KABANATA 8

1 0 0
                                    

[Kabanata 8]

"HUWAG,mo muna sabihin sa kaniya ang tungkol sa propesiya. Ang bata pa niya upang harapin ang iyong sinasabi," nagising ako sa boses ni Binibining Heisha galing sa labas ng pinto. Namalayan kong narito ako nakahiga sa kama. At wala rin si Felia baka umalis na siguro para bumalik sa kanilang kaharian. Kailangan na siguro siya ng matandang Talyus.

"Nag-alala lang ako para kay, Harem."

"Naintindihan kita,"

Bumukas ang pinto kaya napatingin ako sa kanila. Bumangon ako nang makita si Binibining Heisha at ang kaibigan niya lumapit sa lamesa habang may dalang pagkain. Sandali akong napalingon sa aking mga paa ng igalaw ko na nang maayos iyon pareho. Wala ng mahinhin na kilos at hindi na masakit ang talampakan ko.

Mabilis ako umalis ng kama dahilan para lingonin nila ako. Tumalon ako ng tatlong beses at nagagalak pumalakpak sa sarili nang malaman na wala nang problema sa'kin.

"Hala, Heisha! Satingin ko mali ang pinainom mong potion sa kaniya. Tingnan mo bigla tumatalon nang mag-isa!" Narinig kong takot na sabi ni Binibining Georgia habang tinuturo ako kay Binibining Heisha. Nakita kong nahawakan ni Binibining Heisha ang puso habang nakatingin sa'kin.

Umiikot pa ako habang tumatalon papunta ng malaking espasyo sa kabuuan ng kwarto. Masaya lang talaga ako dahil totoong masigla na ako at wala namang talagang problema sa'kin. Trip ko lang sila takutin ni Binibining Heisha. Napatigil ako nang pumasok ang isang ginoo sa pinto. Mabilis akong tumigil at humarap sa kanila.

"May problema ba dito? Bakit kayo sumigaw sa gitnan ng tulog ko? Diba sabi ko sa inyong---gising ka na pala, Harem." sabi ng ginoo at napatingin sa'kin. Lumapit siya sa'kin pero nagsalita si Binibining Georgia habang nakakapit sa braso ni Binibining Heisha na natigilan pang nakatingin sa'kin.

"Helandro, maghinay-hinay ka... Sapagkat ang batang iyan ay..." kinakabahang sabi ni Binibining Georgia at tinuro ako. Bumuntong-hininga naman ang ginoo saka tumingin sa'kin. Mukhang akala nila siguro na sinapian ako. Sumayaw kaya ko sa harap nila ng The dancing lady? Psh, ang panget ko naman tignan 'non! Gusto ko ilabas ang lahat ito ngayon sa halip na mag exercise. Tama, tama! Maganda iyon kapag umaga.

Umiiling na lumapit si Ginoong Helandro sa'kin at kinuha ang salamin sa loob ng kaniyang roba. Tumingin siya sa'kin at inayos ang suot niyang salamin. Kunot-noo siyang lumapit. Pero umatras siya bigla nang itaas ko ang mga kamay ko habang nakatingin sa kaniya at sumigaw ng rawr!

Tumakbo ako sa kaniya kaya naman napatakbo rin siya. Nakita kong sumigaw si Binibining Georgia at nabitawan si Binibining Heisha na natatawa pinanood kami. Parang alam na niya ang ginagawa kong kalokohan. Sa huli, sina Binibining Georgia at Ginoong Helandro ang sinugod ko hanggang napunta kami sa labas ng kwarto.

"Tumigil ka!" Sigaw ni Ginoong Helandro sa'kin. Seryoso ang mukha niya habang inuutusan ako. Pero nakikita pa rin sa mukha niya ang takot."Tumawag ka ng albularyo!" utos niya kay Binibining Georgia.

"Ayoko, ikaw na lang kaya!" Sagot ni Binibining Georgia at siya naman ang nilingon ko at nag-rawr! Biglang siyang tumalon na parang may nakakapit na uuod sa malaking palda niya. Tumakbo siya papalapit kay Ginoong Helandro at tumalon sa kaniya. Hinawakan naman agad ni Ginoong Helandro upang hindi mahulog. Parang bridal-style na ngayon ang lagay ni Binibining Georgia.

Napalingon ako kay Binibining Heisha na marinig ang tawa niya na pinanood pala kami sa gilid ng pinto habang nakasandal. Natatawa niyang sinenyasan na lapitan ko ang dalawa. Kaya naman nilingon ko ang dalawa na parehong takot napatingin sa'kin.

Napaatras si Ginoong Helandro habang naka-alay pa rin sa likod ni Binibining Georgia upang hindi mahulog. Tinaas ko ang dalawang kamay ko at muling sumigaw ng rawr! Dinagdagan ko pa ng isang level ang sigaw ko.

My Missing Piece Where stories live. Discover now