Chapter 28: Gulong-gulo

222K 2.4K 267
                                    

Chapter 28: Gulong-gulo

“oh may kasama ka pala, I’m Gail her bestfriend, so you are?” siya na mismo ang nagpakilala sa sarili niya. nahihiya ako kay Steve. Ano bang nangyari at parang naging iskandalosa bigla ang bessy ko >.<

“Steve”

“her?”

“friend?”

Awkward :(

Ano bang nangyayari kay Gail?

“Miyuki oo o hindi?” now she’s pertaining to her previous question.

Mukha ko bang pinapaasa si Lance?

“hindi”

“talaga? Pero wala kang balak sagutin siya?”

“but I told him already! Sabi ko friends”

“isn’t it obvious Miyuki? Nililigawan ka ulit ni Lance! sabihin na nating di mo siya pinayagan. Pero diba sa mga kilos niya? hindi pa ba yun halata? Kung wala ka naman palang balak sagutin ulit si Lance then tama na. hwag ka na makipag-close pa kay Lance. pakawalan mo siya Miyuki. Hinding hindi siya makakapag-move on hangga’t may pinapakita kang motibo sakanya.”

Motibo? Move-on? Ano bang sinasabi niya?

“let’s talk again some other time”

“Cathy tara!” tawag niya sa babaeng hindi kalayuan saamin. Ouch. May new set of friends na din siya. kung sabagay normal yan sa pagiging student. Ang magkaroon ng madaming kaibigan.

Umalis na sila kasama nung si Cathy.

“sorry. Dapat pala di ako nagtanong ng kung anu-ano”

“ah? Ano ka ba! Ayus lang.”

“naging cold tuloy sayo yung bestfriend mo. Tingin ko botong boto sila dun sa ex mo”

“I wouldn’t do such thing anyway. Ang magpa-asa. Pwera nalang kung umaasa pa talaga siya” kasi ako humahanap lang ng tamag panahon.

Kasi ako, natatakot talaga. Yun ang hindi nila maintindihan saakin.

Dahil laging side naman ni Lance ang inaalam nila mula nung dumating ako. Hindi ang side ko.

For three years mga kuya ko ang lagi kong kasama.

For three years ni hindi ako magawang i-contact nila Gail.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Where stories live. Discover now