Chapter 21

2.7K 120 16
                                    

Sorry kung may typos at hindi ko alam kung mahaba ba to or what lol. Sa mobile lang kasi ako nag update at type.

Comment x ok hehe

Dalawang araw na ang nakaraan matapos ang nangyari kay Kai at Luhan. Dalawang araw din namang free day nila kaya nasa kani-kanilang lakad sila. Matapos rin ng dalawang araw na 'yun ay hindi na kami nagkausap pa ni Kai at si Luhan nalang ang nakakasama't nakakausap ko. Ngayon magsisimula na ulit ang trabaho nila bilang isang idol.

"Luhan, alam ba ng ibang kamiyembro niyo ang nangyari sa inyo ni Kai?" Pagtatanong ko. Dahil sa totoo lang, kahit na hindi ako ang nasuntok, nawawalan ng kaibigan o naguguluhan, kagaya naman nila, sa rin ako sa nasasaktan.

Umiling siya at bumuntong hininga, "Hindi nila alam. Hindi na nila kailangan malaman. Mas lalaki pa, eh." sabi nito. Nakaupo lang kami sa hagdanan sa labas ng building. Mabuti nga't wala ang mga fans nila. Siguro nasa venue na sila ng pagcoconcert-an ng EXO o di kaya baka dahil sa notice na nilabas ng SM na free day ng EXO at nakiusap na huwag na muna sanang gumawa na makakasira sa 2-day vacation nila.

"Luhan.. kinakabahan ako." sabi ko sakanya. Totoo, kinakabahan ako. Hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin. Hindi ko alam kung tama bang hayaan kong masaktan nalang ang sarili ko at makitang tinutuloy na kamitin ni Kai ang pangarap niya o tama bang umamin na ako sakanya na kung gaano ko siya kamahal at masira ang pangarap niya. Alin sa dalawa ang dapat kong gawin?

"Luhan.. si Mina-"

"Yes Janey. Alam natin kung gaano kalakas ang hawak ni Mina sa kumpanya. Alam nating isang pitik lang kayang kaya niyang masira ang EXO. Kahit na papa mo na ang bagong mayari, hindi pa rin dahil may hawak pa rin sila." napayuko na lang ako at natahimik.

Kung hindi ko lang kasi inentertain ang nararamdaman ko kay Kai, hindi sana mangyayari 'to. Sana kasi hindi ko nalang siya nagustuhan. Sana hindi nalang kami nagkakilala. Sana wala akong masisirang pangarap.. wala akong mawawarak na puso.. wala akong masisirang relasyon ng magkaibigan. Puro nalang sana. Sana. Sana. Sana.

"Luhan, pumunta ka na sa dressing room niyo." lumabas ang personal assistant niya at saka na siya pumasok. Naiwan akong magisang nagmumuni at nagiisip-isip.

Mga 20 minutes ang lumipas noong nagpasya na akong pumasok at nakasalubong ko ang ilan sa mga personal assistant ng EXO. Doon ko biglang naalala. May dapat pala akong ginagawa ngayon. Naglakad akong mabilis papunta sa Dressing room nila at inilibot ang mata ko ngunit wala naman akong nakitang Kai sa loob.

"Nasaan si Kai?" pagtatanong ko kay Kyungsoo. Umiling lang ito at saka tinitigan ako. Aalis na sana ako sa harapan niya pero mabilis niya akong nahawakan sa braso ko at hinila niya ako palabas ng dressing room.

"Ano bang nangyayari? Alam mo ba umamin na siya sa akin. Janey, mahal ka niya. Janey, handa siyang pakawalain ang EXO, para lang sa'yo. Janey, ganun ka niya kamahal. Why can't you understand and appreciate it?"

"Kasi mahal ko rin siya." Simpleng sagot ko. Kinunutan lang niya ako ng noo at naghintay ng iba pang sagot. Bumuntong hininga muna ako, "Mahal ko siya at hindi ko hahayaang masira ang pangarap niya. Ganun ko siya kamahal. Handa akong masaktan para sakanya." wala nang ibang salitang lumabas sa bibig ko dahil ayaw na rin mag function ng utak ko. Hinang hina na ako. Hindi ko na alam kung ano ang tama sa mali. Gulong-gulo na ako.

"Hindi ko kayo maintindihan. Mahal niyo ang isa't-isa pero..ugh ewan ko. Basta, please. 'Wag mong saktan si Kai. Mahalaga sa akin si Kai, mahalaga siya sa amin ng EXO. Pero tandaan mo, maiintindihan namin kung dumating ang panahon na ikaw ang piliin niya over us." umiling ako sakanya. Imposible.. at hindi ko hahayaang mangyari 'yun.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon