Chapter 4

5.1K 165 16
                                    

Bwiset na swimming class yan. Ugh i hate P.E! Kahit kelan talaga! Naiiyak na ako. Ayoko talaga eh kaya naman tinext ko kaagad si Gela na hindi ko kaklase sa P.E ngayon dahil inexcuse siya ng Glee Club. Kailangan daw siya doon. 

"Ang daya mo!!! Dapat ako nalang jan eh! Ikaw na dito sa P.E! Ayoko mag lead ng klase alam mo namang ayaw kong nags-swimming dito sa school eh." I hit send.

"Mukha mo! Eh ang galing galing mo nga lumangoy! Hahahahaha Joke. Goodluck!" reply naman niya. Wag kayo maniwala sakanya. Hindi talaga ako marunong lumangoy. Lagi kasi akong tumatakas dati sa klase na to. Eh ngayon wala na akong tatakasan! Naka note ang pangalan ko kay coach. 

"Aish! BV!" binalibag ko ang locker ko at kinuha na ang swim suit ko dun. Pare-parehas kami ng swim suit dahil uniform to, eto ang dapat na sinusuot talaga. As for me? Ewan second time ko lang ata ito gagamitin. Pagkalabas na pagkalabas ko ay ramdam ko ang tingin nila sa akin. Hindi dahil sa sexy ako, maganda ako. Pero dahil alam nilang ayoko to at minsan lang talaga nila akong makita sa P.E class. 

"Okay Ms. Ju-" hindi ko na pinatapos pa ang coach. "COACH! Kilala mo ba ako? Diba hindi? Ibig sabihin hindi mo ako nakikita dito! Coach naman! Hindi ako marunong mag swimming tapos ipag-gaganito mo ako?" halos maiyak-iyak na sabi ko kasi nga AYOOOKO. 

"No Ms. Jung, this is your consequence for being late." 

"Gandang consequence naman niyan." nabulong ko nalang sa sarili ko. 

"What did you say Miss?" nagulat naman ako, nasabi ko ba ng malakas yun? Lumapit sa akin si coach at hinawakan ako sa balikat. 

"Wag kang magta-talk back sa nakakatanda. Di mo alam ang mangyayari." and with that... i felt really scared as in natakot ako! Puta manyakis ata tong coach na to e! Tinignan ko ang mga kamay niya na nasa balikat ko at tinignan siya in disgust. Sisigawan ko na sana siya at sasabihing wag na wag niya akong hahawakan pero hindi ko naituloy. 

"Coach, ako nalang ang magle-lead." nakita kong lumapit si abs... este si Kai. OO SI KAI! Ayyyy to the rescue ang mokong! 

"Pero diba may sakit ka? Dapat wala ka dito, Kai." 

"Tsk, Pinsan. Wag mong ginagamit ang position ni tito sa pambababae mo." 

O____O What? So hindi talaga siya ang coach? Dun ko lang din nalaman na hindi naman pala siya ang coach kaya pala wala silang pakialam sa pinaggagawa niya. Eh sino siya!? Tsaka, Pinsan?! Huweh!? Ah kaya pala ma-abs din. 

"Eh diba siya ang sasaeng fan mo?" tumatawa-tawang tanong nung akala kong coach, na pinsan pala ni Kai at anak pala nung totoong coach namin. 

"Oo, sasaeng fan KO siya. Fan KO, at hindi MO. Kaya pinsan, back off." naka-smirk na sinabi naman ni Kai habang nasa gitna nila ako. Jusme? Anong pangyayari to? Naramdaman ko nalang na hila hila na niya ako. 

"Tsk bitawan mo nga ako!" tumigil ako kaya napatigil din siya. 

"Kilala mo ba yun? Ha? Magpasalamat ka nalang sakin." binitawan na niya ako at OMO

ANG SEXY NIYA TALAGA T_________T 

"Mag exercise daw hindi tumitig." narinig kong may tumabi sa akin at ibinulong yan. Napa tingin naman ako, si Kyungsoo. Kaklase ko din pala siya. 

"Sino ba tumititig? Tsk." 

"Sino pa ba? Edi yung sasaeng fan niya. Hahaha" tinap niya ng malakas ang likod ko kaya na-out of balance ako. 

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang