KABANATA 10

1 0 0
                                    

[Kabanata 10]

BIGLA NALANG, ako nagising at naramdaman ko agad ang nakakaliti na bermuda sa pisngi ko. Bahagya akong nakatalikod habang nakahiga sa bermuda. Marahan akong bumangon at nilingon ang paligid..

Woaaahhh.....Sobrang gandaaa!

Teyka... Nasa paraiso ba ako?

Gano'n pa rin ang suot kong Jumper dress...

Hindi ko napigilan mamangha sa paligid kahit mga puno lang ang nasumpungan ko at ilog na malinis sa harap ko at mayroon ring bermuda sa kabila, mayroon pang marahan na pagtunog ng pag-agos ng ilog, napaangat ako ng tingin nang marinig ang huni ng mga ibon. Nakuha ang intensyon ko agad sa mga iba't-ibang kulay na paru-paru na naglalalaro at natutulog sa mga bulaklak!!

Pero... Nasaan ako?

Bakit ako nandito..?

Teyka... Patay na ba ako???

Naalala ko bago ako nawalan ng malay ng umilaw ang paligid ko habang nagbi-biyolin ako sa harap ng katawan ni Binibining Flores. Tinignan ko ang mga kamay ko ...Nagtagumpay ba ako?

Naging mas komplekado kong alalahanin ang lahat, pero isa lang ang alam ko, naging mas malakas ang kapangyarihan nagawa ko at mas lalong hindi na maipaliwanag ang tensyon nang mas binilisan ko ang pagtugtug at naramdaman ko na lang na dinala ko ang sarili ko sa ibang enerhiya.

Kakaiba sa pakiramdaman... Munit bakit kailangan akong narito...

Natigil ako nang marinig ang pamilyar na silindrino kaya mabilis akong lumingon sa paligid at hinahanap ang pinanggagalingan ng silindrinong iyon. Halos hindi na ako makakaanduga sa paglingon at hinahanap ang silindrino! Alam kong sino iyon!

Alam ko ang kanta'ng iyon!

Umalis ako sa lugar na yun at tumakbo! Parang gusto kong maiiyak dahil sobrang miss na miss ko na ang silindrinong iyon...

Huminto ako at hinanap sa paligid ang silindrinong iyon. Muli akong tumakbo kasabay sambit sa aking Lola Amy..

"Lola!" sambit ko at nararamdaman kong malapit na ako sa kanya!

At ayun nga sya.... Lola Amy!

Nakasuot sya ng puros puti at ang haba rin ng manggas nya. Ang naghahalong itim at puti nyang buhok ay naging putos itim na ngayon. Nakatalikod naman sya sa akin habang nagtutugtug ng silindrino sa harap nya at isang hakbang lang nya ay mahuhulog na sya sa bangin!

Marahan akong lumapit sa kanya. Katamtaman lang ang ihip ng hangin munit... parang sumikip ang dibdib ko dahil hindi man lang sya lumingon sa akin.

"L-lola..."

"Ito ang mundo na pinagmulan natin, Harem" sabi nya at ibininaba ang silindrinong hawak nya munit hindi sya lumingon at sinuyod lang ng tingin ang nasa harap nya.

Malawak at sobrang laki ng kapatagan sa ibaba at nakita ko roon ang apat na Kaharian na napakalayo ng mga agwat. Parang ipinakita nito kung sino ang mas makapangyarihan na Kaharian. Una kong nasumpungan ang Kaharian sa napakalayo ngunit makikita pa rin ang laki nito. Munit, sa ibabaw nun ay napakadilim at parang may apoy sa ilalim nun at kasama pa nito ang kidlat na para bang hindi na ito mawawala at kasama na ito sa kanilang Kaharian. Napakalakas ng enerhiya ang nararamdaman ko at hindi ko napigilan matakot sa pagbilaan nang pagtayo ng mga balahibo ko... Ang Kaharian ng Apoy.

Napatingin ako kanan sa malayo nun at pamilyar ito sa akin. Ang Kaharian ng Formania, nasa pangalawang bilang agad ang nasabi ko katulad nang kinuwento sa akin ni Binibining Heisha na ang Kaharian ng Formania ang pangalawa sa lahat ng pinakamalakas ng Kaharian. Hindi ko pa man lubos na nakilala ang tradisyon at kwento nilang lahat, subalit alam kong mabubuti sila... Munit malaki pa rin ang hindi ko alam ang tungkol sa kanila dahil parang may magulo silang istorya. Kahit gano'n ay masaya akong napunta ako sa puder nila... Kahit hindi ko pa man alam ang tungkol sa iba pang mga Kaharian ay nagpapasalamat akong inilagay ako sa kanilang Kaharian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Missing Piece Where stories live. Discover now