Chapter 39: patay

220K 2.8K 463
                                    

Chapter 39: patay

 

 

 

Nagtanong ako sa information desk kung saan naka-check in si Lance.

“Ma’am bilin po kasi niya pag may nagtanong na babae sa rooftop nalang daw po kayo pumunta”

Rooftop?

“ilang floor ba to miss?”

“30 po” ooohhh

Ano naman kayang gagawin sa rooftop? May surprise nanaman ba siya saakin? Haha

Nagiging assuming na ako!

Kasi dati naman ganun siya eh.

Masurpresa siyang tao.

Pumunta na ako sa elevator at pinindot ang 30. Hanggang doon lang kasi. Siguro aakyat nalang sa hagdan pag nandun na.

May mga kasabay ako sa elevator na mga kano! XD

Ang kaso nung nasa 18th floor na kami biglang huminto nalang yung elevator.

“what happened?” tanong nung foreigner

Nagblink blink na din yung ilaw! Lagot! Bakit ang malas ko naman? ala horror lang yung pagblink ng ilaw >.<

30 minutes din bago Bumukas yung elevator. Inaayos na pala. Buti naman. Si Aki baka kung ano na ginawa ni Lance dun sa bata >3<

Lumabas na kami sa elevator para sana lumipat kaso ang problema sira din!

Ano ba yan!

“anong nangyari kuya? matagal pa ba yan maayos?” tanong ko kay manong.

“may nasirang blah blah blah” di ko siya naintindihan. Ang dami niyang sinabing terms eh hahaha. Well educated si manong! Naks.

“may isa pa naman pong gumagana. Ayun po” turo niya. kaya naman nagpunta ako doon sa tapat ng elevator.

Pero nagulat ako! ang dami naman nakasakay at lahat sila paakyat!!!

Anong meron sa hotel na ito at ang daming tao?

Hihintayin ko nalang na mawala yung tao sa elevator. Pero habang naghihintay ako tumawag na si Lance.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon