Chapter 10: Christmas! lalala

276K 3.4K 466
                                    

Chapter 10: Christmas! lalala

Gail’s POV

 

 

 

Pinapunta ko agad si Bessy dito nung maka-uwi sa bahay. Umalis din naman kasi si Seb. Hapon na nung dumating si Sharly. Busy yata siya kahit na December 24 ngayon? Christmas na mamaya tapos nakakainis yang si Seb!

“bessy alam mo naman yang fiance mo playboy talaga. Pero see! Sayo umuuwi”

“eehh! Di naman kasi yun Sharly. Oo saakin siya umuuwi! Bakit? Kasi fiancé niya ako! hindi na nga niya ako sinasabihan ng I love you. Tapos maririnig ko sa kausap niya sa cellphone na mahal pa din niya yun!. Ano pa ako? panakip butas pala? O kontrabida sa pagmamahalan nila?” hindi ko mapigilan ang pangingilid ng luha ko.

Nakakainis talaga si Seb!

“anong balak mo?” she asked

“hindi ko alam. Baka di ko muna siya kakausapin. Nakakakulo kasi ng dugo!”

“hwag! Ano ka ba! Kausapin mo!” suhetiyon nya

“ayoko bessy! Naiinis pa ako” pagpupumilit ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. ang init ng kamay niya.

“bessy look. Kung hindi niyo pag-uusapan yan. Or if you did not even care about to tell your doubts. What will you think will happen?” she sighed then continued “baka masira ang meron kayo ngayon.” ngumiti siya at saka ulit nagsalita. “gusto mo bang matulad ka saakin? I mean not exactly pero diba for some reason medyo ganyan din ang nangyari saakin? Bessy kausapin mo siya kasi baka huli na ang lahat kapat nalaman mo pa ang rason niya”

“bakit? Alam mo nab a ang rason niya at kung makapagsabi ka ng huli na---“

“yeah. Kanina lang” wait? Kung ganun alam na niya ang reason ni Lance?

AS IN?

“a-ano daw?” tanong ko na halata namang ayaw niyang sabihin kasi sabi niya “hwag nga natin pag-usapan yung saakin. Yung iyo! Kaya mo nga ako pinapunta dito diba?”

“oo na kakausapin ko siya pag-uwi niya dito. Hindi pala pagkatapos ng Christmas nalang!” agad ko ding bawi. Kasi gusto ko malaman yung kay Lance. kung anong naramdaman ng bestfriend ko habang sinasabi lahat ni Lance yun.

“tell me about his reason!” determinado akong malaman yun. Aba! Tatlong taon din yun!

“Bessy naman. Hindi ako pumunta dito para pag-usapan yung saamin ni Lance. in fact wala naman dapat pag-usapan tungkol saamin kasi wala naman. Kayo ni Seb. Ayan yung pinunta ko dito”

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Where stories live. Discover now