Chapter 16

15.7K 644 112
                                    

Chapter 16

Rinig na rinig ko na iyong tunog mula sa drums ng mga school. Actually, kanina ko pa sila naririnig pero hindi ko na lang sila pinapansin kasi kailangan kong magfocus sa Ethics at Legal Forms. Sabi ni Atty. Serrano, kahit minor subjects lang 'yon, magfocus pa rin ako kasi every point counts... which is true naman kasi kung titignan mo iyong list ng top 10, minsan e isang puntos lang ang difference ng top 1 sa top 10.

"Okay. Final na 'to," I uttered to myself after kong i-check ulit iyong mga sagot ko. After I passed, kinuha ko na iyong mga gamit ko saka lumabas na ako. Pagka-bukas na pagka-bukas ko pa lang ng pinto ay mas lalo ko lang narinig iyong tunog ng mga drums.

Excited na ako lumabas. Nandyan kasi sila Mama sa labas at naghihintay sa akin... although 'di ko alam kung paano kami magkikita dahil sa sobrang dami ng tao.

"Thank you," naka-ngiting sagot ko sa lahat ng mga tao na bumati sa akin ng congratulations. I felt warm in my heart... saka achievement na rin 'to. Naaalala ko kasi nung first year ako, bilib na bilib talaga ako sa mga barista. Kasi alam mo 'yon? Paano kaya sila nakarating don? Kasi first year pa lang e pasuko na iyong buong pagkatao ko.

Tapos... nandito na rin ako ngayon.

Saka kung papalarin, abogado na rin ako sa mga susunod na buwan.

"Sis Tali," napa-tingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Nakita ko iyong buddy ko na may hawak na flowers, sash, at saka balloons. Inabot niya sa akin iyon at saka sinuot sa akin iyong sash. "Congrats for finishing the BAR exam po!"

I smiled at her and thanked her. Grabe.... 'di ko rin alam kung paano ko masusurvive iyong buong season na 'to kung hindi dahil sa kanya.

"Nandon po iyong ibang mga sis," sabi niya sa akin kasi naka-abang siya dito sa may bandang unahan. Ang dami kasi talagang tao. Ang ingay-ingay din. Ang dami ding pulis sa paligid.

Pero wow.

Tapos na ako.

Akalain mo 'yon? Natapos ko iyong BAR exam—hindi ako iyong tinapos non.

Wow.

Ayoko namang maging bastos kaya naman sumama ako sa kanya. I planned to just thank everyone for all the hard work para sa BAROPS namin. Hindi rin kasi biro iyong ginagawa nila—I should know dahil ginawa ko rin naman 'yan nung undergrad ko. Magpapasalamat lang ako tapos aalis na rin sana ako...

"Congrats," sabi ko nung makita ko na nandito na rin si Alisha.

She was looking at me. "Congrats," she replied.

They're probably aware sa naging issue kasi ramdam ko na naka-tingin lang sila sa amin. I was starting to feel awkward kaya naman mabilis kong niyakap si Alisha. Naramdaman ko iyong pagka-bigla niya.

"I miss you," I said while hugging her. "I'm sorry. I was a bad friend. Bati na tayo, please?"

Akala ko tapos na iyong kaba ko dahil tapos na iyong BAR exam... pero kabado pa rin ako habang naghihintay sa susunod na gagawin ni Alisha.

"Of course. Duh. I missed you, too," she said as she returned my hug. "Let's have dinner soon, okay?"

"Yes, yes, please," agad na sabi ko sa kanya.

Nagstay ako for a while kasama iyong mga sis ko kaya lang ay umalis din ako para hanapin naman iyong pamilya ko. I tried calling them, pero ang hina ng signal. Siguro dahil sa dami ng tao. Ewan ko ba.

I kept on looking around for them nang mapa-tigil iyong mga mata ko nang makita ko iyong frat ni Lui. I didn't mean to, but my eyes scanned their group to look for him... pero hindi ko siya nakita doon. Baka nasa loob pa siya? Ewan. None of my business.

Game Overحيث تعيش القصص. اكتشف الآن