Chapter 13 (Part 2)

3.3K 120 15
                                    

Sino nga ba si Mina Park?

Janey's Pov

Nang buksan ko ang libro, bumungad sa akin ang isang malaking picture ni Mina. Maganda siya, mukhang inosente, may mahabang buhok, singkit ang mga mata at maputi. Kapag titignan mo talaga siya, masasabi mong kahit na sino ay mabibighani sakanya. 

Inilipat ko ang pahina at puro sulat na ang nakalagay rito. Nakalahad rito ang tunay na pangalan niya which is Mina Park talaga at nakalahad rin dito na 2 years ago palang, isa na siyang model at ang kanyang ama at ina pala ay dating mayari ng isang kumpanya na ngayon ay iba na ang nagmamay-ari dahil sa ibang business na sila naka focus. Nagulat na lamang ako nang makita ko kung anong kumpanya ang pagmamay-ari nila.

Sm Entertainment.

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at pumunta sa browser, tinaype ko kaagad ang EXO at chineck ko kung tama ba ang pagkakatanda ko.

Ang EXO ay from Sm Entertainment na kumpanya, kung saan, dating magulang nila Mina Park ang nagmamay-ari. Matagal na nag train ang EXO at sabi dito, ang SM Entertainment raw ay naipasa sa ibang tao 2 years ago lang.

Doon, bigla akong naguluhan.

"Jessie, tulungan mo naman ako." Sabi ko sakanya. Pero dinedma lang niya ako at sinabihan na ipagpatuloy ko lang ang pagbabasa.

Sa first 50 pages, puro picture lamang ni Mina Park ang nandoon. May mga picture siya noong bata siya at noong mga photoshoot niya. Inilipat ko uli ang pahina at inilipat ko ulit ng makita kong selca nanaman niya ang nandoon pero may nahagip ang mga mata ko kaya ibinalik ko ulit ito.

Bumungad sa akin ang picture nilang tatlo. Si Luhan, Mina at Kai. Sa baba ay may nakalagay, "Bestfriends" Tumingin ako kay Jessie, tila nanghihingi muli ng tulong. Bumuntong hininga muna siya at saka nagsalita, "They were bestfriends"

"Were?" Pagtatanong ko. Tumango siya.

"Kilala ko si Mina." Napatitig ako sakanya. "Kilala mo? Paano?"

""3 years ago, bago mag debut ang EXO, nakilala ko siya. Sa eskwelahan natin siya nag-aaral at siya ang nakakasama ko noong mga panahong bwisit na bwisit ka sakin, ikaw kase eh! Ayaw mo pa ako minsan samahan sa mga events. Kaya si Mina ang nakakasama ko. Well, naging magkaibigan kami. Ewan ko lang kung natatandaan pa niya ako ngayong sikat na siya. Dahil rin sakanya, nakilala ko si Kai at ang EXO. Dahil sakanya, naging EXO stan ako. Hindi ko naman alam na dahil sakanya, magkakaganito ka, e. Sana pala hinayaan ko nalang na hindi ka maging katulad kong Fan nila."

"Diretsuhin mo nalang ako, Jessie. Ano ba kasi ang koneksyon ni Mina sa EXO?" Binatukan niya ako. "Wala ka bang utak, kambal? Childhood bestfriends silang tatlo! Si Luhan, Kai at Mina pero nawala din yun dahil sa LOVE, okay?"

"Wala nang iba?" Pagtatanong ko. Umiling siya, "Yun ang hindi ko na alam. Ilang linggo lang naman kami naging magkaibigan ni Mina, e. Dahil nang months after mag debut ang EXO, nawala na rin siya."

"Eh bakit nagbabalik siya ngayon?" Naguguluhang tanong ko. "Ewan ko, e. Baka namulat na siya?" inirapan ko na ang kakambal ko ngayon. Hindi ko maintindihan. Naiinis na ako!

"Hay nako! Sige na nga! Eto na! Nung mga panahong nakilala ko kasi Mina, gustong gusto na siya ni Kai noon pero iba ang gusto niya hindi si Kai! Kundi si Luhan! Pero ayaw sakanya ni Luhan, pero hindi iyon ang nagpatigil sakanya. Pinilit niyang mapalapit kay Luhan... at... ayoko na! Hanggang jan nalang ako." Tumayo si Jessie at akmang iiwan na sana ako pero hinila ko sya pabalik dahil parang nagegets ko na ang nangyayari.

"Paano niya ginawang mapalapit siya kay Luhan?" Tinignan akong seryoso ni Jessie.

"Alam mo kasi... ugh ang hirap sabihin eh." Umiwas siya ng tingin sakin.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now