Chapter 22

2.6K 106 11
                                    

Madali akong lumabas ng building at hinanap si Kai. Sa mga lugar na pwede niyang puntahan. Pati sa mga KTV Bar ay pumasok ako nagbabasakali lang na nandoon siya. Pero wala. Dinial ko ang numero niya pero kada tatawagan ko siya'y walang pagbabago. Hindi niya sasagutin o di kaya i-rereject niya.

May mga oras na mapapa-upo nalang ako at iisiping sumuko na. Ngayon talaga.. gusto ko nang magpakasarili. Gusto kong 'pag mahanap ko siya, yayakapin ko siya at aamin ako sa tunay kong nararamdaman. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat.

"Ohmy gosh. Aalis na siya?!" sigaw ng isang babae. Nasa loob ako ng isang restaurant at saktong nakabukas ang TV at nanonood sila. Napatingin ako sa monitor ng TV nila at nagulat sa nakita ko. Agad akong napatayo at lumapit sa may TV para makita itong mabuti.

"Yah Ahjumma! Naka harang ka!" walangyang sabi ng isa sa mga bata rito.

"And we have now is the famous Kim Jongin of EXO! Please greet your fans." bumati siya ng normal na normal. Naiinis ako. Hindi ba alam ng show na 'to na wala dapat siya diyan? At tsaka.. wala 'to sa schedule niya!

Madali kong hinalungkat ang bag ko at nilabas ang papel kung saan nandoon ang lahat ng schedule ni Kai. Dahil bilang isang Assistant niya, dapat meron ako nito at dapat alam ko ito.

Pero biglang nagflashback sa akin noong panahong gusto niya akong maging sasaeng fan niya. Sinendan niya ako sa phone ko noon ng schedule niya. Pero wala pa rin dito.

"Balita namin, ikaw mismo ang nag request na interviewhin ka namin? Because we were once rejected by your manager! Haha Kasi naman, we're into rumors kaya maraming may ayaw mainterview dito." tumawa pa siya. Nagawa pa niyang tumawa. Ano pa nga bang aasahan ko sa isang idol diba? Dati palang wala na talaga akong hilig sakanila. Sa kahit na sinong idol. Mahirap kasi silang basahin. Masyado silang magaling. Masyado silang trained na itago ang tunay nilang nararamdaman. Minsan hindi mo alam kung totoo ba sila o nagsisinungaling.

"Okay so.. hindi na ako magpapaligoy-ligoy ano? Kanina kasi sa backstage may nabanggit kang sobrang ikinagulat namin. Should we broadcast it? Or next question...?" halos pabulong lang na sabi ng interviewer. And once again, nanggagalaiti na ako sa galit. Brinoadcast na niya! Ano pang magagawa ni Kai para tumanggi? Media will always be media. Kakaiba. Sa kalagitnaan ng interview ay binalutan ako ng kaba. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito.

"Yes. Its true na hindi na ako magsa-sign ng contract. I'm leaving. In a month, hindi niyo na po ako makikita as Kai from EXO. But I will be Kim Jongin, the normal Kim Jongin. " bigla akong nanlumo at nangatog ang tuhod ko sa sinabi niya. Kasabay nito ay ang pag tunog ng phone ko. Isang message galing kay Luhan.

"I'm sorry Janey, but its the only way." napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang text niya. Nawala rin ang atensyon ko sa text niya noong marinig kong nagtatapos na ang interview.

Sinearch ko kaagad kung saan ang building nila at nang malaman ko ay kumaripas na ako ng takbo at sumakay ng taxi.

**

As expected, maraming media ang nagaabang sa labas pero hindi ito naging hadlang. Lumabas ako ng taxi at nakipagsiksikan sa mga reporters. Mas nagkagulo pa ang mga reporters ng papalabas na si Kai.

Nang pababa na si Kai ay naipit ako sa mga reporter na naguunahang makasalubong siya. Nakita ko nalang ang sarili kong nakaupo na sa lapag at halos matapak-tapakan na nila. Napatingala ako at nakitang napatigil si Kai nang magtagpo ang mga tingin namin. Nakatingin lang ako sakanya at ganoon din siya.

"Totoo bang aalis ka na sa EXO?" pare-parehas na tanong ng mga reporters. Nakatingin lang siya sa akin at tsaka sumagot, "Yes. Totoo 'yun." nakatingin pa rin siya sa akin. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya at sumiksik siya sa mga reporters at naramdaman ko ang pagdampi ng mga braso niya sa mga hita ko.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora