Chapter 2

5.2K 179 3
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nagreresearch ng history ng K-Pop.  Katatapos lang namin kasi sa History ng Korean Music tapos yung mga kaklase ko nag request na pagaralan din ang Modern Music ng korea which is now known as K-Pop. Okay lang naman sa akin dahil K-Pop fan din naman ako pero sasakit nanaman panigurado ang ulo ko dahil halos sakanila ay puro EXO na ang laman ng bibig.

Magpprint na sana ako ng research ko pero wala nang papel. Nakakatamad pa nama, may katamaran din kasi ako tulad niyo, diba? Pumunta na ako sa luma kong kwarto at doon naghalungkat.

Pero laking gulat ko nang may mahulog kasabay ng pagkuha ko sa mga papel. Dahan-dahan akong yumuko at nagdasal na sana ay mali ang iniisip ko. Sana.. sana hindi ‘yun yung--

Tinignan ko ‘yung nalaglaga, Isang Infinity Necklace. Hinawakan ko ang leeg ko, pero natandaan kong kinuha na nga pala niya yung necklace na ‘yun. Umupo ako sa lapag at nasapo ko na lang ang ulo ko.

IM IN TROUBLE

"Deal is a deal, sasaeng fan." paulit ulit na tumakbo sa isip ko ang sinabi niya. Deal.. nak ng tupa!

"Aamin ako kahit na hindi naman talaga? ARGH!! NASAAN ANG HUSTISYA?"

Papatayo na sana ako nang bumukas bigla ang pinto ng kwarto at tumumbad sa akin ang kambal ko na pulang pula at hingal na hingal. di ko pa pala nasasabi.. may ari ng condo ang pamilya naming kaya sa condo kami nakarita, may tigiisa kaming unit bilang kwarto namin. Dahil mahal na mahal nila ako,ang unit ko ang nasa 5th floor at ang kay Jessie ang nasa 2nd. Kapag may nagagawa kaming kabalastugan, hindi pinapa operate ang elevator. Kaya ngayon nalaman ni mama na bagsak kami parehas sa Dance Performance Task namin ni Jessie, isang week ng pag exercise ang gagawin namin. No elevator!

Bakit naman kaya nandito ‘tong si Jessie? Eh nasa 2nd floor ang kwarto niya. ‘Di naman masyadong nag aaakyat ‘yan lalo na ‘pag ganito ang sitwasyon.

"A-andito sila! Omg! Dalian mo!!” Nagtititili siya sa harap ko.

"Ano? Pwede ba paki ayos! ‘Di kita maintindihan!" Pagkasabi na pagkasabi ko niyan habang naka taas pa ang kamay ko na kung nasaan ang infinty necklace na pinoproblema ko ay nakarinig ako ng "TING!" sa labas na sa tingin ko ay ang elevator.

"Ang ingay mo, bahala ka diyan sasabihin ko kay mama na bagsak ka pati sa Math!” Tinakot ko muna siya bago lumabas ng kwarto. Akala ko kasi si mama ‘yung lumabas ng elevator.... akala ko pina operate na nya ulit.. akala ko siya....

Hawak hawak ko pa man din yung necklace.. "Nahanap mo na pala yung iyo, sasaeng."

Tumigil ang takbo ng oras at ang pagikot ng mundo. Tinignan ko yung nagsalita... Si Kai. Sa harap ko. At wala na akong takas pa.

"Im looking forward tomorrow." Nagsmirk pa siya at pumasok na ulit sa elevator. Pero bago pa masara yung pinto, hinarang ko ang mga kamay ko at kusang bumukas ulit ito.

Pero mali pala ang ginawa ko dahil spell awkward? Kami. Ang balak ko sana ay iexplain ang lahat ng nangyayari pero naunahan ako ng awkwardness. Hindi ako nakapagsalita dahil akala ko mambbwisit siya sa loob ng elevator pero hindi, ang tahimik niya at naka smile lang siya. Parang ewan pero, !@#$

TURN ON. Pero in-off ko ulit. Delikado na.

"TING!" Nagbukas na ulit yung elevator at mabilis akong tumakbo papuntang kwarto ni Jessie. At doon ko lang din na realize, dapat sinabi ko sakanya na si Jessie ang stalker niya at hindi ako! Sana pinakita ko ang kwarto ni Jessie na punong puno ng mga mukha nila. Sana sana sana!

Kaso nga shunga talaga ako.

Lumipas ang ilang oras... Isa, dalawa tatlo.. "Eonni! Mamimiss kita! Promise ‘to!” humagulgol ang kambal ko sa harap ko pagpasok ng kwarto. 

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

"Tumawag mga teacher na nabagsak kong subject! Halos lahat sila tumawag kaya sabi ni mama sa Korea na muna daw ako! Uy kambal kausapin mo si mama, ayoko pumunta dun! Walang EXO dun!

Anak ng--! Hanggang ngayon, EXO pa rin? Ayaw niya sa Korea dahil walang EXO? Hindi man lang dahil wala ako doon? Pero dahil ayaw ko rin naman siyang umalis, ginawa ko ang pinapagawa niya pero wala.. galit talaga si Mama. Kaya nga sinabihan niya na rin ako. Kundi matutulad daw ako sa kambal ko at what's worse is, doon kami sa lolo kong mahigpit mag s-stay ‘pag mangyaring parehas kaming mapunta doon

"O’nga pala, Janey." Lumingon ako kay mama.

"Gusto ko yung Kai na ‘yun ah, balita ko magaling sa pagsayaw yun. Eh diba dun ka bagsak? Bakit ‘di ka magpatulong sakanya?"  o____o ganyan ang reaksyon ko sa sinabi niya.

"NO NEVER" Sagot ko at tumakbo na papunta ulit sa kwarto ko. Dance tutor ko siya? No way mahabang highway.

Pagkabalik sa kwarto ay nadatnan kong nasa loob si Jessie na kinukuha ang ilang mga gamit niya sa kwarto ko. Kitang kita ko nga ang lungkot sa mga mata niya. Niyakap ko siya.. "Wag kang magalala, pagbalik mo dito, sayo na EXO!" biro ko...na sineryoso niya.

"Promise? Wahhh! Sige kambal ah! Pag malaman ko na lumalabas ka na kasama nila pagbubutihin ko sa Korea at ‘pag malaman kong walang improvement....mag bubulakbol ako!"  Nag pout pa siya. Chinachallenge ba niya ako? Tssss no no no. Bahala siya. After ng deal naming ng Kai na ‘yan, tapos na ang lahat.

"Ay wait nalaman mo ba?" Biglang nagbago ang anyo niya. "Ano yun?" tanong ko naman. Wala kasi akong nalaman. Wala akong alam, remember?

"Si Kai hinimatay daw sa school at sabi babae daw ‘yung nagdala! AT!! Kaninang nandito siya, alam mo bang nahimatay ulit siya kaya nga hindi na siya nakapag paalam pa! Grabe personal nurse pa nga niya ang nagsundo sakanya dito.." Napa-"HA?!" nalang ako.

"Bakit ‘di mo ko tinawag?" Nag-aalalang tanong ko. Nag-aalala? Oo, hindi naman ako demonyo noh.

"Eh kasi alam naman naming wala kang pakialam." Simpleng sagot lang niya sa akin. Ouch. Ganun ba ako ka heartless? Masyado na ba akong hard at harsh sa EXO? Napa buntong hininga nalang ako at humiga na sa kama ko. Nagi-guilty tuloy ako.

May sakit na pala kasi ‘yung tao tapos pinagtatarayan ko pa. Ni hindi ko man nga lang inentertain yung bisita! Malamang kasi ako ang pinunta non. Para siguro paniguraduhin na sakanya yung necklace... which is sakanya naman talaga. Mag sosorry nalang siguro ako bukas. Inangkin ko rin kasi ang hindi sakin. Baka importante yun sakanya. Erghhh. And about our deal.. wala naman sigurong mawawala. Baka pag umamin ako (kahit hindi naman talaga ako), tigilan na rin nila ako. Okay na rin yun. Para na rin sa kambal ko.  Ughhhhhh nakakainis.

Edited: 5:34 AM April 13, 2014

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now