Chapter 13

3.3K 113 6
                                    

Nakatulog naman ako ng mahimbing sa kwarto na nirentahan ko na isang floor lang ang pagitan sa kwarto ni Jessie. Kahit na maingay at mukhang busy ang mga tao sa kabilang kwarto nagawa ko pa ding matulog ng mahimbing. At least hindi EXO ang naririnig ko. Michael Jackson songs ang pinapatugtog ng katabing kwarto.

Kinaumagahan, nagising ako nang nasa may sofa sa sala si Jessie, nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo.

"Ohhhhhhh andito na daw EXO!" napatingin ako sakanya at hinablot ko ang dyaryo sa kamay niya.

"Pfsh! Kunwari walang pakialam at kunwari umiiwas sa EXO pero kung macurious daig pa ang isang girlfriend!"

Girlfriend? Tss. Alam nito ba akala ko aabot kami ni Kai sa point na yun? Akala ko magiging kami. Kahit naman kasi hindi pa ako aminado noon, nararamdaman kong may something na. At yung mga akto niya sa harapan ko, para kasi sakin hindi yun gawain lang ng isang kaibigan o kaschoolmate. Well depende nalang kung ganun talaga ang ugali niya. Malapitin sa babae. Aaminin ko din kasi diba? Hindi ko pa ganun kakilala si Kai. Maski nga ang paborito niyang pagkain hindi ko alam. Ang paborito niyang singer o paboritong kulay. Paano pa kaya ang past nila ni Mina? Malamang mas hindi ko alam.

"Uy ano nanaman iniisip mo ha" natauhan nalang ako kay Jessie.

"Hay nako Jessie, tigilan na nga natin to!" Sabi ko sabay bato sakanya ng dyaryo.

"Hmm.. kung kakayanin mo~" sabi naman niya at saka lumabas ng kwarto.  "Ay onga pala labas tayo! Dadlhin kita sa NAMSAN Toweeeerrr!" pahabol pa nito.

**

Habang naglalakad ay may nadaanan kaming book store. Pumasok kami dito at nag tingin-tingin. Hindi ko al kung bakit pero dinala nalang ako ng paa ko sa 'Showbiz Section' ng bookstore. Madami akong nakitang pamilyar na pangalan tulad ng L's Bravo Viewtiful, IDEA Photobook, at iba pang photobook tulad ng sa BAP, Super Junior at SNSD. Simula kasi nang makilala ko ang EXO at makasama ko si Kai, kusa nalang na nagkaron ako ng kaalaman sa mga iba pang grupo dahil mindan kapag EXO ang papanoorin ko, mapapanood ko na din ang iba pang suggested videos sa youtube.

Naglakad lakad ako at nagmasid, ngunit sa paglalakad kong ito ay may isang libro akong napansin. Manipis lang siya hindi ganon kakapal at sa harap nito ay isang picture ng isang pamilyar na babae. Lumapit ako rito at kinuha ko.

Tama nga ako. Ang babaeng ito ay si Mina Park. Nagulat nalang ako nang may isang papel na nalaglag galing sa loob nito at saktong may tagabantay na nakatayo sa gilid ko. "Uhm ma'am pay as you damage po." Sabi ng babaeng ito. Napatingin ako sakanya. Hindi ko naman to sinira! Kusang may nalaglag lang.

"Ma'am, that's the last copy of the book. I heard there's something special for her fans with the last copy. Are you a fan, ma'am?" nginitian ko nalang siya. Ayokong nagsinungaling sakanya at saka pinapabayad na nga niya sakin tapos pinopromote pa nya sakin! Nakaka highblood! Mapunit na nga lang itong buong librong ito. Bwisit at sakin pa talaga nasakto ang last copy noh? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

Kinuha ko na ang papel na nalaglag mula dito sa libro at binayaran.

"Ano yang binili mo?" tanong ni Jessie.

"Hindi ko to ginustong binili. Sabi kasi PAY AS YOU DAMAGE." Naiiritang sagot ko.

"Oyoyyoy chill ka lang. Ba't ang init n ulo mo? Patingin nga-" saka nya nahablot ang libro sa kamay ko.

"AHHHHH Kaya pala ang init ng ulo mo." sabi nito habang binabasa ang nakasulat sa papel na nalaglag kanina galing doon sa libro. Winaga-wagayway niya ang papel na ito sa mukha ko. At parang may naaninah
gan akong kakaiba sa papel na iyon. Kinuha ko ito mula sakanya at tinignan.  Picture ito ni Mina kasama ang buong EXO pero parang ang pinakasentro ng larawang ito ay sila Kai, Mina... at Luhan? Saka ko natandaan ang picture na nakita ko sa wallet ni Luhan noon. Bukod sa picture ni Kai at Mina na magkasama, mayroon din sila ni Mina at kuha pa iyon sa isang restaurant na mukhang nagkakasiyahan sila? Hindi ko maintindihan.

Tinignan ko itong libro, mukhang makakatulong ito sa mga katanungan ko. Hinila ko si Jessie sa malapit na coffee shop at pumasok kami roon.

"Kailangan ko tong mabasa ngayon."Sabi ko sakanya. Ngumiti naman siya ng nakakaloko sa akin.

"Yan na ba ang definition ng babaeng ayaw muna makarinig at makakita ng kahit anong related sa EXO?"

"Jessie wag ka epal ha. Hindi naman EXO to. Mina Park to."

"Kahit na, pag mabanggit kasi ang Mina Park, kasama na sa pangalan niya noon pa ang KIM JONGIN." Napatingin ako sakanya. Ano ba ang nalalaman nitong kambal ko?

"May alam ka ba tungkol dito?" Seryosong tanong ko.

"Basahin mo nalang muna yan at sasabihin ko sayo ang lahat na nalalaman ko" pero bago pa ako magbasa, nainis na ako.

"Sabi mo wala kang alam?"

"Kambal, hindi ko sinabi saoyo dahil gusto ko ikaw mismo ang makatuklas. Knowing you, alam kong sa akin ka kang may kayang magtanong about dito. Kilala kita Janey, ayaw mong makita ng iba.. LALO NA NI KAI, ang tunay na nararamdaman mo. Diba hindi mo pa natatanong yan kay kai?" Tumango ako. Totoong hindi ko pa tinanong ito sakanya at alam kong mali iyon dapat ay tinanong ko muna bago ako masaktan. Hindi ko ginawa iyon dahil ayokong malaman nila ang tunay na nararamdaman ko. Ayokong malaman niya na mahal ko na siya. Ayokong malaman niya at ng iba pa na nasasaktan na ako. Ayaw kong malaman nila na mahina rin ako dahil ako si Janey Jung, matapang.

"Basahin mo na."

At saka ako nagsimulang magbasa at simula na din ng pagkakasagot sa mga katanungan ko.

Sino nga ba si Mina Park sa buhay ni Kai at ng EXO?

Hindi pa ito ang last ng chapter 13 kaya pasensya na kung maikli hehe ang next chapter ay continuation ng ch13 at yun na ang nilalaman ng librong binili ni Janey Jung. Its going to be all about MINA PARK, KIM JONGIN AND EXO.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now