Chapter 15

3.4K 132 8
                                    

"So.... ikaw pala ang anak ng bago naming--" agad kong tinakpan ang bibig niya. Kakasabi lang kanina ni papa. Okay ang awkward pa rin. Papa ko ba talaga 'yun? Yung bagong CEO ng kumpanya ng EXO?

"Sabi nga diba 'secret'?" mariin kong tanong sakanya. Napa-buntong hininga naman siya.  "Pero kasi gusto kong malaman nila na--' hindi ko siya muli pinatapos.

"I'm your personal assistant, Kai. Space.. please." bigla ko na lang nasabi. Hindi ko alam. Malay ko. Pero kasi parang mas natatakot ako sa sitwasyon naming ganito. Parang mas gusto kong hindi na lang kami nagkikita. Parang mas maayos pa yung dating malayo siya.

Lumabas na ako ng kumpanya pero nakalimutan ko kung sino ang kasama ko. Siya nga pala si Kim Jongin. Isang sikat, no. Sikat na sikat na nilalang worldwide. At ako? Isa lang naman akong hamak na babaeng paligid-ligid sakanya. Im not his fan, not his friend. I'm just  a nobody. Pero bakit ngayon parang hindi na ako isang nobody?

Napatakip ako ng mukha nang marinig ko ang mga sunod-sunod na click ng camera. Nasa labas na ako at nagmamadaling maglakad. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Kai na nakasunod sa akin. Napa-tigil ako at napatingin sakanya. Binigyan ko siya ng isang napaka-matirik na titig at binulungan siya ng, "Nahihibang ka na ba? Lumayo ka sa akin. Gusto mo bang magka-issue?" Tsaka ako tumakbo. Alam kong sa pagbulong kong iyon ay maraming lalabas na kung anu-anong issue pero hindi na ako nabahala pa.

Nabigyan naman na nila ako ng pangalan, "Diba 'yun yung kasama natin kanina dito? Isn't she a fan too?"

"No! She's not just a fan... she's his sasaeng fan!"

Tumigil ako sa tabi ng isang poste at tumago sa likod nun. Nakita kong naglapitan ang mga guard kay Kai at itinanong kung okay lang ba siya. Natawa na lang ako. Pero sa kaloob-looban ko, nasasaktan ako.

Mahirap talaga magkaroon ng pagtingin sa isang mataas. Yung tipong ikaw nasa kanal, siya naman ay nasa pinakatuktok ng mansyon nila. Napakahirap. Nakakatawa lang kasi, 'pag ikaw ang kasama niya, mapagkakamalan kang isang baliw na fangirl, iisipin nila na napaka baliw mo. Pero kapag ibang tao naman ang kasama niya.. at hindi tulad kong hindi kilala, ang tawag sakanila.. COUPLE? Ang ganda-ganda ng tingin sakanila.

Bakit kapag sa isang katulad ko? Bakit iba?

"Janey!" may humawak sa balikat ko at nakita kong hingal na hingal si Jessie.

"Tinawagan ako ni Papa," napa-hawak siya sa tuhod niya, tila hinahabol ang paghinga. "Alam mo na ba?" napakunot ang noo ko.

"Alam mo rin ba?"

"Alam mo kung hindi lang ako hinihingal, nabatukan na kita! Ako ang unang nagtanong! Alam mo na ba?" Napa-irap muna ako sakanya at tumango-tango. "Oo, alam ko na." Bumuntong hininga siya at tila kinakabahang tinanong, "Tapos... personal assistant ka pa ni Kai ngayon?" tumango muli ako.

"Pumayag ka ba?"

"Wala naman na akong magagawa, eh." Biglang nagngangawa si Jessie sa harap ko. Naguluhan ako. "Bakit ba?" pagtatanong ko.

"'Pag malaman ni Mina 'yan, eh bahala na! Fighting sa'yo. Wag kang susuko! Okay?" Aalis na sana siya pero mariin kong nahila ang braso niya.

"Ano naman kay Mina 'yun? Diba wala naman siyang paki-alam kay Kai? Diba ginagamit lang naman niya si Kai? Para kay Luhan? Anong ikapuputok ng butchi niya kung malaman niya 'yun?" Hindi ko kasi talaga maintindihan. Ano naman sakanya yun? Don't tell me, the tables have turned? Baka naman ngayon, narealize na niyang kay Kai pala talaga siyang baliw?

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now