Chapter 9

3.8K 140 9
                                    

Yung feeling na ayaw pa din mag-register sa utak ko yung nangyari.

Funyeto! Hinug ako ni Kim Jongin. Yung lalaking kinababaliwan niyo, NIYAKAP AKO! But that's nothing special. Niyakap lang ako nung tao. Walang malisya 'yun kasi sabi niya..

"What was that for?" Matapang kong tanong sakanya. Bakit ba siya ganyan? Bigla-bigla nalang mangyayakap. Hindi ba niya alam na delikado yang paganyan ganyan niya? Tsk.

"Don't think too much. Its just a goodluck hug." Pagkatapos niyang sabihin yun ay iniwan na niya akong magisa sa loob ng Dance Studio. Hinabol ko siya, nakakainis ah. Maaga ako gumising para dito tapos ganun? Wala lang pala mangyayari? Ugh.

"Oy! Akala ko ba tuturuan mo ako?!" Sigaw ko sakanya. Malayo na kasi siya at wala akong pakialam kung madaming nakatingin sakin at kung ano pa ang isipin nila. Basta ako lang, ayokong binibwisit ako!

"Sasaeng! Ano problema?" Napairap nalang ako nung maramdaman kong may tatlong lalaking lumapit sakin. Si Kyungsoo, Baekhyun at Chanyeol.

"What? Wag ngayon please. Wala ako sa mood para sakyan yang sasaeng sasaeng trip niyo sakin." Pagkasabi ko nun ay napakamot nalang silang tatlo sa ulo nila at parang naguguluhan sa nangyayari.

"Bakit ang init ata ng ulo, sasaeng?" Mainit na nga ulo ko, pinapainit pa nila lalo sa kakasasaeng saakin.

"Nagaway ba kayo ni Kai?" Napatingin ako sakanila. Bakit naman magiging dahilan ng paginit ng ulo ko kung magkaaway kami ng asungot na 'yun? Tsaka bakit nga ba mainit ulo ko?

"May nasabi ba sayo si Kai na kinabwisitan mo?" Tanong pa ni Baekhyun. Napalaki nalang ang mata ko sakanya. Ano ba pinagsasabi nila? May nasabi ba si Kai na kinainisan ko?

Eh ang sabi lang naman niya.. goodluck hug lang yun at wala nang iba. Bakit naman ako maiinis at mabbwisit dun?

Ugh.

Sabi nga ni Kai.. Dont think too much.

Eh? Bakit ko naman siya susundan? Aish!
"Bahala kayo jan!" Bigla ko nalang nasigaw at iniwan na silang tatlo dun. Bakit ba ginugulo nila utak ko? Pati buhay ko! Lahat na!

"Huy! Sasaeng!" Nasapo ko nalang ang ulo ko. Bakit ba nagsusulputan nalang sila lagi?

"Bakit Luhan? Wala si Sehun dito hindi ko siya nakita hindi ko siya nakausap hindi ko siya nakausap kaya please, wag ngayon." Walang hinga-hinga na sinabi ko. Siya naman napa taas nalang ang kamay niya na parang sumusuko sa pulis. Napatawa naman ako dun.

Ang cute lang talaga nitong nilalang na to.

Magaan ang loob ko sakanya sa totoo lang kasi siya lang yung maayos at walang halong panti-trip ang unang paguusap namin nun.

"Bipolar sasaeng?" Napatawa din siya at nilapitan ako.

"Tulungan na kita mag locker!" Hinila niya ako papunta sa lockers area at tinulungan niya nga ako. Homeroom time namin ngayon at ang kaklase ko nga ay si Kai, Siya at si Tao.

"Lahatin mo na, hiya ka pa." Sabi ko habang pinatong lahat ng libro at notebook ko sa braso niya. Haha ginusto niya yan eh.

Pag-open namin ng pintuan ng classroom, biglang nagtahimikan ang mga kaklase namin at nakita kong nakatayo sa may gilid si Kai na parang nagaalala at may tinatanong sa mga kaklase namin. Malamang may namiss na lesson 'yan at nagpapanic na. Tss.

"Uh-oh." rinig kong sinabi nung isa naming kaklase.

"OY LUHAN! Halika nga dito!" Tumayo si Tao at kinuha yung mga libro at pinatong ito lahat sa desk ni Kai.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon