Chapter 07

19.8K 627 206
                                    

Chapter 07

'Wru? Study out tayo? I'm going insane.'

Naka-tingin ako sa text ni Alisha sa akin. Back then, I'd always disliked girls who'd ditch their friends para sa boyfriend nila. Mas nakaka-inis iyong mga hindi magpaparamdam kapag may boyfriend sila tapos biglang magpapa-kita kapag break. Tapos kapag okay na ulit sila o may bagong boyfriend na, magdidisappear na naman.

But maybe Lui really performed some kind of voodoo on me.

'Sorry can't right now :((( Next week promise.'

I felt guilty. Gusto ko rin namang makasama si Alisha sa review, but with Lui, I really felt like I was on some kind of borrowed time. Ilang beses niya ng nabanggit sa akin na 'wag ko siyang seryosohin. I was trying my best to do just that. Sometimes, though, some feelings would slip through the crack... but then I'd always remind myself na hanggang BAR review lang 'to.

At best, I had a few months... maiintindihan naman siguro ni Alisha kung gusto ko lang sulitin iyong oras.

'Here.'

Agad na kinuha ko iyong mga gamit ko nung ma-receive ko iyong message ni Lui na nasa baba na siya. Dumiretso ako sa sasakyan niya nung nakita ko na naka-hinto iyon sa labas ng condo ko. I got in his car and he just gave me a small nod. I saw him stretching his neck and then putting his left hand on his nape.

"Okay ka lang?" I asked him.

Napa-tingin siya sa akin. "Yeah, why?"

"You look kinda off," I told him.

I mean, I didn't really know kung ano kaming dalawa. Ayoko rin namang isipin kung ano kaming dalawa. Ang goal ko lang ay magreview at saka mag-enjoy. Kasi based on experience, tuwing iniisip ko kung ano kami ni Lui, nagkaka-migraine lang ako.

So, I decided na maging in denial at delulu muna ako at least kahit ngayong review period lang.

"Medyo masakit lang 'yung ulo ko," sabi niya sa akin.

I looked at his face. Halata na pagod siya dahil sa mga mata niya. Siguro masyado lang akong laging naka-tingin sa mukha niya kaya napapansin ko kahit konting pagbabago lang.

"Natulog ka ba?" He nodded. "Ilang oras?"

He shrugged. "Four?"

"Akala ko ba nurse ka? Bakit 'di mo alam na masama 'yang ganyang tulog?"

He turned his head to look at me. He gave me a small smile kaya nakita ko na naman 'yang bwisit na dimples niya. "You're worried about me," he stated, cocking his head to the side.

I scoffed. "Feeler ka talaga," sabi ko sa kanya tapos ay natawa lang siya. "Di mo ba alam na ang golden rule sa review ay bawal magka-sakit?" sabi ko. "Besides, sabi sa akin, kailangan daw na ayusin natin 'yung body clock natin na aral sa umaga tapos tulog sa gabi. Kasi kapag hindi, baka antukin tayo sa mismong exam."

He was just staring at me—a little too long for my comfort kaya naman nagsimula akong makaramdam ng pagkakailang. Hindi ko talaga kaya na naka-titig sa akin si Lui. Pakiramdam ko ay malulusaw na lang talaga ako.

"So, what do you suggest that we do?" sabi niya tapos ay napa-tingin sa orasan. It was quarter past 7PM. "Uwi na lang ba ako?"

Uuwi na lang siya? I had looked forward to seeing him tonight. For the past week, sabay kaming nag-aaral sa study hub. I had grown fond of our little routine. Susunduin niya ako around 7PM tapos sabay kaming pupunta sa study hub. We'd study there until 11PM tapos ay pupunta kami sa condo niya. Then uuwi ako around 2AM. Tapos ay papasok ulit ako sa review center.

Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon