Chapter 16: FUN FUN FUN! sarcasm

243K 3K 467
                                    

Chapter 16: FUN FUN FUN! sarcasm

 

 

Sharlot’s POV

 

 

“Lance! gutom ako”

“tara” napakamot ako sa ulo. mapera nga pala siya.

“hindi na pala ako gutom”

“okay” balik ulit siya sa pag-upo at nuod ng tv. So gugutumin nga niya ako?

Okay! Nasa iisa kaming kwarto. Bakit? Kasi wala ng available room! Madami kasing nagbakasyon dito ngayon! heto nalang din kasi pinakamalapit na hotel. At sabi pa niya maganda din daw na matulog siya dito. SIYA lang. pag-aaralan daw niya kung paano ang pagpapatakbo nila ng hotel dito. Like I care? Hmph!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa may kama. Lalabas ako para kumain. Bahala siya sa buhay niya. manuod siya dyan!

“san ka pupunta?”

“lalabas natural! Parang gusto naman daw kitang kasama dito?” walang sabi-sabi sinarado ko na yung pinto at binilisan maglakad. Pero saan nga ba ako pupunta? Haha

Tutal no choice din naman ako. edi mag-eenjoy nalang ako mag-isa ^^,

Lilibutin ko itong lugar ng akong mag-isa! Wow so FUN! -____-

Gail I miss you! Dapat pala sumama na lang ako sakanya kanina sa mall. Dapat pala ininis ko nalang muna si kuya SHizu doon. Sana pala kinulit ko muna si Seiji na kapag may related na business ni--Wait! Related nga pala ito sa business nila Lance. err paano ko kaya siya aasarin ngayon?

Sana pumalpak naman si Lance yung tipong mapapagalitan talaga siya ng dad niya haha. Hala ang mean ko.

Pumunta nalang muna ako sa pinakamalapit na kainan dito. Isa siyang seafood restaurant. Awkward lang kasi kung hindi families ang nandito ay lovebirds naman. But I threw away that awkward feeling! Nagugutom na kasi ako ^o^

Matagal tagal din akong hindi nakakakain ng mga ganitong pagkain eehhh

Pumasok ako doon sa restaurant at nag order ng madaming madaming madaming pagkain! Haha. Nagutom ako at magtatanggal ako ng stress.

I put down my cellphone nung binigay na saakin ang aking mga order. YUM! Haha. Natatawa na lang ako sa tingin ng mga customer dito. Siguro kasi mag-isa ko lang pero ang daming kong order. Ewan ko nga din kung mauubos ko ito. Pero kaya ko ‘to! Para di sayang ang pera hehe.

Kumakain na ako nang biglang may umupo sa harapan ko at dahil sa pagkadismaya hindi ko nalang siya pinansin.

“eating alone?”

“ay hindi! May kasama ako oh! ang takaw nga” sarcasm -__-

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Where stories live. Discover now