Chapter 31: PDA

239K 3.2K 583
                                    

Chapter 31: PDA

 

 

 

Bigla akong nahihiya kay Lance ngayon. parang ngayon lang ako tinablan ng hiya dahil sa ginawa ko kanina. Mabagal kaming naglalakad pabalik doon sa bahay. Ewan ko kay Lance nagmamabagal siya! ako naman heto at sinusundan siya. pag tumitigil siya titigil din ako. para nga siyang sira kasi titingin siya sakin tas ako naman itong ngingitian lang siya ng sarcastic para naman tumuloy na siya sa paglalakad. OO NA KAMI NA ANG PARANG TIMANG! Si Lance kasi kunwari pang di narinig. Kung i-untog ko na kaya siya ngayon sa poste na madadaanan namin? Siguro makakalimutan niyang sinabi ko yung mga katagang yun? Para di na ako mahiya!

Ayan nanaman tumigil nanaman siya.

“bakit ba ayaw mo ko sabayan sa paglalakad?” he finally asked. Sabi ko nga nga itatanong niya yan!

“kasi mabaho ka! Amoy pawis ka! Saka hwag mo nga ako kausapin! Nahihiya ako!” narinig ko siyang tumawa. Sige tawanan mo pa ako! bawiin ko mga sinabi ko kanina eh!

“hwag mo nga ko tawanan! >.<” naglakad nalang ako at nilagpasan siya. medyo malapit na din naman kami sa bahay nila Lance. bahay nila yan eh. -.-

“bakit pala may biglaang bakasyon? Grabe ah”

“inutusan ako ng nanay ko magbakasyon”

“akala ko ba si Gail nag-isip?”

“pinilit ako ni Gail”

“ah. Bakit naman daw?” edi ako na matanong! Ang hirap sumegwey eh! Gusto ko itanong yung about kay Celina at JL

“gusto lang niya magkasama sama tayong lahat. Gusto niya maayos ang lahat. Syempre dapat daw kasama ka”

“pero di niya nasabi saakin kahapon”

“uminit daw kasi ulo niya”

“wow edi kayo ng close ng bestfriend ko!” nakakapangselos lang kasi sa iba na close yung bessy ko. di na ako.

Sabay na kami ngayong naglalakad. ang sarap din tumingin sa langit ngayon ang daming stars ^^,.

“naalala mo pa ba?” he asked. Ano naman kaya yun?

“ang alin?”

“tss. Sila yung witness natin noon” tinuro niya yung stars.

Oo nga. We promised each other, na kami lang forever.

Nakabalik naman kami sa bahay nila ng walang hiyawan o tanungan na naganap. Buti naman kasi ayaw ko pa sabihin sakanila. Nahihiya kasi ako. lalo na kay JL. amp.

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Where stories live. Discover now