Chapter 12

3.6K 120 10
                                    

JANEY'S POV

Pagpasok ko ng campus, tahimik at walang gulo, walang riot. Walang riot ibig sabihin walang EXO. Kaninang umaga ko lang din nakita ang pasa ko sa binti at braso ko, dahilan na siguro nung aksidente noon. Mabuti nalang talaga tinulungan ako ng guard doon kundi baka malamang ngayon, lumpo na ako. Buti nalang at wala akong pilay kaya hindi naman masakit ang katawan ko. Yung mga pasa lang talaga. Mabuti nalang din at marunong ako mag-make up, natakpan ko ang mga ito.

Tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko, nagtataka nga ako kung bakit wala sila-ang EXO. At syempre, kung wala sila, wala din ang mga fans nila. 8Am nang mapagpasyahan kong pumunta muna sa canteen, hindi ko na kasi ma-take ang katahimikan at gusto ko nalang din kumain. Hanggang ngayon pa rin kasi naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa text ni Kai kagabi.  Bakit siya naghahanap ng way para magkita kami? Hindi kaya....?

Hindi eh, ayokong mag assume. Ayokong umasa.

"Janey?" Napaharap ako. Nagulat ako nang makita ko siya mismo sa harap ko. Totoo nga ang sabi-sabi. Diyosa talaga siya.

"M-mina Park.. diba?" Tanong ko rito. Tumango tango lang ito at nilapitan ako.

"Wag ka sana magagalit pero I want you to leave Kai alone at layuan mo siya. I'm really sorry but this is the only way.. for his sake." Hindi ako nakasagot. Gusto ko sana siyang tanungin. For his sake nga ba or for HER OWN sake?

Bago pa ako makapagtanong sakanya ay iniabot niya sakin ang tab niya.

Ibat ibang screenshot ng mga headline showbiz news. Everything about Kai.

"Exo Kai, may hinalikan na babae sa isang public place."

"Kai, nakitang may dalawang kasamang babae."

"NUMBER OF EXO'S FANS DECREASING BECAUSE OF KIM JONGIN."

"Some fans went half naked infront of sment building and had a rally regarding Kai's relationship with a girl still un-named."

"Kai receiving suicidal notes from fans. Some says, "Oppa im gonna kill myself if I find out your dating someone", "Oppa dont date someone. We will murder that girl.", "Oppa who's that girl? I hate her! We hate her! So you must hate her too!!"

Pagkabalik ko ng tab  sakanya, tumalikod na ako para sana umalis na.

"Sana maintindihan mo." sinabi muna nito at lumakad na rin papalayo. Nagpanggap nalang ako na wala akong paki-alam, na cold ako, na WALANG WALA TALAGA AKONG PAKIALAM. But deep inside me, tinatanong ko... ako nga ba ang dahilan kung bakit nagkakagulo ang buhay ng EXO.. especially Kai? Kailangan ko na ba talaga siyang layuan? Kapag layuan ko ba siya matatahimik na ang fans nila at mababalik na muli sa normal ang buhay niya at ng mga kagrupo niya?

 Ano ako? Katulad rin ba ako nung mga martyr katulad ng ibang babaeng bida sa storya? Hindi ba nakakasawa na 'yun? Well.. I can pretend right? Pretend that I don't know him. Pretend that Its my first time meeting him? Pwedeng magsimula ulit ako ng bagong buhay. Yung buhay na hindi ako isang normal lang na kaschoolmate niya na pag nakikita siya eh parang wala lang sa akin.

Pwedeng simula ngayon.. maging ibang tao na ako. Pwedeng ngayon, hindi na ako ang isang Janey Jung na ayaw sakanila.

Sabi nga nila diba na kapag isang idol ang gusto mo at mahal mo, you only have two choices as an ordinary person. It is to be his fan or be nothing. And i chose the first.

I'm choosing to be his fan. Kesa naman wala akong role sa buhay niya diba?

Kaya tinawagan ko kaagad ang kambal ko, "Jessie, I need your help. Kakausapin ko si mama na pauwiin ka na. I really need your help." 

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ