Chapter 5: Reunion

276K 4.4K 727
  • Dedicado a para sa lahat ng nageffort mag vote and comment
                                    

Chapter 5: Reunion

 

 

Gail’s POV

 

 

Naiinis na ako sa cellphone na yan ah! Tunog ng tunog.

“Seb yung cellphone mo!”

Itinaklob ko yung unan sa ulo ko. pero kahit na ganun na-bobother pa din ako sa tumutunog na cellphone ni Seb. Kasi naman ‘di pa sagutin!

“SEB!” umupo na ako.

“tulog mantika talaga!”

Kinuha ko yung cellphone niya at sinagot ito nang hindi tinitignan ang caller ID.

“hello? Madaling araw na po kung pwede sana marunong po kayong tumingin ng oras bago tumawag nuh?” nakakainis kasi

“ah sorry akala ko kasi mag-isa si Ceric”

“mamay---“ hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung biglang magregister sa utak ko na babae yung nagsalita.

Teka! Babae yun!

*tootoot*

Aba! At binabaan pa ako!

Sa sobrang inis itinulak ko si Seb para mahulog siya sa higaan! Kung bakit nanaman kasi nandito nanaman ‘tong lalaki na ito sa kwarto ko!

“a-aray naman Gail” reklamo niya habang nagkakamot ng ulo “grabeng likot mo naman matulog! Nahulog pa tuloy ako!” saka niya inilaw yung lampshade

“hwag ka mag-alala hindi ako malikot matulog. HI-NU-LOG talaga kita!” I retorted emphasizing the word HINULOG

“oh cellphone mo! Kausapin mo yung babae mo!” saka ko ibinato sakanya yung cellphone niya

“hala! Nagseselos ka nanaman dyan! wala nga akong babae!”

“anong wala! Madaling araw na tatawag pa!”

Bakas sakanya yung pagkagulat.

“o-oi! Wala talaga akong babae!”

“bahala ka dyan!” bulyaw ko saka ako humiga at nagtaklob ng kumot.

“lumabas ka na nga” pahabol ko pa ng hindi tumitingin sakanya

Pero sa halip na bumubukas na pintuan ang narinig ko, yung boses niya ang narinig ko “dito ako sanay matulog kaya dito lang ako” pagmamatigas niya saka pa siya nahiga sa tabi ko.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora