakit ako pa? Bakit mangyari sa'kin ito? Ano ba ang kasalanan ng buong pamilya ko?

Nadagdagan ang aking tanong.Nangangapa ng mga sagot sa nabuhay na katanungan.

"Dahil ako ay isang dragon lamang," iyon ang sagot niya na mas lalong nadagdagan ang aking inis.

Pakiramdam ko ay gusto kong matawa sa sagot niya ngunit hindi maibsan ang aking nararamdaman."Wala pa akong sampong dangkal sayo pero namamaliitan kana sa sarili mo?"hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para itanong sa kaniya iyon."Hanep!" napaiwas ako ng tingin para ibulong 'yon.Narinig niya man o hindi,wala akong pakealam.Satingin ko nga ay nadagdagan ang aking sama ng loob sa nakakalungkot na sinabi niya.

Nagbaba ng tingin ang dragon."Wala akong kapangyarihan dahil iyon ang ipinagkaloob ng diyos sa akin.Ang aking kakayahan ay nakabasé sa kalagayan ng mundo."makahulugang sagot niya kaya muli akong mapatingin sa kaniya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"naiinis man ay gusto ko itanong iyon.

"Kabaliktaran ang aking kakayahan.Kapag ang mundo ay na'sa masamang ihip ng hangin, ako ay manatiling buhay.At kapag na sa ayos na ang lahat,ako ay mamamatay."

To be Continued....

My Missing Piece Where stories live. Discover now