Chapter 19

2.9K 132 12
                                    

Dapat ay 20 chapters lang 'to. Pero hindi ko kaya gawan ng ending kaagad-agad dahil sa sitwasyon na meron sila ngayon. So baka 6 more chapters nalang. Btw, wala na 'tong second book. :) Salamat sa mga nagbabasa at nag cocomment. Mahal na mahal ko kayo! Haha kilala ko na nga kung sino ang mga readers nito eh (yung mga nagcocomment familiar na sa akin haha!) Sana pwedeng mapublish ang isang fanfiction lol. Gusto ko sana ipasa kaso baka 'di pwedeng FF kaya pagiisipan ko pa kung irerevise ko ito.

I-play niyo ang music sa gilid (First Love End by Kwill) habang binabasa niyo ito hehe.

Chapter 19

Janey's POV

Imbis na dalhin ko siya sa kung nasaan ang lahat (ang manager, exo... at si Mina.. at Luhan) dinala ko na lang siya sa dorm nila. Wala namang tao dahil kakatapos lang ng performance nila at may konting kainan ang mga staffs, managers at EXO.

"Kai, umayos ka nga. Nasaan ba 'yung susi mo?" nakaupo lang siya at nakasandal sa pader sa gilid ng gate ng dorm nila. Hindi ako pinapansin at tulala.

"Sagutin mo muna ako. Sino ang pipiliin ko? Ikaw.... o EXO?" Feeling ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang tanong niya. Sino raw ang pipiliin niya? Bakit ako ang tinatanong niya? Tsaka.... bakit niya sa akin  'yan tinatanong?

"Ewan ko  sa'yo Kai. Umayos ka sabi, eh. Lasing na lasing ka na tapos ang init-init mo pa. Nilalagnat ka at saka nilalamig na tayo parehas dito kaya ilabas mo na 'yung susi." Hindi siya sumagot ni gumalaw, nakatitig lamang siya sa akin.

"Kai, please. Nilalamig na 'ko dito." Nagulat ako nang mabilis siyang tumayo at niyakap ako. "K-Kai, a-akin na 'yung susi." halos pabulong ko lang nasabi. Akala ko kakalas na siya sa pagkakayakap sa akin pero mas hinigpitan pa niya ito.

"Kai! Ano ba!" tinaboy ko ang mga braso niya at napakalas siya. "Ang kulit kulit mo! Iiwan na kita dito!" napasigaw na ako sakanya. Itinaboy ko siya.. sinigawan ko siya.. alam kong nasasaktan na siya kung totoo ngang may pagtingin din siya sa akin pero sa palagay ko, eto na ang tamang gawin ko. Lalo na't kung nasa sitwasyon siya ngayon kung saan kailangan niyang pumili between me and EXO. Kakakilala lang niya sa akin, baguhan pa lang ako sakanya at sa EXO samantalang ang EXO, matagal na niyang kakilala at matagal na niyang nakakasama. Ang EXO, nakasama niya sa mga panahong kailangan niya ng makakasama. Ang EXO, naging karamay niya sa mga bagay-bagay. Eh ako? Hinding hindi ko mailalagay ang sarili ko sa itaas ng EXO sa listahan niya. Dahil bago ako, may EXO na. May Mina na. Bago pa ako dumating, may mga tao nang nasa tabi niya. Ika nga nila, isa lang akong character na dumating bigla sa buhay ng bida.

"Iiwan?" pabulong lang niyang wika. Napaiwas ako ng tingin sakanya. Kung kakailangang iwan ko siya.. para sa ikabubuti niya, ni Luhan at ng EXO, gagawin ko. 

"'Pag iwan mo ba ako.. pati si Luhan?" Nagulat ako sa naging tanong niya at sa pagbanggit niya ng pangalan ng kaibigan niya.. si Luhan. Sa pagkarinig ko palang ng pangalan niya ay ako na ang nasasaktan. Nasasaktan ako kasi alam kong nasasaktan ko siya. Alam kong masasaktan ko silang pareha.

"Janey, alam mo ba handa akong iwan ang lahat para sa--" hindi ko siya pinatapos. Ayokong marinig.

"Kai, nasaan 'yung susi?" Hindi ko na siya tinitignan at palipat-lipat ang tingin ko sa paligid. Sa ulap, sa poste, sa pader, sa sahig. Lahat ay natignan ko na.. siya na lang ang hindi. Hindi ko kaya.

"'Pag ibigay ko ba sa'yo 'yung susi, sasagutin mo tanong ko?" This time, pinilit ko na ang tignan siya at nagsisi ako sa ginawa kong 'yon dahil iba ang nakita ko sa mata niya. Nakita ko sa loob nito ang halo-halong emosyon.

"Oo. Oh, nasagot ko na ang tanong mo pumasok ka na. Aalis na ako."

"H-hindi mo pa nasasagot tanong ko."

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon