Chapter 06

18.8K 666 175
                                    

Chapter 06

I felt like I was going out of my mind! Gustung-gusto kong magrant about Lui, pero wala naman akong masabihan. Hindi ko masabihan si Alisha kasi nagsabi naman na siya sa akin na 'wag kong patulan si Lui... I mean, tama naman siya. But still, sabi nga nila, the heart wants what it wants! Ano ba naman ang laban ko 'don?

Saka the review season is draining as it is... medyo nakokonsensya ako if guguluhin ko pa si Alisha with my boy problems. Mamaya ma-distract pa siya sa sakit ng ulo sa akin. I would never forgive myself if magka-problem siya sa BAR dahil sa mga kaartehan ko.

Instead, on my free day, I would just read on forums like Quora or Reddit. Sometimes, Tiktok but I felt strongly against Tiktok. It's like a... quicksand. Na sabi mo may isang video ka lang na gustong panoorin tapos biglang hindi ka na naka-alis doon kaka-scroll kasi na-figureout ng algorithm kung ano ang gusto mo.

Parang si Lui, come to think of it.

When I first saw him, I told myself na reward ko lang siya para sa hard work ko nung fourth year... But then I had fun... Told myself one more time... It wouldn't hurt... Tapos ito ako ngayon, na-stuck na sa quicksand named Lui.

Sabi nila, this setup usually doesn't work kasi may isang party na nagkaka-feelings (aka me) kaya may masasaktan. Pero sabi din naman sa isang comments, possible naman daw basta magset ako ng clear boundaries. I thought clear na iyong no sleepover saka no double texting rule ko, pero parang hindi pa enough. Gusto ko nga ring dagdagan na no romanticizing him pero parang ang hirap nito. Every time I'd see that guy? My imagination runs amok.

'Yan lang ang ginawa ko buong Sunday and mas lalo lang akong na-stress nung nakita ko na karamihan sa mga kasabay kong mag-e-exam ay nagrereview pa rin. God, nakaka-guilty naman magpahinga!

"Ano ba 'yan," I uttered to myself nung sabay kaming dumating ni Lui sa may review center. Magkatabi din iyong sasakyan namin. I was waiting for him na lumabas na sa car niya para mauna na siya sa room, but he wasn't going out.

After checking my reflection at the mirror, lumabas na rin ako. I really didn't want to overthink nor to put colors into his actions, but ang coincidence naman na nung lumabas ako at saka rin siya lumabas sa car niya.

Sasabihan ako ni Alisha na delulu pero how not to kapag may mga ganitong 'coincidences?!'

"Morning," he said when he saw me.

I gave him a small nod. "Morning," I replied as I tried my hardest na 'wag pansinin kung gaano siya ka-cute while he was wearing sunglasses. I mean, totoo naman na mataas iyong araw... but still, sunglasses in review class?

Sabay kaming naglakad papasok ni Lui. Nung malapit na kami sa classroom, binilisan ko iyong lakad ko para mas mauna akong pumasok sa room. Ewan ko ba... ayoko lang siguro i-ask pa ako ng mga sis ko if bakit kami sabay ni Lui. It would bum me out real bad kung kailangan ko pang i-explain sa kanila iyong situation ko.

I sat on my seat, brought out my laptop, and told myself to forget about Lui and his commitment issues and to just focus on the review class.

The whole morning session, nagdiscuss tungkol sa mga sagot sa Civil Law mock bar. Sabi ng ibang friends ko na lawyer na ngayon, mas mahirap daw talaga iyong mock bar kaysa sa actual BAR. 'Wag daw ako masyado mabahala kung 'di ako naka-sagot sa mock bar. So, that's what I told myself habang nagdidiscuss at parang nasa kawalan niyong mga sagot ko.

Nung lunch time, hindi ako sumama sa mga friends ko kumain. I knew that they'd be discussing the exam again and I really didn't want to listen to them. Ayoko kasi talaga na pinaguusapan iyong mga sagot sa exam. For me kasi, what's done is done. Sa kanila naman, to learn from their mistakes and avoid it in the future. Ang sa akin pa rin, out of sight, out of mind.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon