Chapter 6

4.6K 156 4
                                    

Nandito ako ngayon sa starbucks dahil dito namin napagusapan na magkita ni Gela.

"Psssst! Janey!" tinawag niya ako nang nakataas pa ang kamay at kaagad akong lumapit sa table niya.

"Late ka ng 5 minutes. Tsk. Anyway..... iba ata pagkablooming mo ah" hindi ko na sinagot yun kasi alam ko namang lagi akong blooming.

"Para kang 14 years old na nakatanggap ng first kiss sa pagkablooming mo haha" binigyan ko siya ng 'tigilian-mo-ko-look' at biglang nag flashback sa akin yung nangyari sa kitchen kanina.

Ngayon lang nag sink-in sa utak ko yung nangyari na yun! Yung kitchen kiss! That kitchen KISS!

"Bat namumula ka jan?" tanong sa akin ni Gela.

"OMG! May naka halikan ka ba? Bakit ganyan ka? Omg? What did I missed!!?" excited na pagtatanong niya.

And hell no. Hindi ko sasabihin yun.. ngayon. No.

"Wala? Makapal ba pagkaka blush on ko?" palusot ko habang hinahalungkat ang bag ko, hinahanap ang mirror ko.

"Anyway... yung makaka blind date mo ngayon, bigatin. Connected sa school natin at gwapo at hot at basta bagay kayo! His name is.. Joon. Yes, Lee Joon."

Napanganga nalang ako.

"Korean?! Tsssa ayoko ng koreano!" akmang tatayo na sana ako at aalis pero biglang hinawakan ako ni Gela kaya napaupo ako ulit.

"Ayan na siya, okay bye! Goodluck ah!" at umalis na siya. Sa pagkaka-alis niya ay ang pagdating ng isang pamilyar na lalake.

"Hi.. Janey." umupo siya at nginitian ako. Tinitigan ko lang siya.. pamilyar kasi talaga eh.

At yun nga, isa isa kong binalikan ang mga pangyayari. Doon ko naalala yung swimming time! SIYA YUN! Siya yung anak ng coach namin na.. na.. Pinsan ni KAI!

"No way.." nabulong ko.

"Yes way. tss" he smirked at tumayo. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at niyaya akong lumipat ng lugar.

Hindi naman kasi bagay magdate sa starbucks.

"Wag ka magalala. Haha di ako katulad ng iniisip mo. Bbwisitin ko lang si Insan." and with that, binitawan niya ang kamay ko.

"B-bwisitin si Kai? Huh? Eh bakit nasama pa ako sa plano mo?" pagtataka ko. Ang damidaming way naman kasi para mabwisit yun si Kai bakit pa ako nainvolve?

"I dont know.... haha You'll know it.. SOON."

Bwisitin ba si Kai? Haha sige game ako jan!

"For now... nasa SMent studio sila nag ph-photoshoot. Halika!" hinila niya ako papasok ng studio ng sment at doon nga naabutan namin ang EXO.

"Uy Joon! Whats up bro!" lumapit sakanya si Kris at nag apir.

"Long time no see ha! Kamusta?" si suho naman ngayon ang lumapit. Sa malayo ay nakikita ko ang mga titig ni Kai. Siya kasi ang nakasalang sa photoshoot ngayon kaya hindi siya makalapit sa pinsan niya.

"What's that expression Jongin?! Ayusin mo! Kanina lang okay ah?" sigaw nung manager ata nila. Pero hindi siya kumibo at nanatiling ganun yung expression niya. Hindi nagtagal ay bigla nalang siya umalis sa tapat ng camera at hinablot ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa likuran na walang tao.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon